GRACIANO II

474 71 37
                                    

GRACIANO
IKALAWANG BAHAGI

Wala na ang pamilyang nagpalaki sa akin. Wala na ang pamilyang nagbigay buhay at saya sa akin. Wala na ang pamilyang tumulong sa akin na muling lumaban para sa buhay. Wala na akong pag-asa. Wala na ang pamilya Del Pilar at ang nagpapatay nito ay walang iba kung hindi ang tunay kong ama. Wala siyang kwentang tao.

Nakatayo ako ngayon sa puntod kung saan nakalibing ang buong pamilya Del Pilar. Ilang araw ko na rin silang nilibing dito. Hindi ko na alam kung saan ako paparoon. Nararapat pa bang pumunta ako sa Palawan, gayong mag-isa na lamang ako. Dapat ko bang ipaglaban ang hustisya? Kahit na mahirap, alam kong dapat.

Bali-baligtarin man ni Padrino ang mundo, siya ang nagpapatay kay ina at sa buong pamilya ko. Dapat siyang managot kahit paikutin niya pa ang batas. Dapat siyang managot sa lahat ng kaniyang mga kasalanan kahit hindi na sa batas. Kahit sa akin na lamang. Papatayin ko siya.

Kumulog lalo nang malakas ang madilim na kalangitan. Umuulan ngayon nang malakas at ngayong araw din ikinasal si Hermosa kay Señor Gallardo. Sobrang sakit ang nararamdaman ko dahil bukod sa namatayan ako, ikinasal din sa ibang ginoo ang binibining minamahal ko. Ayos lamang, kasalanan ko. Hindi ko siya sinipot sa daungan.

Hindi ko alam kung anong oras na ngunit natitiyak kong hating gabi na. Wala akong pakialam kung may makahuli sa akin. Wala naman na akong uuwian sa aming tahanan. Masyadong masakit ang lahat ng mga kaganapang ito sa akin.

"Matitikman ng Padrinong iyan ang aking paghihiganti." Wala sa sariling saad ko. Simula noon, hanggang ngayon mamatay tao talaga ang aking tunay na ama. Naalala ko tuloy ang masaklap na pagkamatay din noon ni Ina.

Naisip ko tuloy, kasalanan ba ni Ina na nabuntis siya nitong si Padrino? Lumayo na nga kami ni Ina noon upang hindi na makagulo ngunit hindi nila kami pinalampas. Kahit ako, hanggang ngayon ay nais pa rin nilang patayin. Namuhay ako bilang Del Pilar at lumayo sa kanila, hindi ako naghabol sa kanila, sa yaman nila ngunit ano ba ang gusto ni Don Padrino?

Inumaga na ako dito. Wala na talaga akong pag-asa. Paano ko mapagbabayad sa batas si Don Padrino gayong si Señor Gobernadorcillo Juancho ay walang nagawa noong pinatay noon si Señora Carolina. Kapanahunan pa iyon ng pagiging gobernadorcillo niya ah?

"Dios mío, Graciano. Que te estas haciendo ¿Crees que tu familia disfrutará haciendo eso?" Saad ni Señor Sergio, nang siya'y mapadaan sa puntod ng pamilya ko kung saan ako namamalagi. [DIYOS KO, GRACIANO. SA TINGIN BA AY NATUTUWA ANG PAMILYA MO SA GINAGAWA MONG ITO?]

Marahil ay mukha na akong bangkay ngayon. Ilang araw na akong hindi kumakain at walang kagana-ganang maliligo sa araw-araw. Para akong nabubuhay na bangkay. Nabubuhay upang hintayin ang kamatayan.

"No tengo familia, señor Sergio. Fueron asesinados. Don Padrino los mata." Saad ko at tumulo na naman ang luhang kay tagal na ngunit hindi pa rin maubos-ubos. [Wala na akong pamilya, Señor Sergio. Pinatay sila. Pinapatay sila ni Don Padrino.]

"Graciano, soy tu familia. Hazme tuya, te guste o no. No te dejaré vivir como si estuvieras muerto. Te ayudaré a levantarte. Deja que te ayude." Saad ni Señor Sergio habang hinahagod ang likuran ko. [Graciano, ako ay iyong pamilya. Tiyuhin mo ako, sa ayaw mo man o sa gusto. Hindi ko hahayaang mabuhay ka na parang patay. Tutulungan kitang makabangon. Hayaan mo akong tulungan ka.]

Ganoon na nga ang nangyari. Tinulungan ako ni Tiyo Sergio upang makabangong muli sa loob ng limang taon. Lahat ginawa ko upang maging malakas, matatag at matagumpay. Kailangan ko ng hustisya. Ang hustisyang iyon ay makakamit ko lamang kapag namatay na si Don Padrino upang wala na siyang mapatay pa.

Bago ako tuluyang makaalis sa bansa, ako'y nagtungo sa Cavite upang maningil sa kanilang heneral. Si Tolentino ang pumatay sa aking Inang Selda kung kaya't papatayin ko rin siya.

Mi AmoreWhere stories live. Discover now