Prologue 🍃

98 4 4
                                    

"Mom, look at the wind! i can see it's direction. It follows my hand," nakangiting sabi ko habang tinatawag ko ang aking nanay na busy sa paglalaba.

"Baby, you can't see the wind"

"But i can, the wind is even coming closer to me"

Nakangiti lamang ako habang pinagmamasdan ang hangin at ang mga dahon ay sumasabay sa direksyon nito. Hindi ko alam kung bakit tinatawanan ako ng iba kong kapwa bata at sinasabihan nila ako na baka daw may sira ako sa utak pero totoong nakikita ko ang lahat ng mga sinasabi ko. Abala ako sa paglilibang ng sarili ko nang may pumunta sa harap ko na isang tao, isang babae.

"Kamusta ka?" nakangiting bati nito saakin.

"Ayos lamang naman po"

"Talaga? gusto mo pa makakita ng mga magagandang bagay?"

"Opo naman!," masigla kong sagot dito pero muling nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa may naalala ako.

"Syempre po gusto ko dahil hindi ako katulad ng ibang mga ka-edad ko na malayang nakakapaglaro sa labas," malungkot ako sa tuwing sasabihin ko ang mga salitang iyon pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makapag-sinungaling sa kaniya.

"Alam mo bang pag sumama ka saakin ay may makikita ka pang mas nakakamangha na mga bagay?"

Akala ko makakasagot pa ako sa tanong niya pero biglang sumigaw ang nanay ko mula sa likod at kaagad na lumapit saakin, nagawa pa nitong itulak ang kinakausap ko at napansin kong may bahid ng pananakit sa reaksyon niyang ipinakita. Kung titingnan mo ay napakahina lamang ng ginawang pagtulak ni Mama pero hindi ko alam kung bakit parang nasaktan siya ng sobra dito.

"Leave Jhazrell alone! leave my daughter alone," mahinahon pero may diin sa mga salita ni Mama.

"I can't do that! she doesn't belong here and you know that!"

"She belongs here! she can live here"

Dahil naguguluhan na ako at walang alam sa mga nangyayari ay napahawak ako sa damit ni Mama na kasalukuyang nakayakap saakin at napatanong.... "Mama, what's happening?"

"It's nothing serious baby"

"Jhazrell, you can come with me. You'll have a lot of playmates there," pangungumbinsi pa saakin ng babaeng kausap ni Mama ngayon.

"As her mother, i won't let her so please leave"

Hindi na hinintay pa ni Mama ang sagot ng babae dahil muli na naman niya itong itinulak at unti-unti nang nawala ang babae na kanina lamang ay kausap namin.

"Sino kausap niyo kanina?" biglang sumulpot ang tita ko

"Wala naman kaming kausap eh," nagsinungaling si mama dahil itinanggi niyang may kausap kami kanina pero hindi na lamang ako umimik.

"Is that so? mukhang iba kase ang nakita ko. Sige na, aalis muna ako"

"Ingat ka po, Tita"

Ngumiti lamang saakin ang tiya ko bago tuluyang umalis. Maglalaro na dapat ulit ako at titingnan ang direksyon ng hangin nang biglang hawakan ni Mama ang balikat ko at tiningnan ako ng diretso saaking mata. Tinanggal nito ang kuwintas na suot niya at ikinabit saakin.

"Promise that you'll always wear that necklace"

"Okay Mama! i promise po," sagot ko sa kanya habang nakatingin at hawak ang kuwintas na ikinabit niya saakin.

Muli akong humarap sakanya at nakita kong may luhang pumatak mula sa mga mata niya so pinunasan ko ang mga iyon.

"Why are you crying Mama? do you want me to return this to you?" i'm pertaining to the necklace.

"No baby, it's just a tears of joy cause i'm happy that the necklace suits you"

"Is that so? Thanks Mom! I love you," i hugged her so tight.

"I love you too my daughter, Jhazrell Lhiana Trinidad," Bulong nito na sapat lamang para marinig ko.

Kagaya nga ng pangako ko sa nanay ko ay lagi kong suot ang kuwintas at nagtataka ako kung bakit hindi ko na makita ang direksyon ng hangin at ang babaeng lagi akong kinakausap. Matapos ang isang linggo ay binawian ng buhay ang nanay ko sa hindi ko malamang dahilan dahil wala naman siyang sakit, mukhang pamamaalaam ang dahilan ng pag-iyak niya noong isang linggo.

Itong kuwintas na lamang ang natitirang pinaka-espesyal na bagay na iniwan saakin ng nanay ko dahil may nabuong pangako mula sa mga ito. I hold the necklace and looked at it before looking up at the sky.

"I'm just a five years old girl and yet you already leave me Mama," nakangiti ako at nagawa pang tumawa ng bahagya kahit na ang luha ko ay nagbabadya nang bumagsak.

"I'll keep my promise and i'll study hard. I love you so much" .......

---------------------------

Author's Note:
Jhazrell Lhiana is pronounced as Jeyzrel Liyana

•This is my second story and this is under the genre: fantasy. I hope that i can make it until the end!! God bless us all ♡♡

Phenomenal Fate Where stories live. Discover now