Chapter 11 🍃

22 4 8
                                    

Agad akong napabalikwas nang matanggal ko na ang aking mata mula sa pagkakatingin ko kay Lloyd. Napaka-awkward talaga kaya hindi ako makatingin sa kaniya ngayon. Hindi ko man lang ito natulungang tumayo sa kadahilanang hindi ako makatingin sa kaniya.

"I'm sorry," paghingi niya ng paumanhin.

"It's not your fault Lloyd, ako ang may kasalanan"

"pero kung hindi ko ginalaw ang buhok mo-----"

Hindi ko na siya pinatapos pa, "Tapos na at tsaka wala namang masamang nangyari eh"

"Yeah right"

Napatawa na lamang kaming dalawa at mamaya lang ay balik na sa normal ang lahat. Muli na naman kaming umupo sa swing at dahan-dahan na iginalaw ang mga ito gamit ang aming paa. Walang nagsasalita at para bang nagpapakiramdaman lamang. Hindi ko naman siya masisisi sa pagiging malungkot niya dahil alam ko ang pakiramdam ng napipigilan sa kagustuhan mo, at alam kong mas masakit ang kaniya dahil mismong magulang niya ang hadlang, hindi kagaya ko na hindi pa lubos na kilala ang humahadlang.

"Hey," i broke the silence between us.

"Hmm?"

"Bakit nga pala dito ka sa park nagpunta?"

"Sasagutin ko yan, sa isang kondisyon"

"Oh ano naman yang kondisyon mo?"

"you'll answer the same question that you gave me, okay?"

Tanging pagtango na lamang ang sinagot ko dito. Ang lalaking kagaya niya, kapag may hindi maintindihan na bagay ay hindi kadalasang pupunta sa mga lugar na kagaya nito. Maaaring sa bar o di kaya naman ay hang-out with the tropa ang mangyayari, they'll drink and then after that ay parang walang nangyari kaya naman lubos akong nagtataka kung bakit andito siya ngayon.

"Hindi ko naman pinag-isipan na dito talaga pumunta e," iyan ang panimula niya.

"But talaga ngang hindi natin alam ang sunod na mangyayari"

Agad akong napalingon dito. "Predicting what will happen next will only hurt you. Imagine that you're expecting something and it won't happen," hindi ko alam kung saan ko ba nakukuha ang mga sinasabi ko.

"Yeah. Nakatulong din saakin ang hindi pag eexpect na magiging okay ako ngayong araw na ito"

"Talaga? sa paanong paraan naman?"

"I never expected na dito ako sa park mapapadpad at hindi ko akalain na andito ka, kakausapin ako"

Awtomatiko akong napangiti. Masarap pala sa pakiramdam na nakakapag-pagaan ka ng kalooban ng ibang tao. Hindi madali na maging under ng isang problema, maliit o malaki ay problema pa din yan na nangangailangan ng solusyon.

"Dito ako nagpunta kasi naisip ko na baka may mga batang naglalaro dito. Maliligayahan ako kung sakaling makita ko sila na naglalaro"

"Bakit Lloyd? Hindi mo ba na-experience na maglaro noon?"

"Silly! Of course i did," bahagya pa itong napatawa dahil sa aking tanong.

"Then why?"

"I love to see children while playing. It seems like they don't have problems and they can move freely," unti-unting nagiging mas malungkot pa ang boses ni Lloyd. "Not like us, like me. We can't move freely because we always think of others or someone is controlling us"

"Is that so? Sadly walang mga bata na andito ngayon. I feel bad for you"

"Don't be Lhiana, atleast you're there diba?"

Phenomenal Fate Where stories live. Discover now