Chapter 24 🍃

13 4 22
                                    

"Jade, what the hell?" Napareklamo na lamang si Rose nang itaboy ni Jade ang basura papunta sa kaniyang area.

Tumatawa pa ng bahagya si Jade bago magsalita, pinanlisikan lamang ito ng mata ni Rose.

"I didn't do anything," he's playing innocent and i can't stop myself from smiling because of Rose's reaction.

"Ahuh?"

Tinapos lamang ni Rose ang pangongolekta ng mga basura at agad na nilagay iyon sa imbakan, may specific area kami for those trash. May mga naeors na responsible for those trash and i don't know kung anong ginagawa nila, maybe recycling.

Nang matapos na si Rose ay agad itong nagpalinga-linga sa paligid at nang tumama ang paningin nito sa isang lugar na may mga puno at halaman ay napangisi ito ng bahagya. Iginalaw nito ang kamay niya at mamaya lamang ay may mga dumating nang mga dahon na kung saan ay papalapit sa direksyon namin.

Mukhang walang kaalam-alam si Jade sa ginagawa ni Rose dahil busy ito sa pagtawa habang nililinis ang karagatan. Mamaya lang ay nasa ere na si Jade habang ang mga dahon ay nakapulupot sa katawan nito, i can see how nervous he is.

"Holy shit!" He shouted as the leaves becomes higher.

"You still didn't do anything,  Zeliurex?" I was laughing so hard, as well as Rose.

"Laugh," saad ni Rose habang nakatingin sa direksyon ni Jade, inuutusan nito itong tumawa sapagkat ang pagiging kabado niya ay mababakas mo na sa kaniyang mukha.

"What the hell! Put me down Rose!"

I must admit na nabibigla ako sa aking nakikita. I never knew na close din pala silang dalawa or is it just me?  But base on my observation, they're close to each other. Jade won't speak up, not unless you're close to him.

Napapailing na lamang ako dahil sa dalawa at ipinagpatuloy ang aking ginagawa. Akmang hahakbang na ako papunta sa ibang area dahil natapos ko na ang area na 'to kahit na ang pag-iingay lamang ang naiambag ng dalawang ito nang mapansin kong sumeryoso na ang boses ni Jade.

"Rose,"

Napukaw nito ang aking atensyon kung kaya't napilitan akong tumigil.

Infairness, boses pa lang gwapo na.

"What?" Hindi nagpatinag si Rose at mas tinaasan pa ang pwesto ni Jade.

"Put me down or else,"

"Or else what?"

"I'll kiss you once na makaalis ako dito by myself," pagsagot nito.

Agad na nabitawan ni Rose ang kapangyarihan at nagdire-diretso si Jade pababa, buti na lamang at sanay na siyang gamitin ang kapangyarihan niya kung kaya't nakapag-ready pa siya, hindi kagaya ko na lagi na lamang nahuhulog.

Nahuhulog sa maling tao, ay shet pasmado.

"I thought you won't put me down," nakangisi na ngayon si Jade habang papunta sa pwesto ko, mamaya lamang ay umakbay na ito saken.

"Crackhead," naiiling na saad ni Rose at nauna nang umalis.

Saglit lang, diba dapat ako yung aalis? Bakit ako yung andito sa tabi nitong si Zeliurex?!

"Let go,"

Mukhang napansin na ni Jade na naka-akbay siya saakin kung kaya't kaagad na inalis nito ang kaniyang braso sa aking balikat. Tumikhim muna ito bago nagsalita.

"Oh sorry" 

"Do you like her?"  I smiled widely while asking him.

"What?!"

Phenomenal Fate Where stories live. Discover now