Chapter 1 🍃

63 5 2
                                    

Abala ako sa pag-rereview bago pumasok sa eskwelahan dahil hindi ko na nagawang mag-review pa kagabi para sa quiz namin ngayon, mabilis kasi akong inantok at ngayon lamang ako nagmamadaling magbasa. Pinagsasabay ko na ang pagkain ng tinapay at ang pagbabasa ng libro kaya naman pinuna ako ni tita.

"Ibaba mo muna iyang libro Jhazrell. Kumain ka muna"

"Pero tita, ang haba pa po nito at hindi ko alam kung masasaulo ko pa po ba ito mamaya"

"Bakit naman hindi mo kagabi ginawa iyan kung kailan mahaba ang iyong oras?"

Napangiti ako ng kaunti at napakamot saaking batok, "Dinalaw na po ako ng kumare ko e"

"Kumare? sa gitna ng gabi? Ako ba ay pinagloloko mo Jhazrell?"

"Kumareng antok po, Tita"

Ibinaba nito ang hawak na kutsira at tinidor at ngayon ay nakatingin na saakin ng masama na akala mo ay anytime, pwede na niya akong sakalin. Dahil sa takot ay ibinaba ko ba lamang muna ang aking libro at kumain ng mabilis, kahit na ang magsalita ay hindi ko na ginawa habang kinakausap ako ng aking tita.

"Naku! Mag t-twenty years old ka na sa isang linggo tapos iyan ka pa din sa kalokohan mo," naiiling pa ito habang kinukuha muli ang kanyang kutsara at tinidor. Hinayaan na lamang ako nito na hindi sumagot dahil sa mga oras na ito ay maaaring nakikita naman niya talaga na nagmamadali ako.

"I'm done! thank you for the breakfast," masigla kong saad bago tuluyang tumayo at kinuha ang aking libro.

Tiningnan ko muna kung kumpleto na ba ang gamit ko at maayos na naman ang lahat, sunod akong pumunta sa salamin at tiningnan kung maayos na ba ang itsura ko at napangiti ako ng bahagya nang makita ko ang kuwintas na bigay saakin ng nanay ko, at kasalukuyan kong suot ngayon. Kagaya ng pangako ko sa kanya ay isinusuot ko talaga ito kahit na matutulog o maliligo lamang ako.

"It's been 14 years since you left me Mom, i miss you so much," i whispered and looked at the necklace as if my mom is inside there.

"Are you happy right now? I made my promise, i'm always wearing the necklace you gave me"

Binitawan ko na ang necklace at muling humarap sa salamin ng may ngiti. Kinuha ko na ang bag ko at tuluyan nang umalis. Napadaan ako sa higaan ni baby Shairyl kaya naman tumigil muna ako at humalik dito.

"My baby is quiet! Mamaya ulit tayo mag p-play ni ate ha?," i kissed her cheek and i can see her smile. She recognized me easily cause i'm always taking care of her.

"Go now, you might be late," lumabas si tita mula sa kusina habang dala-dala ang gatas na tinimpla niya para kay baby.

Lumapit muna ako dito at tsaka nagbeso ay nagbless, "Bye tita, see you later"

Tuluyan na akong umalis at naghintay ng masasakyan na jeep dahil masyado akong magtatagal kung lalakadin ko pa simula dito sa lugar namin hanggang sa school. Nang makasakay na ako sa jeep at makaayos ng upo ay may nakita akong babae doon sa may daan na nakatayo at naka flower crown na green, ay taray naman natin teh... center of attraction? Tiningnan ko lamang ito dahil ganun din ang ginagawa niya saakin.

"Anong tinitingnan mo ija?" tanong saakin ng matandang kaharap ko

Nginitian ko muna ito bago tuluyang nagsalita, "Ahaha wala po, yung babaeng naka flower crown na green po. Ayun po oh," itinuro ko pa iyong babae kaya naman nilingon ito ng matanda at napakunot ang noo nito

"Maaaring nakaalis na ang tinuturo mo ija dahil wala na akong makita pang tao sa gawing iyon"

Muli nang humarap ang matanda at ako naman ay nababalot ng pagtataka. Hanggang ngayon ay nakikita ko pa din ang babae at seryoso itong nakatingin saakin. Nakit a kong iginalaw nito ang kamay niya na akala mo ay nag s-stretching nang biglang humangin at may dahon na nagliparan. Nadali ng isang dahon ang kuwintas ko at napansin kong may crack iyon.

Phenomenal Fate Där berättelser lever. Upptäck nu