Epilogue 🍃

41 3 42
                                    

Author's Note: Hi! Thank you for reading this until the end. I didn't expected na makakaabot 'to ng 500+ reads bago ko matapos. I'm so blessed to finish another story! I'm hoping that you liked this story, Godbless us all!!

-----

Jhazrell Lhiana's POV

"ATE, WAKE UP! YUCKS! YOUR SALIVA IS EWW, DISGUSTING!"

Ang sarap ng tinutulog ko tapos maririnig ko na naman ang nakakabingi na boses ng batang ito.

"ATE WAKE UP NA! YOUR PILLOW IS FULL OF SALIVA!" napakalakas ng pagsigaw ni Shairyl.

Naalimpungatan ako nang sabihin nitong puno na ng laway ang aking unan kung kaya't dali-dali akong bumangon at pinahid ang aking pisngi. Naramdaman kong hindi naman basa ito at nang tumingin ako sa aking unan ay wala man lang itong bahid kahit isang patak man lang ng laway. Pinanlisikan ko ng mata ang batang ngayon ay nakangisi na sa akin ng nakakaloko.

"SHAIRYL!"

Bago pa man ako tuluyang makatayo ay nakatakbo na ito papunta sa ibaba kung saan naghahanda ng umagahan si Tita. Napansin kong naka-uniform na ito at dahil doon ay napatingin ako sa orasan.

"Oh sh*t, i'm dead!"

Napabalikwas na ako sa aking higaan at walang pag a-alinlangan na dumiretso sa banyo para maligo. Kailangan ko na namang mag-madali dahil tanghali na naman akong nagising at kung wala pa si Shairyl, malamang na hanggang mamaya ay tulog pa din ako.

Nang matapos akong maligo ay mabilis kong inihanda ang aking uniform para sa trabaho at isinuot ito. Bakit nga ba nawala sa isip ko na naghahatid pa ako ng bata sa school at maaga nga pala ang pasok ko sa trabaho? Argh, ang hirap maging addicted sa anime! Grrrr.

"Bye babies! Mamaya tayo muling magtu-tuos!"

Para akong timang na nakangiti sa mga photocards na nakadikit sa pader. Pictures ito ng mga favorite anime characters ko.

Mamaya lamang ay bumaba na agad ako at saktong katatapos lamang na maghanda ni Tita ng breakfast. Bumati lamang ako dito at umupo na agad sa upuan sabay kain.

"Ano ba naman 'yan, Jhazrell. Hinay hinay lang, hindi ka mauubusan," naiiling na paalala sa akin ni Tita.

"I have to. Ihahatid ko pa po si baby Shairyl, Tita"

"Iw, stop calling me baby, ate. I'm not a kid anymore!" Sabat pa nitong si Shairyl nang marinig niyang tinawag ko na naman siya sa ayaw niya.

"Ows, ilang taon ka na nga?"

"Seven!"

Napangiti na lamang ako dahil sa pagsagot nito. Simula talaga nang mag seven years old siya ay pinagmamayabang na niya sa akin ito. Sabi niya ay hindi na daw siya bata but for me? She'll always be my baby.

"Ay nako! Hindi kayo matatapos diyan! Sige na, kain na!" Pagsabat ni Tita sa aming usapan.

Instead of answering her ay napangiti na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain. Nang makatapos kami ay kinuha na ni Shairyl ang kaniyang gamit at ganoon din ako. May sarili na akong sasakyan na nabili ko lamang noong isang taon, pinag-ipunan ko ito mula sa aking suweldo kung kaya't ingat na ingat ko ito.

"Bye,tita!" i kissed her cheeks and she did the same to me.

"Bye, Mommy!" Shairyl hugged her mother.

"Oh, ingat sa pagmamaneho ha?" Mahalagang paala-ala ni Tita sa amin bago kami tuluyang sumakay sa loob ng sasakyan.

Nauna nang pumasok si Shairyl kaysa sa akin at nang maka-upo na ako sa driver's seat ay nakita ko sa side mirror kung gaano magmahalan ang mag-ina. Don't get me wrong, okay? Nararamdaman ko ang pagmamahal ni Tita sa akin. It's just that, iba pa din kung buhay pa ang nanay ko.

Phenomenal Fate Donde viven las historias. Descúbrelo ahora