Chapter 39 🍃

14 1 17
                                    

Masyado akong masaya dahil hindi ko pa din makalimutan yung nangyari kahapon. Nakakatuwang isipin na nakapag-celebrate ako ng maayos at mukhang magiging si kupido pa ako kapag nagkataon HAHAHA joke lang po.

Nakapag-usap din kami kahapon at may balak kaming gawain ngayong araw na ito bilang pagtupad sa aking kahilingan. Aatake kami sa mga harixics ngayon at makikipag-tapat na ako sa main warrior ng mga ito. Hindi ako nagda-dalawang isip na patayin ito, masyado silang pahirap sa buhay ko at ng iba pa.

Habang ako ay naglalakad papunta sa aming meeting place ay napansin kong wala nang masyadong tao ang nasa labas. Mukhang seryoso talaga sa ginawa nilang pag-payag kahapon.

Nagkaroon ako ng lakas ng loob sapagkat matagal akong napatigil sa labanan at ang aking bar of life ay muling tumaas. Maraming beses na si Jade ang sumalo ng mga laban na dapat ay sa akin at buti na lamang ay mataas pa din ang bar of life niya. Edi wow, siya na ang malakas.

"Andiyan na si Jhazrell!"

Malayo pa lamang ako ay narinig ko na ang sigaw ni Tito Chester na ngayon ay katabi ang babaeng pinaka-mahal niya na si Tita Maria. Agad na umayos ng tayo ang mga naeors at napansin kong wala ang mga bata dito. Nakahinga naman ako ng maluwag sapagkat ayaw ko silang idamay sa labanan na ito.

"Salamat sa inyong pagpunta," iyan agad ang aking naging bungad nang makalapit ako sa mga ito.

"Sana ay nakapag-handa kayo ng maayos at palagi niyong tatandaan na wala dapat manlagas sa atin. Kaya natin 'to naeors!"

"NAEORS!"

Napangiti ako at agad na napalingon kay Tito at Tita, senyales na dapat na kaming umalis at umatake sa mga kalaban.

Maraming mga bagay ang napasok sa aking isipan nang tanungin nila ako kung ano ba ang aking kahilingan ngunit ang pag-atake sa mga harixics ang aking naisipan. Kung hihiling lang din naman ako, iyon ay ang pangkalahatan na. 

"Are you sure about this thing, Jhana?"

"I'm dead serious, Zeliurex!"

Bakas sa mukha ni Zeliurex ang pag-aalala ngunit wala nang atrasan ito. Huwag naman sana kaming mabigo.

Aminin ko man o hindi ngunit nababahala ako sa nagiging reaksyon nitong si Jade. Ngayon lamang naman siya kinabahan sa isang labanan. Malamang na naiisip nitong maaaring hindi pa ako handa dahil sa malulupit na karanasang aking napagdaanan nito lamang nakaraang taon.

"Kung nag-aalala ka para sa akin, huwag mong isipin 'yon ,Zeliurex. I'm fine," i smiled at him para mapakalma ito.

Hindi pa din nagbago ang itsura nito ngunit umiwas na lamang siya ng tingin at nagpatuloy na lamang sa paglipad. Nang malapit na kami sa lugar ng mga harixics ay natatanaw na namin kung gaano nila pinapahirapan ang sarili para mag-ensayo. Napakadami nila ngunit bakit ganito ang aking nararamdaman?

Pakiramdam ko ay kulang pa sila at wala diyan ang aking hinahanap. Tanging ang main warrior ang aking pakay dahil alam kong kaya na ng aking mga kasamahan ang ibang harixics. Without having a doubt, sabay-sabay kaming umatake at mukhang hindi inaasahan ng mga harixics iyon.

Nang makakuha kami ng tiyempo ay agad kaming lumipad ng napakabilis at pumalibot sa lugar ng mga ito. Patuloy lamang kami sa pag-atake nang may isa kaming kasamahan na lumagpak na sa may lupa.

"Oh shit! Nadami na sila!"

"Tangina!"

Maging si Jade ay napamura na lamang. Hindi ako nagpatinag dito at umalis na ako sa aking pwesto para hanapin ang main warrior. Hindi ako mag-aaksaya ng oras ko para sa mga walang kwentang harixic na hindi naman magiging sagot ng kanilang pagkatumba. Kailangan kong makaharap ang main warrior nilang napaka-demonyo.

Phenomenal Fate Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt