Chapter 37🍃

14 2 12
                                    

Abala ang lahat para sa paghahanda sa magaganap na surpresa mamaya kay Jhana. Wala siyang ideya na alam naming lahat kung kailan ang kaarawan niya at wala man lang itong nabanggit tungkol dito.

"Oh ano Darwin. Ayos na ba iyang mga pagkain?"

"Yes naman kuya!"

"Good!"

Makikita mo sa mga mata ng naeor na talagang bukal sa kanilang mga kalooban ang pagtulong para sa magaganap na munting surpresa para mamaya. Saksi ang lahat ng bawat isa sa amin kung paano naging miserable ang buhay ni Jhana nang mawala si Lloyd at Rose.

Nalaman ko din na kaya pala siya nagpapatuloy na umasa ay kahilingan iyon ni Rose. Kailangan niya daw pala magpatuloy kagaya ng ginawa ng kaniyang ina. Kahit na magkaiba ang kanilang lahi ay nagawa pa din nitong lumaban.

Nasaan ba 'yang si Rose at sasakalin ko muna ng isa. Imbes na nakaamin na ako, humadlang pa ampotek.

Charot, baka dalawin ako mamayang gabi, mahirap na.

"Hoy si Kuya Jade nangiti mag-isa!" Narinig ko ang boses ni Erwin na umaalingawngaw.

Agad akong natauhan at huli na nga nang marealize ko na nakangiti nga pala ako. Kanina pang tumatakbo sa isipan ko ang magagandang ngiti mula sa labi ni Jhana sa oras na ma-surpresa siya.

Ako talaga ang nakaisip ng pakulong ito at paano ko nalaman kung kailan ang kaniyang kaarawan? Nalaman ko iyon nang may sinagutan kaming laro sa mall habang naggagala kami. Mas matanda ako sa kaniya ng isang taon but it doesn't matter. Kahit pa ba mas bata saakin ng sampung taon 'yang si Jhana, eh siya ang mahal ko.

"Ayaw pang umamin eh!"

"Walang-wala sa mga binata sa paligid!"

Inaasar pa ako ni Maria at Chester kaya naman napailing na lamang ako. Hindi ko naman maitatanggi na mahal ko si Jhana sa tuwing tatanungin ako ng iba.

Hindi ko ugaling tumanggi kapag nagmahal ako ng isang tao. Bakit ko pa ginusto kung tatanggi lang din naman ako diba? Kapag naman nanawa ako ay hinding-hindi mo na ako mapapabalik pa.

"Hala kuya! Gising na si ate Jhazrell," bulong ni Yna habang hinahawakan ang damit ko.

Agad akong nataranta at namalayan na nagtipon na pala kaming mga naeor. Sinalubong namin siya habang kumakanta at bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Nagkukusot pa ito ng kaniyang mga mata at tamad na tamad na naglalakad, halatang-halata ang pagiging normal girl.

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!! HAPPY BIRTHDAY MAIN WARRIOR!!"

Masiglang bati ng lahat. Simple lang naman ang surpresang naganap. Namura pa nga ako nang mag-suggest akong mag-lechon. Bawal nga pala kaming pumatay ng mga hayop hehe.

"W-what's this?"

"Surprise Jhana! Happy birthday baby girl," i smiled at her.

"Baby girl your face! Mandiri ka sa sinasabi mo! 

"Okay okay. Chill ka lang birthday girl..."

Inirapan lamang ako nito at humarap na sa ibang naeor ng nakangiti. I'm so happy dahil natuwa naman pala siya sa munting sorpresa namin. Nagpasalamat pa ito sa lahat at mamaya lamang ay nagdiretso na kami sa mga pagkain.

Hinayaan ko muna itong makipag-usap sa ibang mga naeor. Mas maganda na maging mas malapit siya sa ibang mga naeor lalo na't nararamdaman ko na malapit nang magkaharap-harap ang matataas na posisyon sa naeors at harixic. Alam kong kakayanin niyang lumaban, she's strong. She'll do everything for this family.

Naglakad muna ako papunta sa isang tabi para sana magpahangin nang may marinig akong hindi inaasahan.

"Yna, i have something to tell you"

Alam kong boses iyon ni Erwin Keifer. Ano naman kaya ang sasabihin ng batang ito at kailangan ay sa tago pa talaga?

"Kung tungkol 'yan sa nararamdaman mo, Keifer. I'm sorry pero tigilan mo na ako. Alam mo namang ayaw ko nga sa'yo!"

"Pero Yna naman, ayaw mo ba talaga akong bigyan ng chance?"

"Ayaw ko nga kase sa'yo, Keifer. Mahirap bang intindihin 'yon? And besides, ang bata pa naman natin"

Bigla naman akong nakaramdam ng awa kay Keifer. Ang sakit ng sinabi ni Yna. Ganoon ba talaga kapag mga bata pa lang? Diretso talagang sasabihin na ayaw sa'yo?

"Talaga bang 'yan ang rason kung bakit ayaw mo akong pakinggan?"

"Sa tingin mo ba may iba pang dahilan Keifer? Masisira lang ang pagka-kaibigan natin nang dahil sa ginagawa mo!"

"B-bakit parang may iba pang dahilan?"

Mas nabigla ako nang marinig ko ang paghikbi ni Erwin. Bata pa lamang siya pero sobrang matured na ng pag-uugali niya. Nagawa niyang itago ang nararamdaman niya at intindihin ang kalagayan ni Yna. Naaawa ako sa kaniya ngunit hindi pa oras para lumabas sa ngayon. Kagaya ni Keifer, pakiramdam ko ay may iba din itong rason.

"Erwin Keifer naman..."

"Yna, alam kong may ibang dahilan!"

"Fine! Ayaw ko sa'yo dahil si Darwin ang gusto ko. Oo, ang kapatid mo ang gusto ko!"

Ramdam na ramdam ko ang gigil sa boses ni Yna. Ang sakit naman.

"W-why?"

"See? Nasaktan ka dahil sa pagiging makulit mo. Darwin Keizer is much better than you Erwin. Palagi mong tandaan na iyan ang rason kung bakit hindi kita nagustuhan. I'm out of this, leave me alone!"

"N-no..."

Narinig ko ang mga yabag ni Yna na mukhang papalayo na. Nang masigurado kong nakalayo na ito nang tuluyan ay lumabas na ako sa likod ng puno at nakitang nakatungo si Erwin habang bahagyang pinupunasan ang kaniyang mga mata.

"Oy Erwin. Tingnan mo nga ako!"

"K-kuya Jade? Kanina ka pa po diyan?"

Bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Mali naman talaga na nakinig ako pero masisisi niyo ba ako? Malay ko bang nasa dugo ko din pala ang pagiging chismoso kahit minsan.

"Oo eh, pasensya ka na"

"Ayos lang po, kuya. Bakla na ba akong matatawag dahil umiyak ako?" Bahagya din itong natawa sa sarili niyang katanungan.

Napailing na lamang ako at ako na lamang ang kusang lumapit dito. Inakbayan ko ito at hinila para makaupo kami sa lupa. Pareho kaming napadaing sa sakit.

"Ayos lamang naman ang ginawa mo, Erwin. Wala kang pagkukulang at wala kang pagsisisihan sa huli"

"Paano mo naman nasabi, Kuya?"

"Kasi nasabi mo na ang nararamdaman mo. Nasa kaniya na 'yon kung papakawalan pa niya ang pagmamahal mo," nilingon ko pa ito.

"Hindi masamang umiyak kapag sobrang sakit na, tandaan mo iyan. Lalaki man tayo ngunit binigyan pa din tayo ng mga matang kayang lumuha at ng pusong pwede ding masaktan. Hindi bakla ang pag-iyak, nasaktan ka lang"

Patuloy lamang ito sa pakikinig sa akin at hindi ko maiwasang mapangiti. Sa totoo lang ay humahanga talaga ako sa kaniya dahil sa murang edad ay nagawa niyang umamin sa babaeng mahal niya. Samantalang ako ay hindi man lang makapagsabi kay Jhana.

Hindi siya natakot sa maaaring mangyari, basta nasa isip niya na aamin siya at sana ako din. Handa naman akong maging rebound ng babaeng mahal ko at kahit kailan man ay hindi ko siya pipilitin na mahalin ako hangga't masaya siya.

Phenomenal Fate Where stories live. Discover now