Chapter 30 🍃

16 2 16
                                    

Ang hirap naman ng ganitong sitwasyon. Hindi kami magka-ayos ni Rose pagkatapos ay hindi din kami nag-uusap ni Lloyd.

Buti na lang andiyan si Jade na palagi akong iniintindi.

"Tulala ka na naman. Ang panget mo Jhana," saad ni Lloyd.

Nagbalik ang aking diwa dahil sa boses nito kaya naman agad akong napalingon sa kaniya. Napansin kong nasa tabi niya si Rose na walang imik, wala akong balak na magsalita. Ayaw kong simulan ang komunikasyon namin.

"Maganda ako, manahimik kang lalaki ka!"

Tanging pagngiti lamang ang sinagot saakin nitong si Zeliurex. Ewan ko din ba diyan, bakit sobrang bait. Kahit na nagmamaldita na ako hindi pa din ako pinapatulan.

Pero sabagay, talagang makakalbo ko siya kapag ginantihan niya ako. Hindi ako manghihinayang sa buhok niya dahil tutubo din naman 'yon!

"Jhazrell..."

I heard her voice. Sa wakas ay tinawag na niya ang pangalan ko, nakaramdam siguro na ayaw ko siyang kausapin!

Kapag ayaw ko, ayaw ko! Manigas ka diyan! Maging panget ka man!

"May kailangan ka sa'kin?"

"Can we talk?"

"If it about tha----" hindi niya ako pinatapos pa.

"It's not about that, please let me speak"

"Sige lang," hinihintay ko kung anong sasabihin niya.

Sa totoo lang ay talagang gusto ko nang magkaayos kami pero talagang ma-pride ako. Hindi naman kasi ako ang nagsimula ng gulo na 'to, bakit ako ang unang hihingi ng paumanhin? Don't mess up with me a person na ang pride ay mas mataas pa sa height niya! Nakakaloka mga teh!

Buong akala ko ay dito kami mag-uusap sa harap ni Zeliurex pero hindi. Dahil nga makapal din ang mukha ni Rose ay si Jade ang pinaalis nito, akala ko naman kami pa yung aalis. Matalino din yan minsan e, take note! Minsan lang po.

"So what?"

"I'm sorry Jhazrell," she sain in a very low tone voice.

Humaba ang usapan hanggang sa hindi ko namalayan na magkaayos na pala kaming dalawa. Naintindihan ko naman ang side niya at nag-aalala lamang din siya pero wala akong magagawa dahil may pinanghahawakan ako mula sa kabilang mundo.

Meron pa nga ba? Hindi na ako sigurado.

"KAINIS KA LLOYD! NAKAKAINIS KA! MAHAL NA MAHAL KITA!"

Andito ako ngayon sa park na madalas naming tagpuan. Patuloy lamang sa pagbagsak ang luha ko kasabay ng pagpatak ng ulan. Wala akong ibang maisip kung hindi siya at ang huli naming naging sitwasyon.

Wala na akong pake kung maulanan ba ako at magkasakit. Wala akong pake kung pinagtitinginan ako ng mga dumadaan at wala akong pake kung wala siya dito, kung hindi niya ako naririnig. Basta mahal na mahal ko siya, sapat na iyon.

"B-bakit Lloyd? Bakit mo naman ako hinayaang mag-isa?"

Sa bawat salitang aking binibitawan ay may katumbas na luhang pumapatak. Hindi ko alam kung saan pa ba ako kumukuha ng maiiluha, halos araw-araw ay iyon na lamang ang aking ginawa. Walang araw na hindi ako umiyak ng dahil sa kaniya, pilit ko mang libangin ang sarili ko ay bumabalik ang mga ala-alang iniwan niya.

Ang mga ala-ala na akala ko'y magiging baon ko sa hinaharap, ang ala-ala na akala ko'y magiging dahilan ng aking kasiyahan. Tanging katatawanan lamang pala ang lahat dahil ang ala-ala na aking naipon ay siyang magiging dahilan ng pagkadurog ng bawat pagkatao ko.

Phenomenal Fate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon