Chapter 36 (part 2) 🍃

9 2 8
                                    

JADE ZELIUREX'S POV

"Just let me love you, let me love you Jhazrell. You can claim my heart, baby..."

Hanggang ngayon ay nag p-play pa din sa aking utak ang mga katagang binulong ko noong nakaraang araw. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nang tumingin sa akin si Jhana habang ang kaniyang noo ay nakakunot na.

*flashback*

"What is it again?"

Sobrang lakas at bilis ng tibok ng aking puso nang magtanong si Jhana. Hindi ko naman inaasahan na lalabas sa aking bibig ang mga katagang iyon. Sino ba naman ang hindi madudulas kapag kaharap mo na ang babaeng mahal mo diba?

"N-narinig mo naman yata eh!"

Bwiset naman! Bakit ba nauutal ako? Umayos ka Jade! Huwag mong ipahamak ang sarili mo, siraulo ka!

"Ulol! Edi sana hindi na ako nagtanong diba?" Pagtataray pa nito sa akin.

"Yabang mo! Mamatay man ako?"

"Oo, kahit isama mo pa buong angkan mo! Sinabi na't hindi ko narinig eh!"

"Opo, opo. Naniniwala na po," nakangiti kong saad habang nakatingin sa kaniya.

Ewan ko ba! Sa tuwing kausap ko siya parang biglang nagkakaroon ng sariling buhay ang aking mga labi at hindi ko na makontrol ito mula sa kaniyang pag-ngiti.

Nababaliw na ako! Naka-drugs na yata ako. Pero kung si Jhana lang naman ang dahilan ay mas gugustuhin ko pang mabaliw! Damn, i'm so inlove with this girl. What did she do to me?

*end of flashback*

"Ano ba kasi ang sinabi mo? Bakit ba ang hilig mong bumulong?! Hoy Zeliurex, pansinin mo ako!"

At iyan nga, hanggang ngayon ay pinipilit niya akong pagsalitain. Ayaw kong magpadalos-dalos kung kaya't hindi ako naimik at tanging pag-ngiti lamang ang aking nagagawa.

Napansin niya daw kasi na ang hilig hilig ko daw bumulong. Noong una daw ay hindi niya pinapansin ngunit halos palagi ko na daw ginawa.

"Ay nako, Jhana. Ang kulit mo! Wala nga lang kasi 'yon"

Napapailing na lamang ako dahil talagang hindi niya ako tinitigilan. Imbes na mairita ako ay natutuwa ako dahil ayaw niyang umalis sa tabi ko.

To be honest, this kind of feeling is really unexpected when it comes to a person like me. I'm an introvert person and it is really hard for me to communicate with others. I never expected na sasaya ako sa tuwing may kausap ako, and it's more surprising because that person is Jhana.

"Anong wala? Malay ko bang nilalait mo na ako ng wala akong kaalam-alam!"

"Asa ka naman!"

Paano kita malalait kung kahit magkasalubong na iyang kilay mo dahil sa galit ay gandang-ganda pa din ako sa'yo!

"Nako, nako. Tigilan mo ako diyan sa kayabangan mo, Zeliurex," nakataas pa ang kanang kilay nito.

"Sa tingin mo nagyayabang ako? Okay," para akong siraulo na ngumingiti habang nagkibit-balikat.

"Ay nako! Echos ka!"

Nauna na itong maglakad saakin at doon ko na napakawalan ang aking malakas na tawa. Napansin kong lumingon ito saakin at pinanlisikan pa ako ng mata.

"Malalaman ko din 'yang mga sinasabi mo, Jade Zeliurex. Just wait and see," nagbanta pa talaga ito saakin.

"Okay, i'll wait."

-----

"Do i have to feel like this?! Bakit palagi na lamang akong nasasaktan?"

I can see how her tears fall from her precious eyes. Ako naman ang nandito pero bakit palaging iba ang hinahanap ng babaeng mahal ko?

Sa tinagal-tagal na ng panahon simula nang mawala ang lalaking sinayang lamang siya.

"Why are you doing this to yourself? This is not the woman i know. You're not like this, Jhana"

Hindi ko na namalayan ang mga likidong pumapatak mula sa aking dalawang mata. Hindi ko na napigilan maging ang sarili kong mga luha. Masyado na din akong nasasaktan sa tuwing nakikita ko siya. Mahirap makita na ang taong mahal mo ay patuloy na umaasa sa pagbalik ng iba, mahirap, masakit at mabigat sa pakiramdam.

"Ang sakit lang naman. Bakit? Bakit palagi akong iniiwan diba?"

"Jhana naman...."

"Pakinggan mo kasi ako! Iniwan ako ni Lloyd pagkatapos ay iniwan din ako ni Rose sa kadahilanang akala niya ay magiging masaya ako!"

Patuloy lamang siya sa paghagulhol at ang mga luhang pumapatak sa kaniyang mga mata ay sumasabay sa pagbagsak ng bawat tubig na nagmumula sa kalangitan.

Her tears are falling like a waterfalls and it is strong and fast as storm.

A beautiful view transformed into a terrible disaster because of a foolish reason.

"No, no. I'm always here. Hindi kita iiwan, Jhana. Even at my next life, i'll try my best to remember every part of you," i whispered to her ears.

Agad akong napasimangot nang maalala ko na naman ang pangyayari noong nakalipas na anim na buwan.

Masaya akong pinagmamasdan ang babaeng mahal ko habang naglilibang at naglalaro sa may ilog. Isang taon na ang nakalipas mula nang mangyari sa kaniya ang magkasunod na sakit.

Hanggang ngayon ay nalulungkot pa din siya but she's much more better than before at hanggang ngayon ay hindi ko pa din naaamin ang nararamdaman ko para sa kaniya. I'm too afraid that she might leave me because she cannot love me back.

Sapat na sa akin na nandito ako sa tabi niya at inaalagaan siya. Isang taon na ang nakalipas at bukas ay ang kaarawan na niya. 21 years old na siya bukas. Sa loob ng isang taon na iyon ay wala man lang naging paramdam si Lloyd. Buong akala ko ay malilimutan na ni Jhana ang lalaking iyon ngunit hindi talaga. Masyado niya itong mahal kahit na nasaktan siya ng sobra.

Phenomenal Fate Where stories live. Discover now