Chapter 21 🍃

23 5 4
                                    

Pabagsak akong humiga sa aking kama pero syempre ay joke lamang iyon dahil nga bato na may nakapatong na mga dahon lang ang kama ko, magkakabukol ako pag ginawa ko 'yon mga teh.

Hindi pagod ang aking nararamdaman kung hindi ang sakit at ang bigat ng aking nararamdaman. Nakakapanlambot na malaman at masaksihan na sampung mga walang kaalam-alam na bata ang nawala ng walang kalaban-laban. Mas lalo akong nagkakaroon ng dahilan para tuluyan nang ipatumba ang mga harixic.

Dahil sa lalim ng aking iniisip ay kusa na akong dinalaw ng aking antok na kanina lang ay hindi ko nararamdaman. Hindi ko na nilabanan pa ito at hinayaan ang sarili ko na makatulog.

*kinabukasan*

Naalimpungatan ako dahil sa ingay na aking narinig mula sa labas. Agad akong bumangon at dumiretso sa may ilog upang makapag-hilamos at hindi na nag-dalawang isip kung pupunta pa ba ako sa lugar kung saan nagkakaingay.

Hindi ko na kinailangan pang makipagsiksikan dahil nakita pa lamang nila ako sa malayo ay kusa na nila akong binigyan ng daan. Nakakainis lang dahil hindi talaga ako sanay sa ganitong pag-trato.

Sanay akong mabuhay bilang isang normal na tao at gustong-gusto ko nang isigaw sa harapan nila na hindi ako reyna para magkaganyan ngunit natigilan ako nang makita ko na nang malapitan ang dahilan ng pag-iingay kanina lang.

Hindi pala basta ingay lamang ang naririnig ko dahil ngayon ay nasa harapan ko na ang mga magulang na walang tigil sa pag-iyak habang nakatingin sa portal na kagaya ng ipinakita saakin ni Tita Maria noong unang araw ko dito. Lumingon ako dito at maging ako ay parang sinaksak ng madaming kutsilyo saaking puso.

"I'm sorry babies," bulong ko habang ang luha ay unti-unting pumapatak mula saaking mga mata.

Hindi ko kilala ang lahat ng nawala ngunit namumukhaan ko ang ilan sa kanila. Base sa aking obserbasyon ay iyon ang mga ala-ala ng mga nawalang batang naeor noong sumugod ang mga harixic.

Napakasaya nila sa aming nasasaksihan, sana maaaring ibalik ngunit alam kong hindi na. Masakit na mawalan ng ina ngunit sa aking nakikita ay mas masakit na mawalan ng anak.

Isang anak na siyam na buwan mong dinala sa iyong sinapupunan. Isang anak na simula sa pagkabata ay iyong inalagaan, binihisan, pinakain at higit sa lahat ay minahal. Isang anak na nasaksihan mo kung paano ba lumaki.

"The main warrior," mahina ngunit sapat na para aking marinig ang isang boses.

"Jhazrell Lhiana," sabay-sabay na sabi nila at tsaka nagbigay ng paggalang saakin.

"Hindi niyo kailangang gawain ito. Isa akong naeor at tulad niyo lamang din ako," hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsalita. Masyado na akong naiilang sa ikinikilos nila.

"But the rules of na-----"

I cut him off. "There's no such things as rules. We are all naeor, we are all warriors and we are all destined to defeat the harixics, to protect the nature"

"Thank you," maluha-luhang saad ng isang ina nagluluksa sa pagkawala ng kaniyang pinakamamahal na anak.

"Walang anuman po. Mauna na ako"

Kagaya nga ng aking sinabi ay umalis na ako doon hindi para magkaroon sila ng oras sa pagluluksa kung hindi dahil sa anumang oras ay maaari nang magtuloy-tuloy sa pagpatak ang aking mga luha.

Phenomenal Fate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon