Chapter 8 🍃

25 5 1
                                    

"Green power, what?"

Wala talaga akong alam sa mga sinasabi nila ngayon. Anong kinalaman ko sa mga power na iyon? at tsaka ano daw? green power? may color-coding ba yung mga kapangyarihan? ngayon ko lamang nalaman ha.

"That's enough for now, masyado nang marami ang nalalaman mo," nakangiting wika ni Rose

"Tama siya, sa ngayon ay maaari ka munang maglibot sa lugar na ito"

"Sino kasama niya Mom?"

"Malamang ikaw, alangan namang kami ng ama mo diba?"

Napansin kong bumaba ang shoulder ni Rose ng bahagya at napahampas na lamang sa sarili niyang noo dahil sa kalokohan ng nanay niya. Medyo napapangiti naman ako sa tuwing nakakakita ako ng mga kagaya kong anak na kasama ang mga nanay nila, wala lang e haha ang swerte kasi nila.

"Jhazrell, tara na"

"Yeah, coming"

Lumabas na kami sa pinto at muli ko na namang nasaksihan ang napakagandang kapaligiran na pinaka-hinahangaan ko ngayon. Napansin ko lang din na walang mga gawa ng tao dito na bagay dahil ito mismong kwartong pinasukan ko ay gawa sa isang bato na animo'y isang kweba na naging hulmang bahay. Maging ang mga upuan na nakita ko sa labas ay gawa lamang din sa bato at mukhang naka-fix na sa lugar na iyon.

Naglakad na si Rose kaya naman sinundan ko lamang ito habang nagpapalinga-linga sa paligid. Maririnig mo ang isang magandang huni ng mga ibon at hindi ang ingay na nakagisnan ko mula sa mga tao. Tanging ang magagandang ulap ang aking nasisilayan at hindi ang maiitim na usok ng mga sasakyan. Aking nalalanghap ang preskong hangin na walang bahid ng polusyon. Napakalinis ng lugar, kung may makikita ka mang kalat ay ang mga dahon na lumagpak lamang mula sa isang puno at hindi pa tambak ang mga ito.

"Iyon ang main source of water naming mga naeor," biglang nagsalita si Rose kung kaya't pinagbigyan ko ito ng pansin at nakitang nakaturo siya sa isang water falls.

"Hmm, i see. Mukhang mas malawak iyak kesa sa tubig na nakita ko kanina"

"Ay oo naman, mas malawak talaga iyan. Gusto mo bang lumapit?"

Napangiti ako. Hindi ko na siya sinagot pa at mabilis na tumakbo papuntang tubig upang masilayan ito. I can see how crystal-clear the water is. Inalis ko ang aking sapatos upang makapunta dito at dun ko narealize na naka-uniform pa nga pala ako. Akmang tatakbo ako pabalik upang isuot ang sapatos ko nang tanungin ako ni Rose.

"Oh? Saan ka pupunta?"

"Kanina pa akong late sa klase, nakakainis"

"Ano yun? Yun ba yung may babae o lalaki sa unahan tapos nagtuturo?"

"Oo, ayun nga yun," napakunot ang noo ko. "Sigurado ka bang hindi mo alam ang klase?"

"Alam ko naman pero sinigurado ko lang. Maging ang late na sinabi mo ay alam ko din"

Napairap na lamang ako at isinuot na ang aking sapatos. Hindi na ako nag-abala pang sagutin ito sabihing alam naman pala niya pero bakit nagtanong pa siya. Mabilis kong isinuot ang aking sapatos at tumakbo papunta sa kaliwa ngunit may naalala akong bagay.

"Panaginip lang naman ito diba?" sigaw ko kay Rose, pero actually at tanong na din naman.

"Hindi nga kase! Tunay lahat na nasasaksihan mo ngayon Jhazrell"

"Edi ibalik mo na ako sa klase dahil sobrang late na ako! Sayang yung marka ko, ano ba!"

Akala ko ay sasagutin niya ako pero napairap na lamang ito at tsaka lumipad papunta sa direksyon ko. Hindi ba uso sa mga toh ang maglakad at talagang gustong-gustong lumipad? Porke ba hindi ako marunong?

Phenomenal Fate Where stories live. Discover now