Chapter 13 🍃

27 4 8
                                    

"So are you going to teach me here?" iyan ang aking tanong nang mapansin kong hindi pa kami naalis sa pwesto.

"Yep, this is really the training area"

Napatango na lamang ako at bahagyang nagpalinga-linga pa sa paligid para pansin kung may naeor ba dito at wala naman akong nakita. Napagtanto ko din na kumpleto halos lahat ng bagay sa nature kaya naman masasabi ko ngang ito ang training room.

"Okay! let's start na," masigla kong saad.

"Hindi madali ang gusto mo Jhazrell"

"Kaya nga andiyan ka para turuan ako eh!"

"It's not like that. Masyadong maselan sa mga ganitong bagay ang naeor na kagaya mo"

Nakaramdam naman ako ng kaba nang magbanta ito. Talaga bang naiiba ako sa kanilang lahat? bakit parang masyado naman nila akong pahalagahan?

"I'll be carefull, i promise"

"Dapat lang. You must control yourself and never let na magamit mo ng sobra ang kapangyarihan mo. Napaka-delikado," walang bahid ng pagbibiro sa boses ni Jade maging sa kaniyang mukha.

Nagsimula na siyang magturo saakin sa pamamagitan ng pagsasabi muna sakin kung ano ba ang dapat na gawain. Mahirap daw na mag-demo agad siya ng wala pa akong nalalaman, lagi namang nagsisimula ang lahat sa lecture bago pa magkaroon ng demonstration.

"Move your hand like this while saying those words na sinabi ko sayo kanina lang," iginalaw niya ang kaniyang kamay ng pabilog habang gumagawa pa ng gestures sa kaniyang daliri.

I tried to copy him at nakatingin lamang siya ng seryoso saakin. Ang gwapo naman po HAHAHA ay syete ano ba tong nasa isip ko! Hindi ka ganyan Jhazrell! Umayos ka! I tried na mag-focus at sabihin ang mga kataga na kasasabi lamang saakin kanina ni Jade. Nagtataka ako kung bakit wala pa ding nalabas na portal kahit na sa kaniya ay meron na.

"Aish nako, nakikinig ka ba talaga?" medyo napipikon na siya at napapailing na pinakawalan ang portal na ginagawa niya.

Buong akala ko ay aalis na siya dahil napipikon na siya pero humarap siya saakin at hinawakan ang kamay ko na siyang ikinabigla ko.

"Do it like this not your own version," nakatingin lamang siya sa kamay ko at itinatama ang gestures ng daliri ko.

Kung sa ibang babae siguro ay mapapatitig na lamang sila kay Jade dahil inaamin kong napaka-gwapo nito at mukha siyang anak mayaman kung napapunta siya sa tunay na mundo pero hindi nila ako kagaya dahil sobrang ninanais kong matuto na gumawa ng portal at makabalik na sa aking mundo na kinagisnan. Wala akong balak na iwan ang mundo ng naeor dahil may nais silang ipaglaban at ako ang susi nila. Hindi ko maaaring pabayaan na unti-unti silang maubos habang ako ay nagpapakasaya.

"Once i did this okay na ba ang lahat?" i asked him while looking at my hands.

"What do you mean?"

"I mean, pwede ko na ba siyang paulit-ulitin para masanay ako?"

"Yes of course. Nasa iyo na yun kung magpapatuloy ka dahil nagawa ko na ang trabaho ko"

Instead na makipag-usap pa sa kaniya ay nag-focus na lamang ako sa aking gagawin. After some minute ay iginalaw ko na ang kaming kamay ng pabilog kasabay ng paggalaw ng aking daliri gamit ang gestures na itinuro saakin ni Jade and i did it..

"OMG LOOK AT IT JADE! I DID IT!" sobrang saya ko at hindi makapaniwala saaking nakikita.

"Focus Jhazrell. You can't celebrate yet"

Phenomenal Fate Where stories live. Discover now