Chapter 15 🍃

24 4 8
                                    

Iniwan muna ako saglit ni Maria at hinayaang mapag-isa dito sa loob ng aking silid. Maya't-maya akong nakakaranas ng pagsakit at pagkirot ng aking katawan ngunit hindi na lamang ako nagrereklamo dahil ayaw kong dumagdag pa sa problema nila.
Nais kong tumayo ngunit hindi nakikisama ang aking mga paa. Ayaw kong makulong dito dahil paulit-ulit na nagp-play sa utak ko ang mga sinabi ni Maria kanina.

"Kung sino ka man na may blue power, please let me see you," bulong ko.

Sa kadahilanang hindi ako makatayo ay gumalaw na lamang ako ng kaunti at nag-adjust ng pwesto para makasilip sa siwang ng isang bintana dito sa aking kwarto, napansin kong umaga na pala. Gusto ko talagang lumabas at makita ang kabuuan ng naeor's world, gusto ko ding bisitahin ang mga kapwa ko naeor na nasaktan noong labanan.

I was looking outside when someone hugged me. Suddenly, i was like a statue.

"Ate," the little girl sobbed while calling me ate.

I let go of her hands and faced her. She's the little girl i saved the last time when the group of harixics attacked us. I saw her crying so i wiped her tears. "Hi baby, why are you crying?"

"Ate, s-sorry po"

"For what? you didn't do something wrong"

I tapped her head because i felt comfortable whenever my mom did that to me, i want her to feel that she didn't do something wrong.

"Kung hindi d-dahil saakin ate, sana di ka nasaktan"

"Aww, that's so sweet of you baby but i'm fine"

"Ate thank you dahil gumising ka"

I smiled at her and was about to answer when she hugged me again and i froze. Hindi ako sanay sa mga ganitong yakap. Tanging ang nanay ko lamang ang nakakayakap saakin maging sila Tita. Hindi ko naranasan na magkaroon ng kapatid.

"Shh, tahan na. Wala kang kasalanan," i assured her.

Siya na ang naunang bumitaw sa yakap at pinunasan ang sarili niyang luha. Nang matapos siya ay ngumiti ito saakin na para bang walang nangyari kanina, she's strong and i can see it.

"Tell me ate, what can i do for you?"

Nabigla ako nang tanungin niya ako. Hindi man lang sumagi saaking isip na humingi ng kapalit mula sa kaniya. Masyado pa siyang bata para magtanong saakin ng ganung bagay, i mean look at the other children. Kapag natulungan mo sila, magiging masaya sila and later on ay hindi ka na maiisip but look at this girl, she's matured enough and i can see how strong she is. I just hope na mas maging matatag pa siya sa pagtanda niya dahil hindi magiging madali ang buhay niya bilang isang naeor.

"Tell me what's your name?" iyan lang ang aking naitanong dahil wala naman akong maisip.

"Yna po ang pangalan ko, ate Jhazrell"

Bahagya akong nagulat nang malaman kong alam pala niya ang aking pangalan. "How did you know my name?"

"Tinanong ko po kay Ate Rose noong araw na niligtas mo po ako"

"So how old are you Yna?"

"8 po ate," sagot niya saakin habang ang labi niya ay bahagyang nakangiti.

Napaisip ako bigla at tila ba ay nag-flashback saaking isipan ang mga pangyayaring napanood ko sa portal na ginawa ni Maria noong araw na wala pa akong alam sa lahat. Nabanggit doon ni Maria habang kausap ang aking ina na nagsisimulang ma-develop ang kapangyarihan ng bata sa edad na lima, ibigsabihin ay may kapangyarihan na talaga itong si Yna kung kaya't napakalakas ng loob niyang makipaglaban noong araw din na iyon.

Phenomenal Fate Where stories live. Discover now