Chapter 35 🍃

13 2 20
                                    

Rose's POV

Pinapahid ko ang mga luhang pumapatak mula sa aking mga mata. Hindi ko akalain na kakayanin niyang hindi kami pansinin dahil lamang sa nasaktan siya nang dahil sa isang lalaking hindi naman kabilang sa mundong ito!

Naramdaman kong kasunod ko na si Jade kaya naman binilisan ko pa ang aking paglipad ngunit masyado siyang maagap kaya naman napantayan ako nito.

"Rose, why didn't you tell her?"

Mahinahon ngunit alam kong gigil na ang boses niya. Sa sobrang sakit na naramdaman ko ay nakalimutan ko na ang tunay kong pakay kaya pinuntahan namin siya.

"For what, Jade? Para sabihing nagda-dahilan lang tayo?!"

"She's not like that!"

"Believe what you want pero masyado akong nasasaktan!"

Mas binilisan pa namin ang aming paglipad at halos manlambot ako sa aking nadatnan. Kanina noong iniwan namin sila ay napakarami pa nila, halos kalahati na ang nawala.

"Damn it! Harixics might won!"

Napamura na lamang din ako kagaya ni Jade at mabilis na nagpakawala na aming kapangyarihan. We badly need Jhazrell right now pero hindi siya sumama, kailangan nilang magsanib ni Jade para matalo ang mga harixics, masyado silang madami. Sana kayanin ng blue power niya.

"Darwin and Erwin," saad ni Jade.

Napakunot ang noo ko nang banggitin niya ang pangalan ng dalawang mga batang hindi pa maaaring lumaban. Lumingon ako sa ibaba at nakita ang dalawang pasimpleng ginamit ang kapangyarihan nila kung kaya't hindi mamalayan ng ibang harixic na natutumba na sila.

"Argh! Damn those kids! Pasaway!"

I was about to stop them pero agad akong pinigilan ni Jade.

"Wala si Jhana at kailangan natin ng maraming katulong ngayon. They're strong enough, trust them.."

Wala akong nagawa kung hindi ang magtiwala na lamang sa mga batang pasaway na sina Erwin at Darwin.

Habang nakikipag-laban ay hindi ko maiwasang mapatingin dito. Invisible man sila ay may kakayahan pa din akong makita sila sapagkat isa akong naeor at mabilis na mararamdaman ko ang presensya nila. Malapit nang maubos ang uri ng naeor na kagaya nila kung kaya't nagpapasalamat ako na handa silang lumaban kahit na walang kasiguraduhan kung mananalo ba kami.

Aaminin kong nabigla ako nang makita ko silang dalawa, kung paano nila gamitin ang kapangyarihan nila. Nakakamangha, kailangan ko silang pagkatiwalaan.

"Look up at the sky!" Narinig kong sigaw ng isang harixic and then iyon na nga! Nahuli na kami.

Mas mahihirapan kaming makipag-laban ngayon. Ang dami na ng nanlagas sa kanila nang umaatake kami mula sa itaas. Bwisit naman! Bakit ba nahuli?!

"Oh shit! ROSE BABA!"

Nabigla ako nang hilahin ako ni Jade papunta sa ibaba. Mahigpit ang pagkaka-hawak nito sa kamay ko at mabilis kaming nakailag sa paparating na atake ng harixics.

"Shoo! That was close!"

"Yeah. Thanks, Jade."

Napapansin kong mas marami na ang nanlalagas sa mga harixic at mukhang may hinahanap sila! Oh shit! Jhazrell!

Ang iba sa kanila ay umaatake habang palinga-linga sa paligid at mukhang may hinahanap talaga. Napatunayan kong matatalino nga sila dahil ang mga tao sa gitna ang pinaalis nila habang ang mga ito naman ay dumaan sa likod, hindi nga halata ngunit kanina ko pa silang pinagmamasdan! Alam kong hahanapin nila si Jhazrell.

Phenomenal Fate Where stories live. Discover now