Chapter 5 🍃

39 4 2
                                    

Kitang-kita ko ang gulat mula sa kanilang mga mata, maski ako ay nagulat dahil sa nangyayari ngayon.

"W-what's happening?" lumalayo saakin si Jenny at Trisha habang nakikita ang mga nangyayari.

"I-i don't know. Is this a s-show Jhaz?"

Ang sakit makita na lumalayo sila saakin, alam kong dahil sa takot ang dahilan kung bakit sila nalayo saakin pero hindi ko alam kung bakit pinipilit ng aking isipan na nilalayuan nila ako dahil ayaw na nila saakin! Naghahalo na ang sakit at ang galit sa loob ko, lalo na noong makita kong muli ang mukha ng estudyanteng humarang saakin.

"YOU! YOU'RE A FUCKIN' BITCH," sigaw ko dito at mas lalong lumakas ang apoy na nasa kamay ko!

Lumalakad ako papunta sa kaniya habang siya naman ay unti-unting umuurong at maging ang mga estudyante sa paligid ay unti-unti nang nababawasan. "I'm sorry. Please, d-don't do s-something to me," kitang-kita ko ang takot sa kaniyang mga mata at ang pagmamakaawa niya ay aking nadadama.

"Sorry? Naisip mo ba kung anong nararamdaman ko habang pinapahiya mo ako?"

"I-m sorry if i started it all. I'm sorry if kinalat ko," lumalagpak na ang luha sa kaniyang mga mata.

Napatigil ako at bigla ding nawala ang apoy saaking katawan. Aking nakikita ngayon and direksyon ng hangin at sa paningin ko ay kulay berde ang hangin, di ko makontrol ang sarili ko at iginalaw ang aking kamay kasabay ng pagsunod ng hangin saakin at dinala ito sa pwesto ng estudyanteng kaharap ko, ngayon ay nasa ere na siya at walang tigil na umiiyak. Wala akong maintindihan sa mga nangyayari.

"YOU STARTED IT ALL?!" nanggigil na saad ko at hindi niya ako sinasagot, akmang igagalaw ko nang muli ang aking mga kamay nang may pumigil dito at nawala lahat sa aking kontrol, nalaglag ang estudyante ngunit nasalo ito ng isa pang babae, ang babae na nakita ko noong nasa jeep ako.

Humarap ako sa babaeng pumigil saakin at naaalala ko kung saan ko ba siya nakita, siya ang babaeng nasa panaginip ko na muntik na akong lunudin sa tubig. Inalis ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak nito at tinaasan ito ng kilay. "Panaginip lang ito diba? Wake me up Hahahah," pilit na tawa ko pa.

"You're not dreaming," napalingon ako sa lalaking nagsalita at mukhang kasing edad ito ng babaeng may hawak saakin kanina.

Lumapit ito sa mga estudyante na kasalukuyang naguguluhan sa mga nangyayari kagaya ko at walang pagda-dalawang isip na itinapat ang mata niya mula sa ere at nakita kong umilaw iyon na tila ba kulay ginto, napaka-creepy.

Sunod niyang iginalaw ang kaniyang kamay ng pabilog ngunit pareverse iyon at tsaka nagsalita. "In the name of nature, for the goodness of nature.... i'm using my power to erase all of your bad memories against the main warrior," matapos siyang masalita ay tila ba isang laser na kumalat ang kulay gintong ilaw mula sa kaniyang mga mata at dumiretso ito sa mata ng lahat ng estudyante.

"What the hell are you doing?!" lalakad sana ako papunta dito ngunit pinigilan na naman ako ng babaeng nasa tabi ko.

Sunod na nagsalita ang babaeng sa tingin ko ay ka-edad ko na nakita ko noong nakasakay ako sa jeep. "In the name of nature and for the goodness of nature, i'll use my power to bring you far away from the main warrior".

Wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila at sa mga main warrior na iyan! basta nakita ko na lamang na ang mga dahon ay unti-unting pumasok sa campus at ngayon ay papunta sa hallway kung saan ang mga estudyante ay nabuhat nito at nilalayo mula sa pwesto namin, maging ang mga kaibigan ko ay nandoon at unti-unti nilang nilalayo saakin.

Hindi ko alam kung paanong nakaya ng mga dahon ang isang tao at kung paanong walang naging reklamo ang mga tao mula sa ginagawa ng tatlong weirdo na nasa paligid ko.

Phenomenal Fate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon