Chapter 12 🍃

24 3 8
                                    

I thought i was going to die dahil sa laki ng tubig na ngayon ay pabagsak na saamin. Napatakbo na lang ako sa tabi ni Rose at napapikit ng mariin. Hinintay ko na may dumapong tubig saaking katawan ngunit nakalipas na ang halos isang minuto ay wala pa din ito kaya naman pinili kong imulat na lamang ang aking mga mata. Nakita kong may tila isang shield na gawa sa dahon ang nasa harap namin at napapaligiran ito ng kulay brown na ilaw, hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero nagpasalamat na lamang ako sa aking isipan dahil sa buhay pa ako.

"My goodness Jhazrell! Pwede namang sa maliit ka lang magsimula! Wag mong pahirapan ang sarili mo," nagpipigil ng inis na saad ni Rose.

" I tried naman eh"

"You didn't. Maaaring nag-focus ka lamang sa una ngunit nadala ka ng emosyon mo"

"I told you Rose, nag-focus nga ako!" nakikipagtalo pa ako dito dahil pakiramdam ko naman talaga ay nag-focus ako.

"You didn't. Hinayaan mong gumalaw ang tubig at hindi kinontrol gamit ang kamay mo"

"Ayun lang ba?"

"When controlling things under your power you should use your mind and heart Jhazrell. It's the nature that gives and it's you that shall take care"

Napaisip naman ako sa sinabi niya at hindi agad nakapagsalita. Tama naman siya dahil hindi ko na nga naisip ang susunod na mangyayari nang makita kong gumalaw na ang tubig. Maaaring ang pagsakit ng aking kamay hanggang sa aking braso ay dala ng aking kapabayaan, marami siyang sinabi kanina kaya naman alam kong hindi siya nagkulang sa pagpapaliwanag.

"Pero teka! It's your fault too," Iyan ang lumabas sa bibig ko kahit na hindi naman yan ang laman ng isip ko. Minsan talaga gusto ko na lang hampasin ang sarili kong bibig eh, kaso ako yung masasaktan kaya wag na lang.

"What?! Ikaw ang may kontrol niyan Jhazrell! Wag mo akong sinisisi"

"Pero hindi mo naman kasi sinabi saakin kung ano ba ang dapat kontrolin ng kapangyarihan ko!"

Napakunot ang noo nito bago pa man magsalita at sagutin ang aking katuwiran. "Kayang kontrolin?"

"Yes! Kagaya niyo na may specific thing na kayang kontrolin! Just like you na kayang kontrolin ang dahon, your mother that can control the water"

"You're not like us Jhazrell"

"But y'all said that i'm a naeor!"

"Yes. You're a naeor but you don't have the same power like ours"

Now i'm really confused. Simula nang dumating ako dito ay palagi nilang sinasabi saakin na ako ang may hawak ng tinatawag nilang green power. Palagi din nilang nababanggit na iyon ang kailangan ng mundong ito upang mapatumba ang kalaban na harixic kung tawagin nila at nasasabi din nila na kaya nitong gawain ang lahat. Medyo magulo pero mukhang konektado talaga.

"The ordinary naeor was like the naeor na nakita mo noong nag-tour tayo dito"

I didn't answer her. I just want to listen so i let her speak.

"A naeor like me and my parents are the lead naeor and a naeor like you is called the main naeor or warrior"

"If i'm that oh-so-called main warrior then what the hell can i do?"

"Almost everything Jhazrell. You can control the water and leaves. You can control the fire"

When she said the word "fire" ay medyo nakaramdam ako ng panlalambot. Naalala ko na naman ang pangyayari noong birthday ko, hindi ko akalain na napaka-posible pala ng bagay na iyon. Tandang-tanda ko pa kung paanong nagsiklab ang apoy sa aking katawan at mata kasabay ng pag-init at pagtaas ng galit ko. Akin ding natatandaan kung gaano akong nagtaka dahil hindi man lang ako nakakaramdam ng sakit, iyon pala ay dahil isa akong naeor.

Phenomenal Fate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon