Chapter 22 🍃

14 4 0
                                    

Nasa loob pa din ako ng portal pero hindi ko mapigilan ang aking inis. Napapaisip talaga ako kung saan ba nagpunta si Lloyd at kung bakit hindi man lang ako ginising nito para magpaalam.

"Nakakainis naman!" Giit ko habang napapaikot na lamang ang aking mata.

Sa kabilang banda naman ay mukhang tinatalo pa ako ng aking isipan. Para bang sinasabi nito na "gaga bat ka nagkakaganyan e wala naman kayong label" ampotchi sarap din talagang sakalin ng sarili mong isipan eh.

Sa lalim ng iniisip ko ay 'di ko na namalayan na nakarating na ako sa mundo ng mga naeor at dahil nga lutang ako ay aksidente akong nahulog dahil hindi ako nakapag-balanse at nakapag-handa na lumipad. Napailing na lamang ako dahil sa sarili kong kagagahan.

"Ate Jhazrell!!" May narinig akong isang boses ng bata na tumatawag saaking pangalan kaya naman awtomatiko akong napalingon dito.

"Hello Yna!"

"Ate! Ang tagal po kitang hinanap eh!"

"Ganon ba? Hahaha sorry Yna pero may ginawa lang saglit si ate"

"Ayos lang po yun ate," napakalapad ng kaniyang ngiti habang sumasagot saakin.

Hindi ako nakapag-pigil na pisilin ang pisngi niya at bahagya akong natawa nang makitang napadaing siya sa sakit. Agad ko din naman itong binitawan dahil hindi ko na hihintayin pang mamula ang pisngi niya kagaya ng ginagawa ko sa ibang bata noong nasa normal na mundo pa din ako.

Sa pagbitaw ng aking kamay sa kaniyang mga matatabang pisngi ay unti-unti akong ginapang ng kalungkutan. Naalala ko bigla si baby Shairyl na pinagbabalakan kong pisilin ang pisngi sa paglaki nito. Kung minsan nga ay bahagya ko nang ginagawa iyon ngunit natatampal ni Tita ang aking kamay sa tuwing nahuhuli niya ako.

"May problema po ba ate?" Bakas sa mata ni Yna ang pag-aalala.

"Wala ito. May naalala lamang ako"

"Sure ka po ate ah?"

"Oo naman baby. By the way, bakit mo nga pala ako hinahanap?"

"Miss na po kita eh," sabay yakap nito saakin.

Agad ko naman itong niyakap na pabalik. Matagal-tagal na din noong huli kaming nagkita. Kahit na iisang beses pa lamang kaming nagkikita at ayun ay noong ginamit niya ako, talagang napakagaan na ng loob ko sa kaniya. Sobrang natutuwa ako na hindi siya nadamay sa mga nawalang naeor kung hindi ay talagang dadamdamin ko ng husto iyon. Kilala ko na siya at mahirap mang paniwalaan ay talagang minahal ko na ang bata na para bang mas nakababata kong kapatid.

"Sure ka bang wala kang kailangan?" I was just teasing her nang kumalas ako sa yakap naming dalawa but she answered me.

"May gusto po akong ipakilala sainyo ate eh"

"Really? Sino naman iyon?"

"Andito po sy----," pansin kong natigilan si Yna nang lumingon siya sa kaniyang likod. Nakaramdam ako ng pagtataka nang makita kong wala namang tao sa likod niya.

"Ay nako naman Darwin at Erwin! Pinaglalaruan n'yo na naman ako"

Napataas naman na ang kilay ko dahil sa inaakto ng batang ito. Kung makapagsalita naman ay akala mo'y may kausap talaga ngunit wala naman akong nakikita. Napapaisip tuloy ako kung isa lamang ba ito sa pakulo n'ya ngunit napaupo naman ako sa aking nasaksihan.

"Ahahaha pasensya na"

"Practice lang naman eh"

May nakita akong dalawang batang lalaki na mukhang kasing edad lamang ni Yna na biglang sumulpot sa unahan ko. Hindi man lang nabigla si Yna habang ako ay palipat-lipat na ang tingin sa kanilang tatlo. Wala naman akong nakitang nagbukas na portal kaya naman hindi ako makapaniwala na andito sila ngayon. As in bigla na lang talagang sumulpot kaya di ko maiwasang mabigla.

Phenomenal Fate Where stories live. Discover now