Chapter 29 🍃

16 2 22
                                    

Kasalukuyan akong nasa training area at nagtuturo ng mga batang naeor. Nakakatuwa lamang na ang bilis nilang natuto samantalang ako ay halos mamatay na bago pa natutong lumipad.

Kakaiba nga pala talaga kapag sa mundong ito ka lumaki, masasanay ka sa mga bagay-bagay at magkaka-ideya ka na sa mga dapat mong gawain. Aminin man nila o hindi pero alam kong matagal na silang nag-oobserba. Hindi ako nahirapang magturo sa kanila, nakakatuwa naman dahil interesado sila sa ginagawa nila.

"Ate! Ate!"

I heard someone's voice kaya naman awtomatiko akong napalingon dito habang nakangiti. Kilala ko ang boses na iyon at kahit kailan ay 'di ko malilimutan.

"Hi baby," nakangiting bati ko.

Nakita kong tumatakbo ng mabilis habang papalapit saakin si Yna na may dalang ngiti sa kaniyang labi. Sa tagal ng panahon na magkasama kami ay tinuring ko na siyang parang kapatid, kung minsan naman kapag kasama ko siya ay naalala ko si Shairyl.

Paano na lang kung lumaki na si Shairyl ng wala ako sa tabi niya? Damn! It hurts! 'Di ko kayang tingnan lang siya sa malayo.

"Ate! I miss you!"

Hinalikan ako nito sa pisngi nang makalapit agad siya saakin dahil sinalubong ko agad ito ng yakap.

"Miss ka na din ni ate"

Nakikinig lamang ako sa kaniya dahil kahit kailan talaga ay hindi na naubusan ng kwento itong batang ito. Napansin kong napatigil siya kaya naman napakunot ang aking noo.

"Why did you stopped, Yna?"

"Hay nako ate!"

Naguguluhan ako sa naging pagsagot niya ngunit naintindihan ko din noong huli. Mukhang andito yung kaibigan niyang kambal at kanina pa kaming pinagmamasdan.

Naitanong ko din kasi kay Zeliurex kung paano ba malalaman kung andiyan ba ang mga naeor na may invisible powers. Natatandaan n'yo pa ba ang kambal na sila Darwin at Erwin? Mukhang sila ang nandito ngayon.

Hinihintay ko na lang din ang araw na pwede na sila sa labanan. Hangga't kaya pa namin ay hinding-hindi ako papayag na isabak ang mga kagaya nila. Kung yung mga matatandang naeor pa nga lang ang nawawala ay 'di ko na kinakaya, paano pa kaya ang mga batang kagaya nila.

"Alam mo ba, Yna?"

"Ano po 'yon ate?"

Napangiti ako nang sakyan niya ang trip ko. Buong akala ko ay maguguluhan siya ngunit mukhang sadyang kilala na niya ako dahil tingin ko pa lang ay alam ko na.

"May ipapakilala ako sa'yo! Pogi yun!"

Naguguluhan si Yna, alam ko yon. Hanggang ngayon pala ay hindi pa din niya alam na may gusto sa kaniya si Erwin. Nahalata ko iyon nung una pa lang naming pagkikita, sadyang napakabata pa ni Yna.

Yung mga banat at pagpaparinig nitong si Erwin ay hindi man lang nage-gets ni Yna, natatawa na lang ako minsan o di kaya ay napapailing kapag napapansing napapanguso na lamang si Erwin habang si Darwin naman na kakambal nito ay napapairap na lamang.

"Ano ba ya-------"

Hindi na nakatapos sa pagsasalita si Yna dahil bigla na lang sumulpot si Erwin sa tabi nito at nakabusangot na nagreklamo.

"Ate Jhazrell naman po!"

Hindi ko na napigilan ang pagtawa ng parang walang bukas dahil sa biglang pagsulpot ni Erwin. Takot na takot talaga siyang mawala sa paningin niya si Yna, nakakatuwa naman dahil sa murang edad ay maalam na siyang magmahal.

Phenomenal Fate Where stories live. Discover now