Chapter 9 🍃

19 4 3
                                    

Hindi ko pa din inaalis ang aking braso na naka-akbay sa kanilang dalawa sa kadahilanang hindi nga ako naniniwala. Maraming beses na nila akong na-prank at kaarawan ko ngayon kaya baka naman isa lamang ito sa mga pakulo nila.

"Oh guys! Stop with your pranks HAHAHA you know how short-tempered i am," natatawang giit ko ngunit ang pagkunot ng mga noo nila ang sumalubong saakin.

"Sino ka naman para i-prank namin? I'm sorry miss but this is too much"

"Isa ka sigurong transferee na gusto ng kaibigan?"

Inalis ni Jenny at Trisha ang aking pagkaka-akbay sa kanila at umalis nang tuluyan habang iniwan ako dito sa pwesto ko. Nakakaramdam na ako ng inis kaya naman lumapit ako muli dito at hinarangan sila bago pa tuluyang makalayo bago pa ako nagsalita ng mahinahon sa harap nila.

"Jen and Trish! I hate this! Stop this prank! I know na isa niyo lamang itong pakulo for my birthday," hindi ko alam kung bakit hindi ko sila masigawan. Puno ng pagiging mahinahon ang aking boses habang nagsasalita.

"How did you know our name?" nagtatakang tanong ni Trisha sa akin. Akmang sasagot na sana ako nang biglang maunahan ako ni Jenny na ngayon ay bakas sa mukha ang pagka-inis.

"Ugh! Stop asking her Trish. Hey you," lumingon pa ito saakin. "Jenny and Trisha. That's how will you call us if you want to be friends with us"

Napairap na lamang ako sa kawalan dahil sa galing nilang magpanggap pero akala lang nila na tatalab iyon saakin. "Oh c'mon! That's how we call each other!"

"Miss transfer. This is enough, you're getting into my nerves"

Nilampasan lamang nila ako. Hindi ako makapaniwala dahil sa buong buhay ko, sa buong panahon na magkakaibigan kami ay hindi man lang nila nagawa saakin ito. They might joke sometimes pero lagi nila akong binabalikan. This thing is really strange, i looked at them. Hoping that they will return and laugh at me, telling that it was a joke and then i'll hit them. I was hoping.... but that was a false hope because they really walked away without giving me even a simple glimpse.

I turned around and was about to walk out of this place when i noticed that there's a lot of people looking at me, as if i'm a new student. I tried to check my uniform if it is dirty but it isn't. This is weird, most of them will look at me before but only for a few seconds, the whole school knows me well. Now? they are looking at me as if i'm a new student.

"Hey! What's with those looks? i hate it!" sigaw ko sa buong cafeteria.

Maging ang mga estudyanteng nasa gilid lamang ay napatingin na saakin. Naiiyak na ako, kung prank lang ba talaga ito pwes ito ang prank na pinaka hindi ko nagustuhan. I was crying a lot when someone touched my shoulder so i looked at it and noticed that it was the guard of our school. Everyone is looking at me, everyone are whispering, they're making gossips. I looked at the guard with my face, full of questions to asked.

"Ija, mukhang bago ka sa eskwelahan na ito. Maaaring hindi mo pa alam ang patakaran," napaka-seryoso ng mukha niya.

"Manong naman! Pati ba naman ikaw?"

"Ija, wala akong kinalaman sa mga nangyayari. Pinatawag lamang ako dahil sa iyo"

"Manong naman!" humahagulhol na ako. "Hindi ko na kinakaya tong prank niyo! itigil niyo na toh please"

Tanging ang pag-iling lamang ang sinagot saakin ni Manong. Hinawakan niya ang aking braso at akmang dadalhin na ako sa labas nang magpumiglas ako at madiin na tumingin sa mga tao sa loob ng cafeteria.

Phenomenal Fate Where stories live. Discover now