Chapter 2 🍃

43 4 0
                                    

Napakasaya ng naganap na quiz kanina dahil bago pa makabalik si sir ay naayos na ng mga kaklase ko ang kanilang gawain at alam kong ginawan nila ng paraan para maiba ang mga ito dahil alam nilang mapapahamak ako once na pumalya sila.

Andito ako ngayon sa loob ng clasroom at nakain ng lunch na dinala ni Trisha. Hindi ko alam kung ano ba pumasok sa isip nito at nagdala ng pagkain for the first time dahil usually naman ay nabili talaga kami sa canteen.

"Scam ka talaga kahit kailan Jhazrell Lhiana," naiiling na saad ni Jenny habang nasubo ng pagkain

"Walang review, kaninang madaling araw lang nagsimula tapos natapos ang quiz ng 15 minutes and no mistakes? ulul mukha mo"

Natawa naman ako sa sinabi nilang dalawa kaya saglit ko munang ibinaba ang aking kutsara at tinidor tsaka nagsalita, "Guys, i'm not lying. Hindi ko din alam kung paano ko nagawa iyon"

"Taenang utak yan! pahingi naman kahit kaunti"

"Kung ganyan ba naman utak ko edi sana araw-araw akong nasa mall tapos chill lang dahil kaunting review lang, ayos na"

"Mag-aral na lang kayong mabuti. Andami niyo namang daldal," naiiling na sabi ko at muling ipinagpatuloy ang aking pagkain.

Sa araw-araw na pagsasama naming tatlo ay hindi na talaga nawala ang asaran at tawanan sa pag-itan namin. Nasanay na din ako na lagi silang andyan, though sometimes ay nagkakaaway din kami dahil wala namang perpektong pagkakaibigan e. Andyan padin yung away, pero yung pagmamahalan niyo ay hindi mawawala na siyang nagiging dahilan ng pagkaka-ayos niyong lahat.

Maghapon lamang kaming nag-klase at napaka-plain talaga ng araw na ito. Nasanay na din naman ako kaya okay lang na boring, ang mahalaga ay makapagtapos ako and someday ay maging isang taga-paglingkod ng kalikasan. That's what my Mom wants, at gagawin ko iyon hindi dahil sa gusto lamang niya dahil pangarap ko din iyon. Hindi ko alam kung bakit pero talagang napakagaan ng pakiramdam ko sa tuwing makikita kong mapayapa ang kalikasan at talagang gustong-gusto kong alagaan ito, pero nakakalungkot dahil meron pa ding toxic na mindset ang mga tao at pilit na winawasak ang kalikasan na walang ibang ginawa kundi ang magbigay ng pangangailangan nating lahat.

"Tita!! i'm home," sigaw ko kahit na nasa may pinto pa lamang ako at nakalimutan kong baka nga pala tulog si baby Shairyl ng mga oras na ito.

"Jusko naman Jhazrell. Pasalamat ka't hindi nagising ang anak ko kundi ikaw talaga pag-aalagain ko diyan," bungad saakin ni Tita nang tuluyan na akong makapasok ng bahay

"Sus naman si Tita nagsalita. Kala mo naman hindi ako ang nag-aalaga kay baby e HAHAHA"

Bago pa niya ako maabutan ay nagtatakbo na ako papunta sa kwarto ko dahil alam kong hahabulin na naman niya ako ng kurit. Naging hobby na talaga ni tita na habulin ako sa tuwing inaasar ko siya and i find it cute, how i wish nararanasan ko ang mga bagay na iyon with my mother. Napaupo na lamang ako sa kama ko matapos kong magbihis at napahawak sa aking kuwintas. Naalala kong may crack nga pala ito kaya napaisip na naman ako.

"Imposibleng dahon lamang ang makakasira sayo," bulong ko dito

Kaysa ang mag-isip pa ay nahiga na lamang ako at tumingin sa kisame. After lamang ng ilang minuto ay nakaramdam na ako ng antok at hindi ko na ito nilabanan.

Saglit lang, paano ako napunta dito sa isang lugar na ito? Hindi ko alam kung nasaan ako. Tanging ang tubig na umaagos lamang at mga punong nakapaligid saakin ang nakikita ko, wala man lang akong matanawan na mga tao. Tanging huni lamang ng mga ibon ang aking naririnig at walang marinig na kahit tawa man lang ng isang taong kagaya ko.

Phenomenal Fate Where stories live. Discover now