Chapter 28 🍃

9 2 20
                                    

Jade Zeliurex's POV

Patuloy ang pagtulo ng aking pawis habang buhat ko si Jhana na walang malay at namumutla.

Sobrang lakas at bilis ng tibok ng aking puso dahil sa sobrang kaba at takot. Nangangamba ako na baka hindi niya kayanin at tuluyan na siyang sumuko, natatakot akong mawala siya sa buhay ko, ayaw kong mawalan ng kaibigan na kagaya niya.

Maraming mga naeors na naman ang nawala saamin ngunit ang mga natira ay nasaksihan ang lahat. Patuloy lamang sa pag-iyak si Rose na ngayon ay katabi ko habang mabilis ngunit maingat kaming lumilipad sa kalangitan. Balak na naming bumalik sa aming mundo.

"No Jhazrell, no. Please be s-strong," humahagulhol na saad ni Rose.

"Oh shit! Stop that Rose!"

Mas lalo mo akong pinapakaba, hindi ko kinakaya.

Sa loob ng ilang buwan naming pagsasama ay nakilala ko na si Jhana. Hindi siya katulad ng inaakala kong maarte at mapanghusga na tao.

Mahilig lang siyang mambara ngunit mabait siyang tao. She's also soft and when she loves someone, hangga't hindi nito sinisira ay pinanghahawakan niya. She's not that kind of person na makasarili, she'll always sacrifice herself just like what she did right now and that's what i hate about her, she's not a toy na kapag nasira ay mabubuo ulit.

Just like my life, hindi mabubuo kapag hindi ko na nasilayan ang ngiti mo.

"Bring her to the healing team," pag-uutos saamin ni Maria na ngayon ay bakas na din sa mukha ang pagkabalisa.

"But i thought kasama sila sa lumaban?"

"No, iniwan namin sila but not for this kind of purpose!"

Mamaya lamang ay sumulpot na si Chester at nagsalita na din.

"Akala namin ay magagamit nila ang kapangyarihan nila sa panggagamot para sa pagod na mararamdaman natin," napasinghap ito habang ako ay patuloy lamang sa pakikinig.

"Ngunit makakapanggamot pala sila dahil galing tayo sa isang labanan."

Hindi na ako sumagot pa at mas binilisan ang aking paglipad, dahilan para maunahan ko sila. Napansin kong mas pumuputla na si Jhana at hanggang ngayon ay wala pa din siyang malay.

"Be strong Jhana! Napakakulit mo kasi e! Sabi ko sayo sasama ako diba? Bakit mo ba ako tinulak ha?"

Aaminin ko na noong mga oras na iyon ay sobrang panghihina na ang aking nararamdaman pero wala naman akong balak na sumuko. Hindi ko nga din alam kung paanong nagkaroon pa ng lakas si Jhana sa kadahilanang mas marami ang kinontrol niya kaysa sa akin.

Sobrang humahanga ako sa kaniya sa pagiging malakas niya. She's so unbelievable yet so incredible.

"Too exhausted?"

Iyan agad ang salubong saakin ng leader ng healing team. Akala siguro nila ay hindi kami galing sa matinding digmaan.

"No,"

"Then why?"

"War!"

Nang sabihin ko ang mga katagang iyon ay awtomatiko na silang kumilos. Alam nilang masyadong delikado ang isang kagaya namin ni Jhazrell, lalo na't nawalan kami ng malay mula sa isang labanan, ang tanging ibigsabihin lamang noon ay masyado naming naabuso ang aming kapangyarihan.

"Please do everything you can,"

"Yes Jade, we will."

Hinayaan ko na lamang sila na dalahin si Jhana sa kung saan ba nila ito gagamutin. Andito lamang ako sa labas at naghihintay habang hindi mapakali at nagpapaikot-ikot lamang hanggang sa dumating si Rose at tinapik ang balikat ko.

Phenomenal Fate Where stories live. Discover now