Chapter 3 🍃

33 5 0
                                    

"Uhm.. Are you alright?"

Muling nagtanong ang lalaki na nasa harap ko kaya naman agad akong napabalikwas at napaayos ng tayo dahil kaagad na nagbalik ang diwa ko at nakaramdam ng hiya.

"uh... yeah! Thank you po," nag bow lamang ako dito at mabilis na humarap sa harap nito.

Medyo nakakaramdam ako ng panghihinayang dahil hindi ko man lang natanong ang pangalan niya at nakapag-pasalamat ng maayos. Sorry ka na lang kuya dahil naunahan ako ng hiya ko pero btw, ngayon ko lamang siya nakita sa school. Siguro ay dahil hindi naman talaga ako gala kaya hindi ko talaga agad siya napapansin. Mabilis ang naging paglakad ko kaya naman nakarating agad ako sa office ni Ma'am at agad na iniabot ang libro.

"Here's the books you need, Ma'am"

"Thank you Ms.Trinidad. I know that i can count on you," nakangiti ito saakin

Hindi ko na hinintay pa na palabasin niya ako dahil nauna na akong magpaalam dito at bumalik sa classroom, buti na lamang at wala pa ang teacher namin doon kaya naman pumunta na agad ako sa upuan ko at naupo.

After some few minutes ay dumating na din agad si sir, dala ang kanyang laptop na kasalukuyan niyang kinokonekta sa Tv ngayon sa pamamagitan ng HDMI.

"Okay, Good morning class. I'm sorry if i'm a bit late dahil may inasikaso ako kanina," ayan agad ang sabi ni sir matapos niyang ikabit ang HDMI sa kanyang laptop at maayos ang connection.

Agad kong tiningnan ang oras at tiningnan kung late nga ba siya dahil feeling ko ay ang aga pa naman pero nanlaki ang mata ko ng bahagya dahil talagang na-late nga pala siya, meaning kung wala siyang inasikaso ay nauna pa siya dapat saakin. Nakahinga ako ng maluwag.

"I have to assist some papers of your new classmate and now that i'm done i can finally introduce him to all of you"

"New classmate?"

"Sana babae"

"Sana pogi"

"Woah, may nakalipat pa? astig naman"

Iyan ang bulungan ng mga kaklase ko ngayon sa classroom habang ako naman ay matamlay na nakatingin lamang sa unahan dahil hindi naman ako nakakaramdam ng excitement. Anong nakaka-excite e ako pa din naman ang uutusan lagi diba?

"Girl! Di ka man lang nae-excite?" bulong saakin ni Trisha na nasa likod ko

"Oo nga! Minsan lang may mag-transfer oh," pagsang-ayon pa sa kanya ni Jenny na nasa kaliwa ko

Hindi ko alam kung saan ba ako haharap kaya naman nagsalita na lamang ako bilang sagot sa kanila, "Me? Excited? No way mga sis! Walang bago dahil lagi pa din akong uutusan"

"Ay, oo nga no? malas mo naman"

"Kawawang Jhazrell"

Napairap na lamang ako sa kanila.

"You may come in," saad ni sir habang nakaharap sa pinto. Meaning ay pinapasok na niya yung transfer

"Thanks sir," boses ng lalaki ang narinig namin kaya naman hindi magkaintindihan ang mga babae sa classroom namin habang ako naman ay patuloy na lamang sa pag-irap. Hindi na ako magtataka kung mamaya lang ay matuluyan na ang mata ko.

Pumasok na si kuya sa loob at humarap saaming lahat. Muntik na akong mahulog sa aking upuan dahil hindi ko inaasahan ang taong nakikita ko ngayon sa unahan. "Good morning everyone, I am Erick Lloyd Gutierrez. I hope that all of us can get along soon"

Phenomenal Fate Where stories live. Discover now