Chapter 20 🍃

13 4 13
                                    

"Yeah, and i wish that man was me," bulong pa nito at hindi ko naintindihan kaya naman napatanong na lamang ako sa kaniya.

"What is it again?"

"Wala!"

"Yabang naman nito eh"

"Sabi ko," nagpabitin pa ang lintik. "Ang dami mong alam"

Agad ko itong sinamaan ng tingin hindi dahil sa naiinis ako kung hindi dahil sa tingin niya ay maniniwala ako na iyon ang sinabi niya. Bahagya pa itong natawa nang makita ang reaksyon at hinayaan ko na lamang siya. Hindi ko alam kung bakit di ako makaganti, mas gusto kong pagmasdan siya habang natawa.

"Hey stop starring at me," aniya.

Agad akong nagbalik sa aking wisyo at mabilis na inalis ang pagkakatingin ko sa kaniya. Shit! Wag lang sana talagang namumula ako dahil nakakahiya.

"I'm not," tumanggi pa ako kahit na obvious naman na nahuli niya ako. Masyadong mabilis ang nagiging pagtibok ng aking puso.

"Oh really?"

"Yes"

"Then why are you blushing?" He teased me.

Instead of arguing with him ay pinili ko na lamang na ibahin ang topic at ipagpatuloy na lamang ang laro namin.

"Spin the bottle Lloyd"

"Okay, i'll do it"

Kagaya nga ng naging pagsagot niya ay pina-ikot na nito ang bote at nakakaramdam na naman ako ng kaba dahil sa aking naiisip. Paano kung ako na naman ang tapatan niyan? Baka mamaya ay mas malalim pa ang itanong niya at hindi ko na maiwasang madulas. Bakit ba kasi hindi ko sinabi na bawal ang mga personal na tanong?! Kainis naman kasi e.

"It stopped," pagsasalita ni Lloyd.

Agad naman akong napatingin sa bote dahil sa lalim ng aking iniisip ay hindi ko na napansin kung kanino ba tumapat ito, agad naman akong napangisi nang mapansin kong kay Lloyd lamang ito nakatapat.

Unlike me, sobrang kabado ko kanina nang matapatan ako ng bote but base sa nakikita ko ay wala man lang akong makitang bahid ng nerbyos sa kaniyang mukha. Para bang napaka-chill lamang niya at walang inaalala kung magiging personal ba o hindi ang aking itatanong. Tumikhim muna ako bago magsimulang magtanong nang may maisip akong kalokohan.

"How long is it?" Nakangisi kong tanong.

Wala naman akong binabanggit na kung ano pero mukhang may pumasok na agad sa isip niya dahil gustong-gusto ko nang matawa sa pagmumukha niya ngayon. Actually 'di naman talaga iyon ang aking tanong.

"H-hey!" Namumula pa ang mukha nito habang hindi makatingin sa akin ng diretso.

Dahil nga tinukso niya din ako kanina syempre naman ay 'di ako papayag na huwag na lang gumanti!

Nakatingin ito sa gilid kaya naman lumipat ako ng pwesto at tiningnan ito ng diretso sa kaniyang mata. Halatang-halata ko kung gaano ka-awkward ang pakiramdam niya habang nakangisi ako at hinihintay ang sagot niya.

"What's your answer?"

Lumapit pa siya saakin kaya naman ako ang nabigla. "Isang tanong mo pa, hahalikan talaga kita"

Halos 1 inch na lamang ang pag-itan ng aming mga mukha kaya naman napag-pasiyahan ko nang bumalik sa aking puwesto at maupo na lamang muli. Shet! Ang bilis ng tibok ng puso ko mommy!

"W-wala naman kasi akong binaggit! Ano ba nasa isip mo ha?"

"Huh? Then what?"

"How long is your patience?"

Phenomenal Fate Where stories live. Discover now