Chapter 25 🍃

11 4 14
                                    

"Attack!" Narinig kong sigaw ng mga mga tao habang nasa isang labanan.

Nagmistulang isang bagay na hindi maaaring makita ang lahat. Maging ang mga tao ay hindi klaro saaking paningin, tanging ang hugis lamang ng katawan nila ang aking nakikita.

Hindi ko alam kung nasaan ba ako at kung ano ang nangyayari. Hindi ko maigalaw ang katawan ko at ang tanging nagagawa ko lamang ay ang manood. Malabo man ang lahat ngunit alam ko sa sarili kong magulo ang paligid.

Marami ang mga natutumba habang ang mga sandata at kapangyarihan ay patuloy na bumabagsak mula sa mga magagaling at mapangahas na mga kamay. Parang labanan ng mga naeor at harixic lang.

"We will never let you win, never!"

Tila ba isang malakas na pagsabog ang sigaw na iyon na paulit-ulit na umalingawngaw sa aking pandinig. Hindi ko alam kung bakit pero unti-unti na akong nakakaramdam ng paninikip ng dibdib, bakit ako nagkakaganito?

"Kayo ang dapat na ipatumba!"

I don't know why but it sounds like Rose's voice. Mas lalong lumalala ang paninikip sa dibdib na aking nararamdaman.

Suddenly, someone moved and went beside the girl who shouted. Dalawang tao ang lumapit dito, isang babae at isang lalaki. May sinabi din sila ngunit hindi naging malinaw sa aking pandinig, hinayaan ko na lamang ito dahil kahit na anong pilit kong igalaw ang aking katawan ay hindi ko magawa, naiinis ako.

"Let's finish this," malamig ang boses ng nagsalita.

Nagsimula na ang laban at napakatindi nito. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman habang nasasaksihan ang bagay na ito ngayon, malabo man ngunit tila ba malinaw sa aking isipan ang nagaganap.

Fire, water, leaves, woods and rocks are coming together with that black something from the other side. I don't know what group are they.

"No, please stop," i whispered.

I cannot control myself. Wala sa intensyon ko ang magsalita ngunit bakit aking nagawa? It feels like i cannot stand anymore.

Lumipas ang ilang minuto at ang laban ay hindi pa din natatapos. Walang nagpapatalo sa magkabilang panig hanggang sa may maapektuhan sa kabilang grupo. Napukaw nito ang aking atensyon at tila ba isang bagay na nilagyan ng glue ang aking mga mata na na-stuck na dito.

"NO! NO! YOU CAN'T LEAVE ME HERE!"

Panay lamang ang sigaw ng isang babae habang mariin na nakatingin sa kasamang nakahandusay na sa sahig, malapit nang malagutan ng hininga.

"I warned you before but i guess you should continue," napilitan pang magsalita ang taong nahihirapan nang huminga.

Panay lamang ang iling ng babae habang ang luha niya ay patuloy lamang sa pagbagsak.

"You killed me a lot of times but i survived. It hurts a lot but i'll set you free, please smile."

Hindi na nakayanan pa ng babae na umimik pa nang magsalita na din ang isa pang kasama. Nakakapagtaka lang dahil bakit puro habilin naman? Matagal na ba talaga silang magkakakilala?

"NOOOOOO!"

Sobrang lakas ng naging pagsigaw ng babae nang tuluyan nang nawala ang kaniyang mga kasama at ang buong grupo nila ay halos maubos na.

"Oh my gosh," bigla akong napabangon.

Habol-habol ko ang aking hininga habang pilit na ginigising ang aking diwa. Napaupo ako ng maayos at mariin na tumingin sa aking kwarto.

Phenomenal Fate Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt