Chapter 36 🍃

17 2 24
                                    

"R-rose..."

Nakaluhod ako habang ang luha ko ay patuloy lamang sa pagpatak. Wala akong ibang masabing pangalan kung hindi ang kaniya.

Isang linggo na ang nakakalipas simula noong mangyari ang hindi inaasahan ngunit presko pa din sa aking utak ang lahat, maging ang paghahabol niya ng hininga ay malinaw sa aking imahinasyon.

"Should i continue?" I asked myself.

Naguguluhan ako, bakit niya sinabing ipagpatuloy ko ang laban kung noong una pa lang ay pinag-bawalan na niya ako?

"Hindi ko na maintindihan ang gagawain ko, masyado na akong naguguluhan at nasasaktan. Nakakabobo!"

Patuloy lamang ako sa pag-iyak habang nakaluhod sa lugar kung saan sinakripisyo ni Rose ang kaniyang buhay para sa akin. Ganoon na ba akong kahalaga para sa kaniya?

"ARGH! I WANT TO DIE! KILL ME NOW! KILL ME NOW!"

Tumayo ako at lumipad nang napakataas hanggang sa naabot ko na ang tuktok ng pinakamataas na batong nakikita ko. Wala na akong maisip na ibang paraan para makatakas sa sakit na nararamdaman ko kung hindi ang magpakamatay.

Deserve ko din namang mawala sa mundong ito, deserve kong malagutan ng hininga dahil hindi dapat nawala si Rose kung hindi dahil saakin. Deserve kong mawala dahil hindi din naman ako pinapahalagahan ng taong mahal ko! Kingina! Ganoon na ba akong kawalang-kwenta?

"Lloyd...Rose..."

Dalawang tao! Dalawang tao ang nagiging dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon! Dalawang tao kung saan ang isa'y hindi ako mahal habang ang isa naman ay iniwan akong luhaan!

"I'm sorry, but i have to leave you all," i whispered to myself.

Nang makahinga ako ng malalim ay tumalon na ako mula sa itaas habang nakapikit at hindi iniintindi ang takot sa aking dibdib. Mas lamang ang sakit na nararamdaman ko at wala akong alam kung sino ang makakatanggal nito o kung mayroon pa nga ba.

Tanging pagputol na lamang sa buhay ko ang aking naiisip kung kaya't ito ako ngayon, hindi nangangamba at naghihintay na lamang na humampas sa matigas na kalupaan.

"GAGO! GAGO! ALIS POTA! INAANO BA KITA?!"

Patuloy pa din ako sa pag-tawa nang makita ko ang naging reaksyon ni Jade.

Takot na takot sa ipis ang lintek HAHAHAHA palibhasa'y sa tunay na mundo lumaki.

"Zeliurex naman! Manahimik kang lalaki ka!"

"Oh my good! Oh my! He's coming near meee! Oh my! He's going to kill me!"

Tumakbo pa ito papunta sa likod ko at nakitang papalapit na pala sa amin ang ipis. Actually, takot naman talaga ako dito pero dati lang 'yon dahil natutunan kong hawakan ito nang ipagamot ni tita ang phobia ko regarding sa ipis. Hindi ko alam kung anong tawag sa phobia na 'yon hehe.

"Hindi ka naman kasi papatayin ng ganiyan, Zeliurex," sinusubukan kong maging mahinahon kahit na ang totoo ay kanina ko pang gustong humagalpak sa pagtawa.

"Eh kahit pa! Nakakatakot nga kase! Ang pangit huhu, maawa ka naman saken, Jhana. Alisin mo na saakin 'yan!"

Kingina! Namumula na siya at kanina pang gustong maiyak. Omg HAHAHA may ganito pala siyang side, i thought wala na akong makikitang ganitong Jade Zeliurex.

"I thought you love everything about nature? Kabilang naman 'yang mga ipis sa dapat nating alagaan ah?"

Akmang kukuhanin ko na ang ipis nang hilahin ako nito kaya naman napaumpog ang noo ko sa kaniyang labi, lumayo naman agad ako.

"Eh kasi naman! Kaya nga ako na ang nalayo diba? Edi sana kung hindi ko pinapahalagahan 'yan, kanina ko pang pinatay 'yan!"

"Grabe ka naman sa papatayin e sinabihan mo na ngang panget!"

"Kaya nga nalayo na ako diba? Lapit pa kasi ng lapit! May gusto yata saakin. Ganoon na ba akong ka-gwapo?"

Pinagpapawisan na nga dahil sa takot, aba'y nagawa pa ding maging mahangin.

"Pero sabi mo kanina ay lalaki iyang ipis! Sabi mo pa nga, 'he's coming near meee!' "

"EH KASI BAKLA 'YANG IPIS! GANON AKONG KA-GWAPO! PATI BAKLA AY MAHUHULOG! HUHU ALISIN MO NA 'YAN!"

Nakaramdam na ako ng awa sa kaniya kahit na napaka-hangin talaga niya.

"Bakit parang hindi naman 'yung ipis ang bakla? Parang ikaw naman kaya!"

Napapangiti na talaga ako. Hindi ko kayang mag-pigil ng emosyon ko ngayon, minsan lang maging masaya at mamaya ay malungkot na naman ako.

"Aba! Sino sinabi mong bakla?"

Nag cross-arms pa ito na para bang nakalimutang may kinatatakutan siya HAHAHA ayaw na ayaw na matawag na bakla. Natatandaan ko nga noong may tumawag dito na bakla sa mall HAHAHA sobrang gwapo naman kasi talaga niya! Hinalikan ni gago sa pisngi edi ayun! Tameme HAHAHAHA.

Paging those na gusto ng halik ng isang Jade Zeliurex Padilla! Tawagin niyo lang ng "bakla", sure ball na.

"Yung katabi ko!"

"Hindi ako bakla dahil kaya kong maging ama ng isang dosenang bata! Volunteer na lang kung sinong gustong maging ina!"

"Gago!"

Akmang sisipaan na nito ang ipis nang mabilis ko itong nadampot at inilagay sa malayo. Nakakaawa naman ang ipis, wala namang ginagawa sa kaniya, hmp.

Nang makabalik na ako sa pwesto namin ay wala na si Jade doon. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid at nang makatalikod ako ay napahiyaw na lamang ako dahil bigla akong binuhat nito at lumipad na lang ng basta.

"Aish! I can fly with my own! Bitawan mo ako Zeliurex na takot sa ipis!"

"Shh! Ang ingay mo. Tatambay lang naman tayo sa hideout ko eh!"

"Fine!"

Wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag dahil wala naman akong magagawa sa kaniya. Kahit na anong pilit kong magpababa ay hindi niya gagawain.

To be honest, sobrang thankful ko dahil nandiyan si Jade for the past three months.

Yes, tatlong buwan na ang nakakalipas nang mawala si Rose at iwanan ako ni Lloyd. Sa loob ng tatlong buwan na iyon ay halos mamatay ako sa lungkot. Nagtangka pa akong magpakamatay ngunit palagi akong nasasagip ni Jade, he's my own kind of warrior and i can't survive without his energy that makes me laugh throughout the day.

"You can cry in front of me but you cannot die in front of me, Jhana," paalala niya saakin.

Nakaupo kami ngayon dito sa kwarto niyang napapaligiran ng mga naglilipadang mga alitaptap na kulay asul ang ilaw. Medyo nasanay na ako dito kahit na minsan ay nagtataka pa din ako kung paano niya nagawang asul ang ilaw ng mga alitaptap.

Alam kong may blue power siya pero bakit hindi ko kayang gawain sa green power ko iyon? Unfair talaga!

"Why not?"

"I'll kill myself too"

"Bwisit! Bakit ka naman magpapakamatay?!"

"Para may boy bestfriend ka pa din sa kabilang buhay..."

"Siraulo ka!"

Nalulungkot pa din ako, nalulungkot pa din ako sa pangyayari noong nakaraan pero hindi ko kailangang ibaon ang sarili ko sa makakasakit saakin.

Nandiyan si Zeliurex at hindi pwedeng balewalain ko ang effort niya. Handa siyang pasiyahin ako dahil ayaw niya daw ng malungkot ang paligid. Nandiyan din sina tita at tito na kahit alam kong mas nasasaktan saakin ay nagagawa pa din akong pakalmahin kung minsan.

"Just let me love you, let me love you Jhazrell. You can claim my heart, baby..."

Phenomenal Fate Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang