Chapter 27 🍃

16 3 15
                                    

"Ano nga ulit yung mga nirecommend mong story saakin?"

Napailing na lamang ako ng bahagya at napahampas sa aking noo dahil nakalimutan na agad ni Zeliurex ang mga sinabi kong story kanina lang.

"Accidentally Kissed with a Playboy by MsKindGirl"

"And then?"

"Eternal Reality by shiny_shimmery"

Kanina pa kasi kaming nag-uusap dito dahil wala naman kaming magawa sa ngayon. Parang kanina lamang ay nasa akin ang usapan pagkatapos ay 'di ko na namalayang nasa ibang topic na pala.

"Bakit nga ba napunta dito ang usapan natin? Hahaha"

"Aba'y ewan ko sayo! Bakit nga ba?"

"Hahaha ewan ko din ba. Atsaka for what diba? Bawal tayong mag-gadget remember?"

"Ay, oo nga pala hahaha nakalimutan ko kase eh"

"Tsk, kahit kailan ka talaga"

Tanging pagtawa lamang ang naisagot ko dito. Nasabi niya din kasi saakin na nagbabasa pala siya ng wattpad before, nakakapanghinayang lang dahil nauna niyang malaman na isa siyang naeor kaysa sa akin, edi sana nabasa niya yung mga sinabi ko!

"Jhana," he called me out of nowhere.

"Yes?"

"If someone confessed to you, what will you do?"

Hindi na ako nag-isip pa ng matagal dahil na alam ko na naman talaga kung ano ba ang gagawin ko.

"As of now? I'll reject them in a good way, i love my man right now"

"Ah, sounds good"

-----

1 month passed.

Sa loob ng isang buwan na iyon ay napakadami ng mga nangyari. Ilang beses din kaming nagkikita ni Lloyd. Wala nang naganap na ligawan basta't alam namin na mahal namin ang isa't-isa.

"Jhana! Bilisan mo naman! Ang bagal"

Narinig kong sumigaw si Zeliurex kaya naman agad akong napalingon sa pwesto nito at napansing katabi na nito si Rose na ngayon ay masama na ang tingin saakin.

Mukhang inip na nga talaga sila. Ganon na ba talaga katagal ang pagkatulala ko? Eh bakit hindi nila agad ako tinawag? Ay oo nga pala, pag-eensayo nga pala ang paalam ko sa kanila at hindi ang pag-iimagine HAHAHAHA.

Sa loob din ng isang buwan ay mas naging bihasa ako sa paggamit ng aking kapangyarihan ngunit hindi ko pa nararanasan na mag-join power kay Zeliurex. Hindi pa naman namin kinakailangan kung kaya't pinaalalahanan kami ni Tito na i-save iyon.

"Sabi mo mag-eensayo ka lang," nakabusangot na saad ni Rose.

"Hindi mo naman sinabing tutulala ka lang pala, edi sana iniwan ka na namin"

Mas lalo akong napangiti dahil sa dinugtong na mga salita ni Jade. Kahit kailan talaga ay ayaw ng dalawang ito ng pinaghihintay lalo na't may mahalagang bagay nga pala kaming pupuntahan.

"Tara na! Baka hinihintay na tayo," aniko.

"Ay oo teh! Buti alam mo!"

"Ay kanina pa Jhana, nakailang sermon na sa amin"

Imbes na makipagtalo pa sa mga ito ay kaagad na akong lumipad at hindi na sila hinintay pa. Naririnig ko ang pagmumura saakin ni Rose habang si Jade naman ay napapailing na lamang.

Phenomenal Fate Where stories live. Discover now