Chapter 40 🍃

19 2 30
                                    

"I-i love you... in my next l-life... i'll make you mine, b-baby..."

Those are the words he uttered before he closed his eyes. I froze, my brain can't function. I don't know what to say, as of now i just want to cry.

"Z-zeliurex," i whispered.

He sacrified himself for me. He died because of me, and what's that? H-he loves me?

"S-sana, hindi na lang ako umalis. Why, Zeliurex? Instead of me, ikaw yung nawala. I can't accept this!"

Patuloy lamang ako sa paghagulhol at hindi ko alam kung may ititigil pa ba ang luha na ito. Ayaw kong umalis, ayaw kong umalis sa harapan ng taong naging sandalan ko noong mga panahong wasak na wasak ako. Ang hirap tanggapin na ang taong naging parte na ng buhay ko ay nawala na naman nang dahil sa akin. Ang sarap mag-mura!

Hindi ko naiwasang tumingin sa paligid. Wala na ang mga harixics, talagang inubos niya ang mga ito mailigtas lamang ako. Kung sa totoo lang, kakayanin ko pa naman na ako ang mawala kaysa siya. Hindi ko matanggap na nawala siya ng dahil sa akin.

"B-bakit hindi mo sinabi sa akin ang nararamdaman mo?"

Para akong timang dito na kinakausap si Zeliurex habang wala na siyang buhay. Hindi ko alam kung kailan lilipad kasabay ng hangin ang katawan niyang naging abo kung kaya't sinusulit ko na ang oras para masabi ko sa kaniya ang mga dapat kong sabihin.

"P-pero, sabagay nga naman. Baka mas masaktan ka pa kung nasabi mo sa'kin...dahil...walang kasiguraduhan kung kaya ba kitang mahalin," i whispered.

Hangga't may oras pa ay pinagmasdam ko ang kaniyang mukha. Bakit nga ba napakatanga kong tao? Bakit hindi man lang ako nahulog sa kaniya?

Kung papipiliin naman ang kahit na sino, tiyak nang maiinlove sila sa isang Jade Zeliurex Padilla. Siya ang nandiyan noong mga panahong walang-wala ako and you know what hurts me the most as of now? As i thought that he's okay back then, he wasn't. He's with me, talking about someone i love and he's there, listening to me as if he doesn't even care about his own feelings. Damn, ang manhid ko.

"N-no, ZELIUREXXXXXX!"

Napakalakas ng naging pagsigaw ko nang tuluyan nang maging abo ang katawan ni Jade at lumipad na ito kasabay ng hangin. Damn, why do i have to suffer like this? Bakit kailangang may mawala nang dahil sa'kin? Please tell me na wala nang susunod pa dahil hindi ko na kakayanin pa.

Please tell me na makikita ko pa ang taong mahal ko. Magiging kami pa, magiging masaya pa kaming dalawa kagaya ng kahilingan ni Rose at Zeliurex. Sana matapos na ang gulong 'to, gusto ko nang mamuhay ng payapa. Ayaw ko nang masaktan pa ang ibang tao nang dahil sa akin. Ayaw kong ako din mismo ang maging dahilan ng sakit na mararamdaman ko sa hinaharap.

Nanghihina akong tumayo kasabay ng pagpupunas ng aking mga luha. Kailangan kong maging malakas para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga kaibigan ko.

Saktong pagtalikod ko ay nakaramdam ako ng pagkabigla. Ang dami palang mga naeors ang nasa likod ko, sugatan at halata sa mukha ang lungkot dahil sa pagkawala ni Zeliurex. I was about to speak when someone cut me off that made my hope increased.

"The whole batch of the harixics are here, including the main warrior," he seriously said.

"Get ready. This will be a big fight. We will finish them all, remember that advantage and disadvantages that i told you before...."

"We will win. Mark my words, naeors. Together, we will defeat them," pahabol ko pa bago tuluyang lumipad.

Sa totoo lang, pinapalakas ko lamang naman talaga ang kalooban nila. Mas malaki ang advantage ng mga harixics ngayon dahil maraming dumating sa kanila samantalang kami ay kanina pang nakikipaglaban. Nanghihina pa ako sa ngayon, at alam kong ako ang inaasahan nila kung kaya't kailangan kong maging matatag para sa kanila.

Phenomenal Fate Where stories live. Discover now