Chapter 7 🍃

25 4 0
                                    

Note: I just want to remind y'all that the word "NAEOR" and "HARIXIC" are not real words and just a product of my imagination 🤗

=========

Napakunot ang noo ko dahil sa mga sinasabi nila, wala akong maintindihan.

"Naeor? Harixic? What are you talking about?"

Nagtanong ako sa kadahilanang hindi ako pamilyar sa mga sinasabi nila at mas lalong wala akong matandaan na may mga ganoong salita sa loob ng isang dictionary. Isa na talaga ito sa pinaka-masamang panaginip na napuntahan ko at tanging ang itsura lamang ng kapaligiran ang maganda. Maging ang mga tao na nandito ay hindi ko maintindihan.

"You're a naeor and destined to defeat the harixic," pag-uulit pa saakin ni Rose.

"I don't get it Mister and Miss -----"

"Call us tito and tita," hindi na ako pinatapos nito at nagsalita na.

"Okay fine. I'll call you with what you want just please explain to me what's going on with this dream"

"I told you that this is not a dream Jhazrell. It's your fate"

"Having a power and to be surrounded with weird people? Is that what you called FATE?"

"If you think na isa kaming weirdo, then sorry to say pero weirdo ka din girl," giit ni Rose ng nakangiti saakin ng nakakaloko.

Tinaasan ko ito ng kilay bago pa magsalita, "Kagaya niyo ba ako?"

"As i've said you're a naeor and we are a naeor"

Wala na talaga akong maunawaan kaya tumayo na ako at lumabas ngunit naharangan ng tubig ang pinto kaya no choice ako kung hindi ang lumingon ulit sa kanila at bumalik sa pwesto ko ngunit hindi na ako umupo at nag cross-arm na lang. Ginamit ko ang aking mukha na nagpapakita ng pagka-inis ko sa mga nangyayari ngayon. Nakatingin lamang sila saakin ng seryoso at mamaya lang ay napasinghap ang nanay ni Rose na si Maria.

"I have no choice but to show you the proof," naiiling na wika nito bago pa iginalaw ang kamay niya na nag-alis ng tubig sa pinto at pumunta ito sa harapan ko, nag-form ng isang bilog at tila naging isang salamin.

Napaurong ako ng bahagya dahil sa pagkabigla. Hindi ako makapaniwala na nasasaksihan ko ang mga bagay na kagaya nito ngayon. Mamaya lang ay tumingin ito sa kanyang asawa at sumenyas ng hindi ko alam kung ano ba ang meaning pero itinuro nito ang mala-salamin na bagay na kaniyang ginawa.

"Eyes that surrounded the main warrior, in the name of saving the nature," wika ng tatay ni Rose habang nakapikit at mamaya lamang ay lumutang na sa ere. Umikot ito ng sa tingin ko ay umabot ng limang segundo at mamaya lang ay ibinuka ang kaniyang mata at tila ba isang laser kung dumiretso ang ilaw na kulay berde papunta sa mala-salamin na bagay.

Napukaw nito ang aking atensyon kaya naman pinili kong tingnan ito, sa una ay puro berde lamang ang aking nakikita ngunit makalipas lamang ang ilang minuto ay nakita ko ang sarili ko, ang sarili ko kasama ang aking ina na matagal nang wala. Parang sinuntok ang puso ko dahil sa nakikita ko, ang sakit lang na hindi na pwedeng ibalik pa ang nakaraan at tanging ala-ala na lamang ang mga iyon. Sobrang kumikirot ang puso ko sa tuwing maiisip ko na limang taon ko lamang nakasama ang aking ina at ang ilang taon pa doon ay wala akong maalala sapagkat isa pa lamang akong bata na walang alam kung hindi ang umiyak at humingi ng gatas mula sa aking ina.

"Why are y-you doing this to m-me?" my voice cracked when i asked them.

"I'm sorry but we have to do this so that you'll believe us"

Phenomenal Fate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon