Chapter 34 🍃

12 2 11
                                    

Jhazrell Lhiana's POV

Nakaramdam ang katawan ko na dapat na akong gumising kaya naman iminulat ko na ang aking mga mata at nakitang nasa loob na ako ng aking kwarto dito sa may station.

Saglit lamang akong natulala bago naisipang bumangon. Lalapat na sana ang aking mga paa sa sahig nang makaramdam ako ng panlalambot dahil sa biglaang pagkaka-alala ng nangyari kahapon. Masakit, sobrang sakit.

Buong akala ko ay medyo aayos na ako pagkagising ko mula sa aking tulog pero hindi dahil mas nasasaktan ako. Para bang nang magising ako ay nalaman kong nasa reyalidad ako, walang halong biro na iniwan na nga ako ng taong mahal na mahal ko.

"Myghad Jhazrell! Umayos ka nga!"

Hinampas-hampas ko pa ang sarili ko upang magbalik sa aking diwa. Ayaw ko na talagang isipin pa ang bagay na iyon, hindi dahil sa ayaw ko nang bumalik siya ngunit dahil gusto kong sumaya na siya.

Nangako ako na papalayain ko siya kapag nakita ko siyang masaya sa iba, hindi ko man nakita ay naramdaman kong masaya na siya. Hindi niya ako ikukumpara sa iba kung talagang mahal niya ako at kung talagang ako lang ang babaeng tinitingnan niya. Hindi ko na ipagsisiksikan pa ang sarili ko sa taong ayaw naman sa akin.

Lumabas na ako ng kwarto ko at nakitang kumakain na sila sa labas. Niyaya ako ni Tita Maria na sumalo sa kanila ngunit tinanggihan ko ito in a nice way, wala akong ganang kumain at mas lalong wala akong ganang mag-saya kahit na iyon ang kailangan ko.

"Miss mo na bang mag-kanin, aber?"

Tinanong pa ako ni Rose ngunit sinamaan ko lamang ito ng tingin.

"Mukha kang kanin na nasunog!"

Nakita ko ang pagbusangot nito ngunit hindi ko na lang tinawanan dahil umalis na ako.

Usually talaga pag nakain kami dito ay walang kanin dahil puro nanggagaling sa puno ang kinakain namin kagaya ng mga prutas at hindi na nag-aabala pang magluto! Wala na nga akong nakitang mataba dito sa mundong 'to! Nakakaloka.

"The sun might leave and the moon might disappear but always remember that day and night, everyday and everytime, i love you so much.."

"ARGH NAKAKAINIS NAMAN!"

Halos masabunutan ko na ang sarili ko dahil sa pagkaiyamot. Hindi ko naman ginugustong alalahanin ang mga katagang iyon ngunit bigla na lamang pumapasok sa isip ko. Ayaw kong maalala pa iyon, nasasaktan ako. Sobra pa sa sobra.

"Lloyd naman, patahimikin mo naman ang puso ko," bulong ko sa sarili ko habang ang luha ko ay pinipigilan kong lumagpak.

Nakakainis! Ayaw kong maging ma-drama pero bakit nagiging ganito ako ngayon? Halos wala na akong maisip na dahilan para iwan niya ako, wala naman akong ginawang masama.

Nagmahal lang naman ako pero bakit kailangang saktan ako ng paulit-ulit? Nakakabobo, sobrang sakit!

"Jhana! What the hell?!"

Narinig ko ang pagsigaw ni Jade mula sa malayo ngunit hindi ko ito pinansin. Patuloy lamang ako sa aking ginagawa, inaabuso ko ang kapangyarihan ko dahil gusto ko nang mawala! Ayaw ko nang makaramdam pa ng ganitong sakit at mas lalong hindi ko kakayaning makita si Lloyd na kasama ang ibang babae! Na ngumingiti ng dahil sa iba! Iniisip ko pa lang ay masakit na! Damn!

"Stop that, Jhana!"

He was about to hold me but i stopped him that made his eyes a bit bigger.

"Don't come near me, Zeliurex," napaka-lamig ng boses ko.

"J-jhana.."

"I SAID LET GO OF ME JADE! I DON'T NEED YOU! I DON'T NEED ANYONE! DAMN IT! LEAVE ME ALONE!"

Ayaw niyang umalis? Ako ang aalis! Sa ngayon ay hindi ko pa pinagsisisihan na nasigawan ko siya dahil ginawa ko lamang ito kanina lang. Alam kong mamaya ay makokonsensya na ako at hindi makakatiis na hindi humingi ng pasensya lalo na't ako naman ang may kasalanan.

"Damn!"

Iyak lamang ako ng iyak habang nasa ere at lumilipad. Wala akong makitang lugar na pwedeng puntahan kung hindi ang training area. Paninindigan ko ang sinabi ko. Ayaw ko nang maramdaman pa ang sakit na ito kung kaya't ang pag-abuso na lang sa aking kapangyarihan ang gagawain ko.

"Jhazrell naman, please talk to us!"

"Jhana, please...."

Nandito na pareho si Rose at si Jade sa aking tabi ngunit wala na akong pinapansin pa sa kanila. Kanina pa akong gumagamit ng aking kapangyarihan ngunit buhay pa din ako! Nakakainis naman.

"Hindi mo ba talaga kami papansinin?" Nagmamaka-awang tanong ni Rose.

Alam kong paga-alala ang nararamdaman nilang dalawa ngayon ng dahil sa akin ngunit wala akong panahon para intindihin pa ito. Wala ako sa matinong pag-iisip!

"Fine, Jhazrell! Fine! Iyan ba ang gusto mo? Edi bahala ka!"

Nakita kong lumipad na paalis si Rose at sinundan ito ni Jade. Alam kong naiyak ito ngayon dahil sa akin, pasensya na siya pero wala akong panahon pang mag-comfort.

"Rose! Wait for me!"

Good thing na nandiyan si Jade kaya alam kong icocomfort nito si Rose, he's a good man and a friend. He's an ideal type, to be exact.

"This is for how much pain i got and this is for the tears that i shred!"

Patuloy lamang ako sa pagpapaka-wala ng aking kapangyarihan at unti-unti na akong nakakaramdam ng panlalambot, non-stop ang aking ginagawa.

Nang tuluyan nang bumigay ang tuhod ko ay napaupo na lamang ako. Mamaya ko ito ipagpapatuloy dahil ang katawan ko na ang kusang sumuko.

"My love..."

Sinambit ko ang mga katagang aking nakasanayan na marinig mula sa kaniya. Tila ba nasa isang karerahan ang aking mga luha na nag u-unahang bumagsak mula sa aking mga mata.

Lahat ng mga masasayang ala-ala naming dalawa ay nagp-play sa aking kaisipan. Nakakabobo na ang mga masasayang ala-ala ang nagiging dahilan ng luha ko, paano bang hindi? Ay sa mga ala-alang iyon, kasama ko ang taong gusto kong mayakap araw-araw.

"B-bakit! Bakit mo ako binalikan? Sana hinayaan mo na lang akong kalimutan ka! Kingina naman, Lloyd!"

Bwiset na puso, nagmahal ng walang kwentang tao!

"Paano mo nagawang sumaya sa iba habang pilit mo akong pinapaniwala na mahal mo ako?"

Shit lang talaga! Yung mga tawa ko kasama siya ay biglang naging tila ba isang bato na ang bigat dalahin sa aking puso. Naiisip ko pa lang na peke ang lahat ng mga iyon ay nakaka-iyak na!

Phenomenal Fate Where stories live. Discover now