Chapter 37

2.6K 39 18
                                    

Seth’s POV

Napatigil sa pagkain sina Bea at Barbie. Alam na siguro nila ibig sabihin nun. Biglang napatayo si Kath at tumakbo papuntang CR. Agad siyang sinundan ni Bea.

“Daniel, bakit mo pinakain si Kath niyan?!” -Barbie

“Bakit ba? Anong meron?” -Dj

“Lactose intolerant si Kathryn.” Sagot ko.

“Ano?!” Halatang gulat si Dj.

“Hindi mo alam??” -Barbie

“H-hindi.” -Dj

“Grabe ka naman. Magkasama na nga kayo sa iisang bahay tapos hindi mo pa alam?!” -Barbie

“Hindi niya nabanggit sakin eh!” -Dj

“Eh bakit si Seth alam niya??” -Barbie

“Malay ko ba diyan! Lagi silang magkasama eh!” -Dj

“Pano kasi, lagi kang busy.” -ako

“O, tama na yan. Magtatalo pa ba kayo?” -Kats

“Eh kung i-check niyo na lang kaya kung okay lang si Kathryn.” -Julia

“Baka nagsusuka na yun!” -Les

“Malamang! Pakainin ba naman ng spaghetti na may dairy cream at evaporated milk! Panong hindi magsusuka yun!” -Barbie

“Chill lang, Barbie. Hindi naman sinasadya ni Kuya eh.” -Jc

Hinintay naming lumabas ng CR sina Kath at Bea. Agad na lumapit si Dj kay Kath pagkalabas niya.

“Kath, okay ka lang?” Sabi niya sabay hawak sa magkabilang braso ni Kathryn. “Sorry, hindi ko naman alam na lactose intolerant ka pala.”

“Okay lang. Konti lang rin naman nakakaalam nun eh.”

“Masakit pa rin ba tiyan mo?”

“Hindi na. Okay na ako. Buti konti lang yung nakain ko.”

“Tara, kain na tayo ulit.” -ako

Tinuloy na namin yung naudlot na lunch kanina. Pagkatapos nun, nag scary movies marathon kami. Okay naman yung kinalabasan ng bonding namin pero may napansin akong kakaiba kay Dj. Hindi siya mapakali. Chinecheck niya yung cellphone niya once in a while. Hindi ko alam kung bakit ganun pero mukhang may problema na naman siya.

Kathryn’s POV

Pagkaalis ng mga bisita, napansin kong tahimik lang si Dj. Nilapitan ko siya para kamustahin pero dinedma lang niya ako.

“Dj, may problema ba?” Hindi pa rin siya nagsasalita. “Kanina okay ka lang naman.”

“Wala. Pabayaan mo na lang ako.”

“Ano ba kasi yun? Baka makatulong ako.”

“Bakit, mapapatahimik mo ba ‘tong tatay ko?!”

Nag-iba tono ng pananalita niya kaya medyo nairita ako.

“Yun na naman ba?? Kailan ba matatapos yang problema mo sa tatay mo??”

“Anong magagawa ko?! Ayaw akong tantanan eh!”

“Baka naman kasi dahil hindi mo hinaharap.” Napatingin siya sakin bigla. “Ikaw naman kasi, takas ka lang nang takas sa problema. Hindi mawawala yan kung maghihintay ka lang. Gawan mo ng paraan.”

I'm BATMAN's PropertyWhere stories live. Discover now