Chapter 10

3.3K 54 10
                                    

Napatayo ako. Daniel. Sabi ko sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kaba. Natigil yung game at nagsilapitan na yung mga tao sa kanya. Hindi ko na napigilan yung sarili ko kaya tumakbo na rin ako papunta sa kanya. Hinawi ko yung mga taong nakaharang hanggang sa makita ko na siya.

“Daniel!” Tumingin siya sakin. “Daniel, okay ka lang ba?” Tanong ko na parang concerned na concerned sa kanya.

“A-aray! Hindi na ako okay kasi lumapit ka!” Nagawa pa niyang mang-asar. Ibang klase talaga.

“Ano ka ba! ‘Wag ka ngang makulit.” Sabi ko sa kanya. Napatingin ako kay Lester na nasa harapan ko. “Halika na, Lester. Dalhin natin si Daniel sa clinic.”

“Wag na Les!” Biglang sabi ni Seth. “Kami na ni Kats bahala kay Dj. Dito ka na lang muna, samahan mo si Bea.”

“O sige. Ingatan niyo si Dj ah.” Bilin ni Lester samin.

Inalalayan nina Seth at Katsumi si Daniel papuntang clinic. Pagdating namin dun, pina-check na kagad siya sa resident doctor kaya naghintay na lang kami sa receiving area.

Maya-maya, lumabas na yung doctor galing sa kwarto.

“He sprained his ankle. He needs to wear an orthopedic walking boot for two weeks. Kakailanganin din niyang gumamit ng crutches for the first weak at least.” Sabi nung doctor.

“Pero pagkatapos nun, makaka-recover naman po siya diba?” Tanong ni Seth.

“Yes. After a month, pwede na siyang mag-training ulit. As of now, hihintayin lang dumating yung boot from the hospital and then pwede na siyang umalis. You may see him inside.”

Pumasok kaming tatlo sa kwarto kung nasan si Daniel.

“Ano p’re, ayos ka lang?” -Seth

 

“Oo naman! Wala lang ‘to!” 

 

“Hindi ka kasi nag-iingat eh!” Sabi ko sa kanya.

“Anong hindi nag-iingat?! Kasalanan ko bang paharang-harang yung paa nung mokong na yun?? Na-injure pa tuloy ako dahil sa kanya! Buti nga sprain lang eh!”

 

“Hmp. Sana na-fracture na lang.” Bulong ko.

“Ano??”

 

“Wala. Sabi ko magpagaling ka.”

 

“Malas lang, gagamit pa ako ng walking boot.”

 

I'm BATMAN's PropertyWhere stories live. Discover now