Chapter 18

3K 48 11
                                    

Sinabihan ako ni Dj na mag-ayos. May pupuntahan daw kaming importante. Nagpadala pa talaga siya ng damit sa boarding house ko at ipinahatid pa ko kuya Rick para lang maging maayos ang lahat. Para bang wala siyang tiwala sakin kapag ako lang yung kumilos.

Pagdating sa condo niya, tinanong ko agad kung anong meron.

“Ipapakilala kita kay Daddy.” Sabi niya.

WHAT THE. Nagulat talaga ako sa sinabi niya kaya hindi ako nakapagsalita. Tama ba yung narinig ko? Ipapakilala niya raw ako sa tatay niya? Is that even necessary? Fake girlfriend lang naman ako ah! Hindi ko talaga alam kung pano ako magre-react sa sinabi niya kaya napatulala na lang ako. Maya-maya, biglang tumunog yung elevator. May dumating.

Tumayo na si Dj. Unti-unting lumakas yung footsteps. Papalapit nang papalapit samin hanggang sa makita ko na kung sino yung dumating. Kung hindi ako nagkakamali, siya si President Rommel Alcantara. Siya ang daddy ni Dj.

“Dad.” Bati ni Dj.

Tiningnan lang siya ni President. Tapos biglang tumingin sakin.

“Dad, si Kathryn po.” Tumayo ako at lumapit kay Dj. “Girlfriend ko.”

Tiningnan ako ni President Alcantara mula ulo hanggang paa. Nanliit ako sa tingin niya sakin kaya napayuko na lang ako.

“Bakit ka nagdadala ng babae sa condo mo?” Mahigpit niyang tanong.

“Dad, girlfriend ko si Kathryn. Dito na siya titira.”

Weytaminit kapeng mainit. Anong sinabi niya?! :O

“Nagbibiro ka ba, Daniel?” Sarcastic na sinabi ni President Alcantara. “Ni hindi mo nga magampanan ang tungkulin mo bilang tagapagmana ng kumpanya tapos babahay ka pa ng babae dito? Bakit hindi mo gayahin si Carlito?! Imbis na nagsasayang ka ng oras sa babaeng yan, ayusin mo muna ang buhay mo!”

Natamaan ako sa sinabi niya kahit hindi naman ako totoong girlfriend ni Dj.

“Edi sa kanya niyo ipamana yung kumpanya! Tutal siya naman yung magaling diba?! Siya na lang palagi!”

“Aba’t sumasagot ka pa?!”

“Dad, sawang sawa na ako sa pagdidikta niyo sa buhay ko! Gagawin ko kung anong gusto kong gawin!”

Nanlisik yung mata ni President Alcantara. Natakot ako. Hindi para sakin, kundi para kay Dj.

“Bahala ka! Kargo mo yang babaeng yan! Hindi ko kasalanan kapag may mangyari sa kanyang masama sa paninirahan niya rito!” Tumalikod siya at naglakad papunta sa elevator. Sa ilang saglit, kami na lang ni Dj ang natira sa condo.

“Dj, bakit mo ba ‘to ginagawa?” Tanong ko sa kanya. “Bakit kailangan ko pang magpanggap bilang girlfriend mo at bakit kailangang ipakilala pa ako sa daddy mo? Pati ano yung sinabi mong dito na ako titira? Sinasadya mo bang galitin yung daddy mo?”

“Ang dami mong tanong! Umalis ka na nga!” Sigaw niya sakin.

“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo ako nabibigyan ng magandang rason para magpanggap bilang girlfriend mo!”

“Eh kung ipa-expel kita sa school, ha?! Kayang kaya kong gawin yun!” Galit niyang sinabi. “Ano, hindi pa yun sapat na rason para sa’yo?!”

“Bakit ka ba ganyan?! Ginagamit mo lang ako para galitin yung daddy mo! Ginagamit mo lang ako para magpapansin sa kanya! Kasi ang totoo, kahit anong gawin mo, mas pabor pa rin siya sa kapatid mo!”

Nagulat na lang ako nang bigla niyang sinuntok yung salamin sa likod ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw. Nakita ko yung galit sa mga mata ni Dj.

“Umalis ka na.” Sabi niya sakin. “Umalis ka na!”

Inalis niya yung kamay niya sa salamin at tumalikod sakin. Umakyat siya papunta sa kwarto niya. Naiwan ako dun na nanginginig yung mga tuhod. Nakakita ako ng mga patak ng dugo sa sahig. Nasaktan si Dj. Nasaktan niya yung sarili niya.

Pagkaraan ng ilang minuto, kumatok ako sa kwarto niya. Binuksan niya agad yung pinto.

“Bakit nandito ka pa?” Tanong niya. “Diba sinabi ko sa’yong umalis ka na?”

Hindi ko pinansin yung tanong niya. Sa halip, tiningnan ko yung kamay niya. Nakita kong nilagyan na niya ng bandage.

“Okay na ba yung kamay mo?”

Hindi siya sumagot.

“May first aid kit ka ba? Akin na, gagamutin ko yung kamay mo.”

Pinapasok niya ako sa loob at inabot sakin yung first aid kit.

Umupo kami sa kama niya. Tinanggal ko yung bandage sa kamay niya. Naglagay ako ng Betadine sa bulak tapos pinahid ko sa kamay niya.

“Masakit pa ba?”

“Sobra.”

Tumingin ako sa kanya tapos tinitigan lang niya ako. Napayuko ako agad. Bakit ganun siya makatingin sakin?? Para akong matutunaw! Grabe. Nakakakaba.

Pinagpatuloy ko na lang yung paglalagay ng Betadine.

“Masakit pa ba?” Tanong ko ulit.

Nilapit niya yung mukha niya sakin tapos binulungan ako. “Oo.” Naramdaman ko yung hininga niya sa tenga ko. Kinilabutan ako sa ginawa niya.

“Bakit ka nanginginig? Nilalamig ka ba?” Tanong niya.

“H-hindi. Okay lang ako.” Kinakabahan kong sinabi.

Bigla niyang pinaibabaw yung kumot sa aming dalawa.

“Sabi ko okay lang ako.”

Pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko. “Hindi na masakit nung ginamot mo.” Tapos pumikit lang siya at ngumiti.

I don’t know why, but I felt at ease.

Halos isang buwan na ang nakalipas pero wala pa rin akong naririnig mula kay Enrique. Hindi ko pa rin alam kung bakit siya umalis ng ganun ganun lang. Halos isang buwan na rin mula nang magpanggap ako bilang girlfriend ni Dj. Habang tumatagal, hindi ko na naiisip si Enrique. At oo, aaminin ko..

Unti-unti akong napapalapit kay Dj.

I'm BATMAN's PropertyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt