Chapter 24

2.8K 44 10
                                    

Inamin ko na kina Barbie at Bea yung ginawa kong pagpapanggap bilang girlfriend ni Dj. Buti na lang at kaibigan ko sila talaga dahil naintindihan nila ako. Alam nilang wala talaga akong choice noon dahil sobrang manipulative ni Dj.

“Pero bakit tinuloy niyo pa rin yung deal?” Tanong ni Barbie.

“Oo nga. Alam na ng Parking Five pati ni Julia yung totoo diba? Bakit kailangan niyo pang ituloy?” -Bea

“Hindi ko nga alam kay Dj eh. Hindi ko alam kung anong pinaplano niya.”

“Eh bakit ka pumayag??” -Barbie

Ito yung tanong na ayoko sanang sagutin. Dahil sa totoo lang, hindi ko pa rin talaga maamin sa sarili ko. Hanggang ngayon…

“Kasi gusto ko.”

“Ha?” -Bea

Huminga ako ng malalim.

“Gusto ko na yata si Dj.”

“ANO?!” Nagulat sina Bea at Barbie sa sinabi ko.

Kahit ako, hindi rin makapaniwala. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ko. Sino ba namang mag-aakala na magkakagusto ako sa Batman na yun diba? Eh sobrang sama kaya ng ugali nun! Haaaaay. Bakit nga ba ganito? :<

“Tama ba yung narinig ko??” Tanong ni Barbie. “Gusto mo na YATA si Daniel??”

“O-oo eh..”

“Nako patay tayo diyan, girl! Buti na lang hindi ka pa sure!” -Bea

“Teka, bakit parang kontra kayo?” Tanong ko sa kanila. “Nung nalaman niyong kami na, parang okay naman sa inyo ah?”

“Kasi yun, sa pagkakaalam namin, MUTUAL.” Sabi ni Barbie. “Eh yung ngayon ba? May gusto rin ba siya sa'yo?”

Nanlumo ako sa tanong ni Barbie. Sa totoo lang, hindi ko alam ang sagot sa tanong niya. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ni Dj para sakin. Gusto rin niya kaya ako o laro lang talaga ang lahat ng 'to para sa kanya?

“H-hindi ko alam eh.”

“Nako mahirap yan! Ano nang plano mo ngayon?” -Bea

“Go with the flow na lang siguro.”

“Teka, pano na si Julia?” -Barbie

“Ha?”

“Diba may gusto siya kay Daniel? Pano na yan ngayon kung alam na niyang hindi ka naman pala totoong girlfriend ni Daniel?” -Barbie

Natulala ako bigla dahil sa tanong ni Barbie. Oo nga noh. Ngayon ko lang naisip yun. Ngayon ko lang na-realize na possible threat si Julia sa "relationship" namin ni Dj. Shucks. Anong gagawin kooooo??

Dahil sa usapan namin kanina, napagdesisyunan nina Bea at Barbie na sasamahan nila ako sa training nina Dj. Pinapapunta kasi ako ni Dj eh. For sure may pinaplano na naman siya.

Pagdating namin dun, naabutan namin silang nagwa-warmup na.

“AHHHHHHH! Ang cool talaga ng Parking Five!!”

“Oo nga grabe! Pati ang gwapo nila lalo na si Batmanl!!”

“AHHHHHHH! Batman, tingin ka naman dito!!!”

I'm BATMAN's PropertyWhere stories live. Discover now