Chapter 40

2.6K 50 24
                                    

A/N: Hi readers! Pasensya na kung medyo delayed yung update ko ngayon. Nawalan kasi talaga ako ng inspiration magsulat nitong nakaraan eh. 'Di ko rin alam kung bakit :( Oh well. Short update lang muna. I hope you understand. Babawi na lang ako sa susunod na chapter ♥

__________________________________________________________

Napagdesisyunan kong maghanap ng ibang matutuluyan ko temporarily. Hindi kasi pwedeng dun na lang ako sa condo ni Seth. Ayokong ma-issue pa kami or something. Iwas gulo na rin. Mabuti na lang at pumayag si Julia na makitira muna ako sa bahay nila since out of the country ang parents niya at matatagalan pa raw bago sila bumalik sa Pinas dahil sa trabaho nila. So ayun, dun na muna ako magsstay sa guest room nila. Napag-usapan na rin namin yung hatian sa pagkain, kuryente, at tubig. All set na ako, isa na lang kulang.. yung mga gamit ko nasa condo unit pa ni Dj.

Papunta na ako ngayon dun para kunin yung mga gamit ko. Pagdating sa unit ni Dj, umasa akong hindi ko siya maaabutan dun pero nabigo ako. Nakita ko siyang nakaupo at tulala sa sofa. Mukhang malalim yung iniisip. Nasira ko nga yata yung train of thought niya pagdating ko dun kasi napatingin siya bigla sa akin.

“Kath!” Gulat niyang sinabi. Tumayo siya at agad na lumapit sakin. “Buti naman naisipan mo nang bumalik dito. Sabi ko na nga ba hindi mo ko kayang iwan eh.” Pabiro niyang sinabi.

“Dj, nandito ako para kunin yung gamit ko.”

“Ha? Bakit? San ka pupunta?”

“Hindi na ako pwedeng tumira dito kaya kukunin ko na lahat ng gamit ko.”

“Ano?! Bakit?? Pinapalayas ba kita?”

“Dj, naman! Kailangan ko ba talagang magpaliwanag? Basta aalis na ako.”

Dumiretso ako sa kwarto ni Dj para mag-impake ng gamit. Patuloy niya pa rin akong kinausap habang nag-iimpake ako.

“Eh san ka naman titira?! Sasama ka na ba kay Seth??”

This time hindi siya galit. Nagulat nga ako eh. Selos yung naramdaman ko mula sa kanya.

“Kina Julia muna ako habang wala pa yung parents niya.”

“Pano naman ako? Sino nang kasama ko dito?”

“Sanay ka naman mag-isa.”

“Kath naman.. please! Hindi na ba natin maaayos ‘to?”

“Dj, ano bang dapat ayusin?”

“Ito! Tayo!”

“Walang ‘tayo’, Dj! Ikaw na mismo nagsabi diba? At tsaka hindi pa ba malinaw yung nangyari nung isang gabi? Pinapili mo ako, diba? Pinaninindigan ko lang yung desisyon ko. Ayoko nang magpanggap na girlfriend mo.”

“Hindi. Hindi ako papayag!”

Bigla niyang inagaw sakin yung maleta at binalik lahat ng gamit sa cabinet.

“Dj anong ginagawa mo?!”

“Hindi ako papayag na iwan mo ko dito!”

“Dj ano ba! Tama na!”

Kinuha ko yung mga gamit ko pero mapilit talaga siya. Nag-agawan kami ng gamit hanggang sa ibagsak niya yung mga damit ko sa lapag.

“Edi sige! Umalis ka na! Bahala ka sa buhay mo!” Sigaw niya sakin sabay labas ng kwarto.

Pagkatapos kong mag-impake, lumabas na ako ng kwarto ni Dj at pumunta sa living room para magpaalam sa kanya. Nakaupo lang siya sa sofa habang nanonood ng TV.

I'm BATMAN's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon