Chapter 7

3.3K 58 13
                                    

Habang kumakain kami ng lunch nina Bea at Barbie, sinabi ko na sa kanila yung plano kong umamin na lang kay Enrique para matapos na ang lahat.

“Alam mo, agree ako diyan girl. Tama si Katsumi. Buti na lang sinabi niya yun sa’yo kahapon.” -Bea

“Kailan mo balak umamin kay Enrique?” -Barbie

“Mamaya siguro. Sana magkita kami. Aabangan ko na lang siya sa Archi steps.”

“Nako girl, good luck! Kaya mo yan!” -Bea

“At sana this time, wala nang mangyaring kapalpakan.” Nagtawanan tuloy kami dahil sa sinabi ni Barbie.

“Hoy, Kathryn! Sumama ka sakin.” Nagulat ako ng bigla na lang sumulpot si Daniel.

Eto na naman tayo sa ‘sumama ka sakin’ routine niya.

Hindi ako nag-react. “Hoy! Narinig mo ba yung sinabi ko?”

“Oo narinig ko. Malinaw na malinaw. Pero hindi ako sasama sa’yo.”

“Teka nga, mukhang nagkakalimutan tayo eh. Let me remind you. You’re mine. You’re my property.” Madiin niyang sinabi.

“Not anymore!” Nagulat siya sa sinabi ko. Kitang-kita naman sa reaksyon ng mukha niya. “Aaminin ko na kay Enrique na gusto ko siya kaya wala ka nang panghahawakan sakin.”

“Sasabihin mo sa captain ng basketball team na gusto mo siya? Tingin mo kaya mo yung gawin??”

Nakalimutan kong sabihin sa inyo, team captain si Enrique ng basketball. Sobrang cool niya talaga! ‘Di tulad ni Daniel na puro yabang lang. Pfft.

“Oo naman! Hindi mo na ko maaalila. I’ll never let you order me around again!” Hmp. Leche siya. Bahala siya sa buhay niya. “Tara na girls. Umalis na tayo dito.” Sabi ko kina Bea at Barbie sabay alis. Sinundan nila ako agad.

“Tapang mo, girl! Bilib na talaga ako sa’yo!” Sabi sakin ni Bea.

“Nakakapang-init ng dugo kasi yung Daniel na yun eh. Kung hindi lang naman niya hawak yung sulat ko kay Enrique, hinding hindi ako magpapaalila dun! Ngayon wala na siyang magagawa. Hindi na ako uurong. Kailangan ko nang umamin kay Enrique.”

Pumunta na ako sa Archi steps para abangan ulit si Enrique. Same time nung unang nag-abang ako dun para sa kanya. Kung gaano ako kakabado noon, halos ganun din ngayon, mas grabe pa nga yata eh!

Haaaay. Sana wala nang mangyaring masama ngayon. Please Lord, sana maging successful naman ako this time. Inayos ko na yung sarili ko. Naglagay ako ng pabango tapos halos laklakin ko na yung mouth wash ko kanina. Basta lahat ng pwede kong gawin para magmukhang presentable sa harap ni Enrique, ginawa ko na. ‘Wag lang maging fail yung pag-amin ko sa kanya, magiging maayos din ‘to.

Maya-maya, nakita ko na si Enrique na pababa ng steps. Huminga ako ng malalim tapos tinawag ko siya.

“Enrique!” Tumingin siya sakin at naglakad papunta sa direksyon ko.

“Uy, Kathryn. Ano yun?” Tanong niya sakin.

“Uhmm, Enrique. Ano kasi eh.. Uhhh.. Ano…” SHUCKS ANO BA ‘TO!!!!

“Teka, hindi kita maintindihan. Relax ka lang.”

Okay ‘te, kalma lang. Kalma. Kaya mo yan! Eto na… game!

I'm BATMAN's PropertyWhere stories live. Discover now