Chapter 9

3.3K 50 11
                                    

Pagkatapos kong kainin yung pagkaing binigay sakin ni Daniel, dumiretso na ako sa next class ko kaya lang, nalaman ko na free cut pala. Sakto tinext ako ni Enrique. Nagtatanong siya kung nasaan ako. Sabi ko wala akong class kaya magkita na lang kami sa Elden. Pagdating dun..

“Kumain ka na ba?” Tanong niya sakin.

“Oo. Grabe! Busog na busog ako!” Sabi ko sabay hawak sa tiyan. “Pinakain ako ni Daniel ng burger, fries, pati chicken plus kanin. Para akong nag-lunch at dinner ng isang bagsakan!”

 

“Daniel? ‘Di ba yun yung pinapalayo sa’yo nung Julia? Magkasama na naman kayo?”

 

“Ay, hindi ko pa pala nakukwento sa’yo.” Kinuwento ko kay Enrique yung nangyari dun sa sulat at kung paano ako naging property nung Batman na yun.

“Kung ganon, bakit hanggang ngayon sinusunod mo pa rin siya?”

 

“Dahil sa isang exchange coupon ng booth namin.”

 

“Ha?”

 

“Nabunot niya kasi yung master and angel coupon kaya kailangan ko siyang pagsilbihan sa loob ng isang linggo sa halagang seven thousand pesos.”

 

“Wow. Mukhang hindi ka makakatakas sa Daniel na yun ah.”

 

“Oo nga eh. Nakakainis! Ang malas ko talaga.”

Speaking of the devil, biglang sumulpot si Daniel.

“Hi Kathryn!” Sabi niya sakin. Ay, bait-baitan ang drama ni kuya?

“Anong ginagawa mo dito?! ‘Di ba may klase ka sa Rada??” Gulat kong tanong.

“Tinamad akong pumasok eh.”Tiningnan niya si Enrique. “Hindi mo ba ako ipapakilala sa kasama mo?”

“Uhmm, Enrique, si Daniel nga pala.”Nagulat si Enrique nung binanggit ko yung pangalan ni Daniel.

“Nice meeting you, bro.” Sabi ni Enrique sabay alok ng kamay niya kay Daniel. Tinitigan lang siya ni Daniel kaya binawi na lang niya yung kamay niya. Ang bastos talaga ng mokong na yun!

“Balita ko captain ka ng basketball team at sobrang galing mo raw.”Sabi ni Daniel kay Enrique.

Hinila ko palayo si Enrique at binulungan siya. “Wag kang magpapaniwala diyan. Binobola ka lang niya.”

“Si Kathryn nagsabi nun sakin. Pati mga kaibigan ko bilib sa’yo eh.”Wtf.

I'm BATMAN's PropertyWhere stories live. Discover now