Chapter 26

2.8K 45 14
                                    

Pagpasok ko sa unit ni Dj, hinanap ko agad siya. At ayun, nakita ko siya sa sofa..

mahimbing ang tulog.

Badtrip! Kung kailan handa na ako, biglang tulog na siya. Haaay. Kung minamalas ka nga naman oh. Ipagpapabukas ko na lang yung plano ko.. or not. Baka hindi ko na lang rin ituloy. Bahala na!

Kinabukasan, habang pababa ako ng hagdanan sa Urdaneta, may narinig akong dalawang babaeng nag-uusap.

“Hindi ka ba nawiwirduhan dun sa Julia na yun? Binayaran niya tayo para lang gulpihin siya.” -Girl 1

 

“Oo nga eh. Hayaan mo na, at least nagkapera tayo diba?” -Girl 2

Tapos nagtawanan na sila.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Planado lahat ni Julia yung nangyari?! Ganun siya kadesperada?? Hindi ko palalampasin ‘to. Kailangan ko siyang makausap.

Agad akong dumiretso sa tambayan at naabutan ko dun sina Katsumi at Julia. Sakto.

“Katsumi, pwede mo ba kaming iwan sandali ni Julia?” Sabi ko. “May kailangan lang kaming pag-usapan.”

Tumingin siya kay Julia tapos sakin. Tiningnan ko lang siya nang seryoso. Maya-maya, nagtataka na siyang umalis ng tambayan.

Nung kami na lang ni Julia ang naiwan, hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa.

“Planado mo lahat ng nangyari diba?”

Napangiti na lang siya. “Aba, nabuking na pala ako agad.” Buti naman at hindi na niya tinaggi.

“Bakit mo ginawa yun? Hahayaan mong masaktan yung sarili mo para lang makuha yung atensyon ni Dj?? Alam mo bang nag-alala sila talaga sa’yo?! Lalo na si Katsumi!”

“Gagawin ko lahat manatili lang ako sa puso ni Dj. Kahit saktan ko pa sarili ko at ang ibang tao, wala akong pakialam.” -Julia

“Pero inaabuso mo na yung kabaitan ni Dj!”

“Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan! Huh. Inggit ka lang dahil nasa akin ang atensyon ni Dj at wala sa’yo! Dahil alam mong hindi ikaw ang laman ng puso niya. Tama ako diba?” -Julia

Hindi ako nakasagot. Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya. At oo, tama siya. Naiinggit ako sa kanya. Nagseselos ako sa kanya. Dahil gusto ko, ako yung laman ng puso ni Dj. Gusto ko ako lang.

I'm BATMAN's PropertyWhere stories live. Discover now