Chapter 44

2.6K 48 57
                                    

A/N: Next week (Feb 10) pa yung sunod na update. Don't expect any updates this week since super busy ko sa school. May exam kasi ako sa Friday and Saturday. Ayun, ito muna for now. I-enjoy niyo na lang yung chapter na 'to :))

_______________________________________________________

Mula nung malaman ni Dj na nililigawan na ako ni Seth, hindi na siya pumayag na mag-stay pa ako sa condo niya. Bawas gulo na lang rin. Kumuha na siya ng private nurse para mag-alaga sa kanya. Dahil dun, bumalik na ako sa bahay nina Julia.

‘Di ko maiwasang i-compare si Seth kay Dj kahit na hindi ko naman talaga naging boyfriend o manliligaw man lang si Dj. Pagdating kay Seth, alam kong lahat totoo. Yung mga sinasabi niya sakin, yung actions niya, yung feelings niya, lahat yun totoo. ‘Di tulad pag kay Dj, hindi mo alam kung ano ba talaga. Isang bagay lang naman yung alam kong totoo pagdating kay Dj eh.. minahal ko siya. The rest I wasn’t sure of.

Pagbalik namin galing sa Christmas vacation, alam na ng lahat ng tao sa school na may something kami ni Seth. Hindi naman masyadong nagbago yung pakikitungo niya sakin. Sabay pa rin kaming pumupunta sa school, sabay mag-lunch, at hinahatid-sundo niya ako sa bahay nina Julia. Mas naging sweet at protective lang siya sakin ngayon kesa nung hindi pa siya nanliligaw.

Medyo awkward pa rin sakin kapag nagkakasama kaming tatlo nina Seth at Dj sa tambayan. ‘Di ko alam how to act normal towards Dj pero silang dalawa ni Seth, okay na okay naman.

“P’re kailan ba matatanggal yang cast mo?” Tanong ni Seth kay Dj.

“Ewan ko kay Doc. Sa March pa yata.” -Dj

“Eh kamusta naman yung nurse mo? Inaalagaan ka bang mabuti?” -Kats

“Onaman! Walang binatbat si Kathryn dun!” -Dj

Natahimik bigla yung lahat dahil sa sinabi ni Dj pero agad na nagbiro si Seth.

“Kath, ‘di ka pala marunong mag-alaga eh!” -Seth

“Bakit p’re, ‘di ka rin ba inaalagaan?” -Dj

“Hindi. Ako nag-aalaga diyan.” -Seth

“Nuks naman Sed! Ang baduy mo!” -Les

“Gago. Sweet lang ako. Tingnan mo ikaw, kaya hindi ka sinasagot ni Bea kasi ‘di ka marunong mag-alaga!” -Seth

“Eh bakit, sinagot ka na ba ni Kathryn??” -Les

“Dun na rin papunta yun! Eh ikaw? Gano katagal ka pang manliligaw kay Bea??” -Seth

“Teka, ba’t ba kasi nasama si Bea sa usapan?! Diba kayo ni Kathryn pinag-uusapan natin?? Wag ganun ‘pre!” -Les

Nagtawanan silang apat. Haay nako. ‘Tong mga ‘to talaga. Boys will be boys. Hahaha.

“Oo nga Kath. Pano ba manligaw ‘tong si Seth? Maalaga ba talaga?” Tanong ni Kats.

“Bakit ang chismoso niyo? Tigilan niyo nga ako. Paa ni Dj pinag-uusapan kanina, ba’t napunta sakin?” Sabi ko sabay behlat sa kanila.

“Eh lagi namang mapupunta sa’yo yung usapan basta si Dj.” -Les

Biglang binatukan ni Kats si Lester. Minsan talaga pasaway ‘tong si Les eh. Hindi muna nag-iisip bago magsalita. Pero tama naman siya, ganun nga raw madalas ang nangyayari, kwento sakin ni Kats.

After a few days, naging busy na yung buong barkada dahil sa nalalapit na 18th birthday nina Kats at Seth. Magkasunod kasi sila ng birthday eh. January 17 si Kats, 18 naman si Seth. Napagkasunduan nilang dalawa ng magkaron ng joint birthday celebration sa bahay nina Kats. Sa 17 ng gabi yung start ng cocktail party tapos hanggang 18 ng madaling araw na yun. Legal na raw sila eh kaya pwede nang pumarty. Haha. Lahat kami excited na para sa nalalapit na party!

I'm BATMAN's PropertyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang