Chapter 4

3.7K 55 18
                                    

Dinala niya ko sa tambayan ng gang nila. Dun sa isang malaking room sa Rada. Hanep din sila, sa kanila ‘tong lugar na ‘to. Haay. Ano ba ‘tong pinasok ko!

Lumapit sina Seth at Lester sakin. Si Katsumi naman, tahimik lang sa isang tabi.

“Ayos Dj ah. Sino ‘tong babaeng ‘to?” -Seth

“San mo naman siya napulot?” -Lester

“Tsaka bakit siya nanginginig??” -Seth

Sobrang lapit na nila sakin, halos malanghap ko na yung hininga nila!

“Siya si Kathryn Maralit, freshman din. At gagawin niya lahat para sakin.”

“Talaga? Kahit ano?” -Lester

“Kahit ano.”

Wala na kong nasabi. Tama naman kasi siya.

“Ayos! Patingin naman ng underwear!” Natutuwang sinabi ni Lester. Wtf! Mas malala pa yata sila sa demonyong yun eh!

“Gago ka, wala ka bang manners?!” Sabi ni Seth sabay batok kay Lester. Tumingin siya sakin. “Wag mo na lang siyang pansinin. Ako nga pala si Seth.” Nginitian niya ako. “Mabait ako, ‘wag kang matakot.” Tapos unti-unti niyang nilapit yung mukha niya sakin. Parang hahalikan niya ako! Omg. Akala mo mabait siya pero manyakis rin pala! Sobrang nanginginig na ko sa takot. Tulungan niyo kooooo!!!

Nagulat na lang ako nang bigla silang tinulak ni Daniel palayo sakin. Pinalibot niya yung left arm niya sakin na parang pinoprotektahan ako. Tapos nilapit niya yung katawan ko sa kanya.

“Tumabi nga kayo! Hindi niyo ba naiintindihan?! Akin siya! Sakin lang siya makikinig kaya huwag na huwag niyo siyang hahawakan!” Bigla siyang tumingin sakin at ngumiti. “Diba? Kapag sumuway ka sakin, alam mo na kung anong mangyayari.”Bulong niya sakin.

“Oo na! Iyong iyo ako! Susundin ko lahat ng iutos mo!” Nasabi ko bigla dahil sa takot. Then he gave me a big grin. Ugh. Nakakairita talaga!!! Napaupo na lang ako sa lapag in frustration.

“Tara na, pumasok na tayo.” Naglakad na sila palabas nung kwarto. “Hoy, Kathryn! Sumunod ka na palabas.” Utos niya sakin.

Nilapitan ako ni Katsumi tapos inabot niya sakin yung kamay niya. Tiningnan ko siya tapos ngumiti siya. Hinawakan ko yung kamay niya tapos tinulungan niya akong makatayo.

“Pagpasensyahan mo na sila ha. Natutuwa lang sila sa’yo pero hindi ka nila aanuhin. Ganun lang talaga yung mga yun. Makukulit sa harap ng babae.” Paliwanag niya sakin. “Ako nga pala si Katsumi. Kathryn, right?”

“Mmm.” Tumango ako. Infairness, mukhang naiiba ‘tong si Katsumi sa kanila.

Sabay kaming naglakad palabas ng tambayan nila hanggang sa pinakawalan na ko ni Daniel at pinabayaang pumunta sa klase ko. Dahil sa nangyari kanina, na-late tuloy ako sa Philo class ko. Buti na lang good mood si Prof Manuel kaya hindi ako nasabon. Hindi na rin naman ako nagde-daydream sa klase niya eh. Good girl na po ako.

Pagkatapos ng class namin ni Bea, dumiretso na kaming Cafe Iana para mag-lunch with Barbie. Pagdating namin dun, biglang naalala ni Bea na late ako sa class kanina tapos tinanong ako kung bakit. So kinuwento ko sa kanila yung very unfortunate event na nangyari sakin kaninang umaga.

“ANO?!” Sigaw nila.

“Naging property ka ni Daniel?!” -Barbie

I'm BATMAN's PropertyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora