Chapter 6

3.5K 49 5
                                    

Biglang lumapit sakin si Julia.

“Anong ginagawa mo dito? Hindi ba’t sinabi ko na sa’yong layuan mo si Dj?!”

“Hindi ko kasalanang nandito ako ngayon, okay?” Sagot ko sa kanya. “Hinatak niya ako papunta dito.”

Inirapan niya ako tapos umupo na lang siya malayo sakin.

Nagsimula na yung training nila kaya nagbasa na lang ako ng libro habang haghihintay. Hindi naman ako pwedeng umalis dito dahil siguradong mapapahamak ako. After 1 hour, nag water break muna sila. Lumapit silang lahat sa may bleachers dahil nandun yung iba nilang gamit. Nakita kong nilapitan ni Julia si Daniel.

“Dj, uminom ka muna oh.” Sabi niya sabay abot ng bote ng tubig kay Daniel.

“Hindi na, okay lang ako.” Nakita kong sumimangot si Julia.

“Julia, akin na lang!” Sabi ni Seth sabay kuha nung tubig. Uminom siya ng konti. “Kats oh! Gusto mo?”

Kinuha ni Katsumi yung tubig tapos uminom din siya.

Maya-maya, tumingin si Daniel sakin. “Kathryn! Yung tuwalya ko nga.” Utos niya.

Ano ba ‘to. Ang tamad naman! Kinuha ko yung tuwalya niya tapos inabot sa kanya.

“Punasan mo mukha ko.”Sabi niya.

“Ha??”

“Sabi ko, punasan mo mukha ko.” Wala ka bang kamay kuya?!? Haaay. Ginawa ko na lang yung gusto niya para matapos na. Dahil dun, tinitigan ako ng masama ni Julia. Nakakainis. Mapapahamak lang ako lalo dahil kay Daniel eh! Malas talaga ‘tong lalaking ‘to sa buhay ko! >:(

Sa wakas, natapos din yung training nila. Makakawala na ako kay Daniel... for today.

Kinabukasan, habang naglalakad ako sa Andrade, bigla akong hinarang ni Julia. May kasama pa siyang tatlong babae na hindi ko kilala. May dala siyang cake tapos tumigil siya sa harap ko at ngumiti.

“Ano na namang kailangan mo?” Tanong ko sa kanya.

“Wala naman. Nandito lang ako para ibigay ‘to sa’yo.”

“Para san yan?”

“Kapalit nung cream puffs na nasira ko nung isang araw. Sorry ah, nabigla lang kasi ako. Ayoko lang talaga ng may dumidikit kay Dj. Pero okay naman na. Nalaman ko kay Katsumi kung bakit lagi kang kasama ni Dj. Naiintindihan ko na ngayon.” Sabi niya sabay ngiti. “Ito oh, sana tanggapin mo yung sorry ko sa’yo.”

Napangiti ako. Mabait naman pala siya. “Wala yun.” Sabi ko. Aabutin ko na sana yung cake nang bigla niyang isampal yun sa mukha ko. Punong-puno na ngayon ng icing yung mukha ko. Wtf. Binabawi ko na agad yung sinabi kong mabait siya!

Nagtawanan lang sila ng mga kasama niya.

“Oops. Sorry. Nadulas ako eh.” Sabi niya in a sarcastic tone. Argh. Grabe bruha siya! Ang sama ng ugali niya! Pasalamat siya hindi ako pinalaki ng magulang ko na palaaway. Kundi, nasabunutan ko na talaga siya pag nagkataon!

“Thank you ha. Masarap yung cake.” Sabi ko sabay ngiti ng malaki. Akala niyo maapakan niyo ko ng ganun ganun lang? Hmp!

Inirapan lang niya ako ulit tapos sabay-sabay silang umalis ng mga kasama niya.

Nagmamadali akong naglakad papuntang CR. Badtrip, ang layo pa naman nun! Pinagtitinginan na ko ng mga tao dito. Grabe nakakahiya! -_____________-’

I'm BATMAN's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon