Chapter 45

2.4K 41 23
                                    

Daniel’s POV

“Why did you just do that?” Tanong sakin ni Julia matapos kong ikwento sa kanila ni Kats yung nangyari.

“Because I love her, and I can’t make her happy.”

“Don’t you want her back?” -Kats

I sighed. “I just want her to be happy.”

“You think she’s happy right now?” Naiinis na sinabi ni Julia. “Umiiyak siya sa labas ngayon, Dj! Mabuti na lang at nandun si Seth to comfort her.”

“That’s exactly my point. I always make her cry. And Seth, he does the complete opposite.”

“Pero pare, mali pa rin yung nagsinungaling ka sa kanya.” -Kats

“Mabuti na yung ganun. Kesa magkalabo-labo pa sila ni Seth nang dahil sakin. At least now she’s free. Her feelings for me won’t hold her back anymore. Pwedeng pwede na niyang mahalin si Seth. She can finally be happy.”

“Can’t she be happy with you?” -Julia

“Just stop it, okay?” I finally said. “It’s over.”

Yeah right. Now I’m even lying to myself. Of course it’s not over! I still love her. I already did from the very start. Maybe I just wasn’t aware of it but now that I am, it’s all too late.

Wala na akong magagawa kundi tanggapin na hindi na siya mapapasakin.

“I’m sorry I ruined your birthday.” Sabi ko kay Seth pagkatapos magsiuwian ng mga tao.

“Ha? Ano bang pinagsasabi mo diyan, Dj?” -Seth

“Eh pano, umiyak si Kathryn. Nawala tuloy yung partying mood mo. Dapat talaga hindi na ko pumunta dito eh.”

“Sira ka ba? Tropa tayo noh! Dapat lang na nandito ka.” -Seth

“At tsaka minsan na nga lang tayo makumpleto, Kuya. ‘Wag ka nang magdrama diyan. Magiging okay rin si Kathryn.” -Jc

“Tomooo! Makinig ka rito sa utol mo.” -Les

“Sus! Palibhasa masaya ka ngayon.” -Kats

“Masaya TAYONG LAHAT ngayon. Diba? Bawal malungkot sa birthday namin ni Kats!” -Seth

“O game! One, two, three! Parking Fiiiiiive..” -Les

“UNITE!” -all

Hinatid na namin yung mga babae sa bahay nina Julia. Dun muna silang lahat matutulog ngayon para sabay-sabay silang makapasok mamaya. Oo, ilang oras na lang may klase na kami. Pero wala lang yun samin! Kahit mapuyat pa kami, at least nag-enjoy sa party.

Hindi kami nagpansinan ni Kath sa Comm 3 class kanina. Hindi ko kasi alam kung pano ko siya kakausapin. Kung okay na ba siya o kailangan ko pang lumayo. Haaay. Ang hirap pala! ‘Di ko na naisip yung consequences ng ginawa ko. Basta ginawa ko na lang para matapos na. Para maging masaya na siya. Sana lang tama yung ginawa ko. Sana maging masaya na siya.

Kathryn’s POV

February 8, 2013 naging kami ni Seth – three weeks pagkatapos ng huling pag-uusap namin ni Dj. Oo, hanggang ngayon hindi pa rin kami nag-uusap. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanya eh. Hindi ko alam kung magagalit, maiinis, o magpapasalamat ba ako sa kanya dahil sa mga nangyari.

I'm BATMAN's PropertyWhere stories live. Discover now