Chapter 25

2.7K 42 4
                                    

Inirapan ako ni Julia sabay walkout. Pero hindi pa siya nakakalayo nang bigla siyang harangan nung isang babae kanina.


“Hoy ikaw! Ang kapal din ng mukha mong pahiyain kami kanina. Freshie ka lang!” -fangirl 1

Bigla niyang hinawakan yung ulo ni Julia tapos inuntog siya sa pader. Napaupo si Julia sa lapag tapos nagsidatingan na yung ibang fangirls. Pinagtulungan nila si Julia. Nataranta ako bigla.

“Tama na yan!” Sinubukan ko silang pigilan pero tinulak lang ako nung isa palayo.

“Wag kang mangialam dito! Hindi ikaw ang pakay namin.” -fangirl 2



Tumakbo ako pabalik sa field para humingi ng tulong. Nakita ko agad si Dj.

“Bakit ka tumatakbo?” Tanong niya sakin.


“Si Julia..” Sabi ko habang naghahabol ng hininga. “Pinagtutulungan sa may locker room!”

Sa isang kisapmata mata, wala na si Dj sa harap ko. Tumakbo na siya agad papunta sa locker room kasama sina Katsumi, Seth, at Lester. Sinundan ko sila agad.



Pagdating dun, nakita kong sinigawan ni Dj yung mga nanggugulpi kay Julia.

“Itigil niyo yan!!” Galit niyang sinabi. “Umalis na kayo baka patulan ko pa kayo!”

Nagsitakbuhan palayo yung mga babae at naiwan kaming anim dun. Ako, si Dj, Julia, Katsumi, Seth, at Lester.


“Julia!” Sigaw ni Dj.

Nilapitan nila si Julia na ngayon ay nakaupo pa rin sa lapag. May dugo sa labi niya.

“Okay ka lang?!?” Nag-aalalang tanong ni Dj.

Inangat ni Julia yung ulo niya. “Dj..” Ngumiti siya. “Niligtas mo na naman ako.”

Bigla niyang niyakap si Dj. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib nung nakita ko yun.

“I was so scared.” Sabi ni Julia habang nakayakap pa rin kay Dj.

“Ikaw naman kasi eh. Ang hilig mong makipag-away pero kapag ginantihan ka, hindi mo naman mapagtanggol yung sarili mo. Sinabihan na kita diba? ‘Wag mo nang uulitin yun.” -Dj

Tumango lang si Julia.

Ngayon ko lang nakitang magalit ng ganun si Dj. Yung reaksyon niya kanina. Parang galit na galit siya nung makita niyang sinasaktan si Julia.

Tumayo na silang dalawa.

“Seth, kayo na muna bahala sa gamit ko. Dadalhin ko lang si Julia sa clinic.” -Dj

I'm BATMAN's PropertyWhere stories live. Discover now