Chapter 42

2.5K 45 23
                                    

“Hindi ako makapaniwalang hinamon ni Dj si Seth sa isang one hundred meter dash.” Sabi ni Julia habang kumakain kami ng dinner sa bahay.

“Bakit? Parehas naman silang varsity players ng track and field diba?”

“Oo. Pero iba kasi si Seth eh.”

“What do you mean iba si Seth?”

“All-time champ siya ng highschool regionals. Wala pang nakakatalo sa record niya mula nung sumali siya sa competition. Every year, siya lang rin ang tumatalo sa sarili niyang record.”

O-M-G. I didn’t know he was that good! O_____O

“Talaga?? Eh bakit siya hinamon ni Dj kung alam niyang lamang naman pala talaga si Seth sa kanya??”

“Exactly. Kaya nga ako nagtataka eh.”

“Bakit ba nila kailangang maglaban in the first place?”

“Nobody knows. But I’m guessing may kinalaman yun sa’yo.”

“Ako? Bakit naman ako??”

“Ano ka ba, Kath! Ano pa ba yung ibang bagay na paglalabanan nila? Aside from the arts at pagbabanda, ikaw na lang naman yung gusto nila pareho. Well, plus track and field nga pala.”

“So ano yun, pa-contest? Ang manalo, makakakuha sakin?? Wow. Ginawa na talaga akong laruan. Para akong jackpot prize sa lotto.”

“Hindi naman sa ganun.” Paliwanag ni Julia. “You know, guys have their own way of settling issues. Baka ito ang naisip na paraan ni Dj para matapos na yung friction sa inyong tatlo. At para once and for all, malaman na kung kanino ka ba talaga dapat.”

“Ang pangit pa rin pakinggan.” -_______-

“Alam mo naman yung ibig kong sabihin eh.”

I sighed. “Okay, okay. I understand. Sana lang walang mapahamak sa gagawin nila.”

“Pano naman sila mapapahamak? Tatakbo lang sila. They’ve done that a million times.”

“Sa bagay.”

Well, yun yung akala namin. Walang mapapahamak sa kanilang dalawa. But we were wrong.

Dead wrong.

Daniel’s POV

Eto na talaga. Wala nang atrasan ‘to. Maya-maya lang magkakaalaman na.

Nagsimula na akong mag-warmup habang si Seth naman, ayun, kausap pa rin si Kathryn. Wala akong pakialam kung siya yung nasa tabi ni Kath ngayon. Basta ang alam ko lang, kailangan kong manalo.

Pero sa totoo lang, ang hirap mag-concentrate dahil sa ingay ng mga tao dito. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kami nagkaron ng audience. Apparently, meron palang isang chismosang fan na nakarinig sa usapan namin ni Seth nung isang araw kaya ayun, pinagkalat yung balita sa buong campus! Sobrang lala nga eh, may mga banner pa talaga sila. ‘Team Batman’ at ‘Team Black Santa’ yung nakalagay. Ang pangit tuloy ng dating na parang magkaaway kami ni Seth talaga. Eh hindi naman. Bilang mga lalaki, kailangan lang talaga naming gawin ‘to. Para matapos na.

“Good luck Batman!”

“Galingan mo!”

“We’re rooting for you!”

I'm BATMAN's PropertyWhere stories live. Discover now