Chapter 35

2.7K 44 16
                                    

“D-Dj?! Kanina ka pa ba diyan??” Gulat kong tanong.

“Oo.” -Dj

“Nasan si Julia?” -Kats

“Iniwan ko sa canteen habang bumibili siya ng pagkain. Masyadong madaldal eh. Alam kong may tinatago siya kaya pumunta ako dito.” -Dj

“Sabi sa’yo dapat ikaw na lang yung nagbantay kay Dj eh!” Sabi ni Seth kay Kats.

“Aba nanisi ka pa? Eh si Julia naman yung nagpumilit na siya na sumama kay Dj.” -Kats

Tiningnan ko ng masama sina Seth at Kats para tumigil na sila sa pagtatalo nila.

“Ano ngang meron kay Albie??” Naiinip na tanong ni Dj. “Tsaka anong nangyari sa mukha mo, Seth? Sinong kaaway mo?”

“Tanong mo diyan.” Sabi ni Seth sabay turo kay Lester.

Lahat kami tumingin kay Lester. Alam naming siya lang yung makakapagpaliwanag ng maayos kay Dj dahil siya naman talaga ang nakakaalam ng lahat.

Nung natapos nang magpaliwanag si Les, galit na galit si Dj.

“Gago pala sila eh! Ano bang gusto nila, ha?! Ayaw o gulo?! Papatulan ko talaga sila!” -Dj

“Huminahon ka nga, Dj. Walang magagawa yung pagiging aggressive mo.”

“Tumahimik ka kaya. Wala ka namang alam dito eh.” -Dj

“Daniel, ano ka ba. Concerned lang naman sa’yo si Kath. Wala naman talaga siyang kinalaman dito pero nadamay pa rin siya. Tingnan mo nagkagalos pa dahil dun!” -Bea

“Bea!” Tiningnan ko siya ng masama.

Ano ba yan, girl. Sana tumahimik ka na lang. Lalong magagalit si Dj niyan eh.

“Sabi mo sakin nadapa ka lang!” -Dj

Napayuko na lang ako.

“Anong ginawa nila sa’yo, ha?!” Galit na tanong ni Dj. “Bakit ba lahat na lang kayo nagsinungaling sakin?! Wala ba talaga kayong balak sabihin sakin yung totoo??”

“P’re, sasabihin din namin sa’yo. Inalam lang namin kay Les yung totoo.” -Seth

“Hindi naman kasi dapat sa ganitong paraan mo malalaman eh.” -Kats

“Oh eh anong balak niyo ngayon? Hahayaan na lang natin silang manggulo satin??” -Dj

“May naisip akong paraan.” Sabi ni Les.

Nag-usap na silang apat sa dapat nilang gawin. Pinalabas nila kaming dalawa ni Bea sa tambayan. Usapang lalaki raw. Hindi ko alam kung anong balak nilang gawin pero malalaki na sila. Kaya na nila sarili nila. ‘Wag lang talaga silang pagtulungan ng buong frat. Hindi nila kakayanin yun.

Daniel’s POV

Nag-aabang na kami ngayon sa pinag-usapan nilang lugar. Nakatago kaming tatlo nina Seth at Kats habang si Les naman, nandun sa bukana. Hindi na namin sinama sa gulo si Jc dahil kagagaling lang niya sa sakit. Baka mapano pa siya. Sa totoo lang, hindi naman kami nandito para manggulo. Nandito kami para tapusin yung gulo.

Maya-maya, dumating na yung apat na lalaking gumulpi kay Seth.

“Nasan na yung babae?” Tanong nung isa.

I'm BATMAN's PropertyWhere stories live. Discover now