Chapter 17

2.9K 49 14
                                    

 “Ano yung gusto mong sabihin?” Tanong ni Enrique.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya. “Itigil na natin yung kung anumang meron tayo.” Nagulat siya. Kitang kita ko sa reaksyon ng mukha niya.

“Anong sinasabi mo, Kathryn? Hindi kita maintindihan.”

Napayuko na lang ako. “Kasalanan ko ‘to. Hindi ko napigilan yung sarili ko.” Nanginginig ako. It took me a lot of courage just to tell him this...

“Enrique, may gusto na akong iba.”

Wala siyang sinabi kaya nagpatuloy lang ako. “Napaka-inconsiderate ko. Pero kapag pinagpatuloy pa natin ‘to, lalo lang kitang masasaktan.”

“Si Daniel ba?” Tanong niya. “Si Daniel ba yung gusto mo?”

I sighed.

“Oo.”

Hindi pa rin ako makatingin sa kanya. There was a moment of silence until he broke it.

“Okay lang. It doesn’t matter. After all, wala naman akong gusto sa’yo.”

And with that, he left.

Ang sakit. Ang sakit sakit. Kinailangan kong magsinungaling sa kanya dahil yun ang gusto ni Daniel. Parte ‘to ng pagpapanggap ko bilang girlfriend niya. Pumayag ako sa gusto niya dahil wala na akong ibang choice. Kung anu-anong pagbabanta yung sinabi niya sakin para lang mapapayag ako.

Hindi ko na napigilan yung luhang bumagsak galing sa mata ko. Nasaktan ako sa ginawa ko pero mas nasaktan ako sa sinabi ni Enrique. Hindi niya ako gusto. Sinabi niyang hindi niya ako gusto.

Parang naninikip yung dibdib ko. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang pigilan yung nararamdaman ko kaya napaupo na lang ako. Umiyak ako sa tabi. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa wala na akong maiiyak. Hanggang sa wala nang pumatak na luha galing sa mga mata ko. Hanggang sa matanggap ko na wala na si Enrique.

Tinipon-tipon ni Daniel yung Parking Five sa Elden. Nandito kaming lahat ngayon, pati si Julia.

“Dj, anong meron? Bakit mo kami pinatawag dito?” Tanong ni Seth.

“May importante akong sasabihin.”

“Ano naman yun?” -Lester

“Basta. Makinig na lang kayo.”

Tumayo siya sa isang table sa gitna ng Elden at tinawag yung atensyon ng lahat ng taong nandun.

“Makinig kayong lahat! I have a very important announcement to make.”

Natahimik yung mga tao sa Elden. Lahat nakatingin kay Daniel. Naghihintay ng kung anumang sasabihin niya. Tumingin siya sakin at inabot ang kamay niya. Pinapaakyat niya ako sa table. Ginawa ko naman. Narinig ko yung bulung-bulungan ng mga tao. Lahat sila walang idea sa kung anong nangyayari.

Bigla akong inakbayan ni Daniel at sinabing.. “Kami na ni Kathryn Maralit.”

“What?!” Sigaw ni Julia.

Kitang kita ko sa mukha ng mga tao na nagulat sila. Napatingin ako kina Bea at Barbie na nandun din nung mga panahong yun. They gave me this are-you-kidding-me look.

“That’s right.” Continued Daniel. “Kaya kung sinuman ang magtangkang kumalaban sa kanya, humanda kayo dahil ako ang makakaharap niyo.”

“You must be kidding, Dj. This is just a joke, right?” -Julia

“Of course not! Girlfriend ko si Kathryn.” Tumingin siya sakin. “Diba?” He gave me an evil smile.

I nodded.

Nag-walkout si Julia at sinundan siya ni Katsumi. Halatang sobrang disappointed si Julia sa nalaman niya. Bumaba na si Daniel sa table tapos inalalayan niya ako. Gusto ko pa sanang lapitan sina Bea at Barbie para magpaliwanag sa kanila pero inakbayan na ako ni Daniel at dinala palabas ng campus.

“San tayo pupunta?” Tanong ko.

“Ihahatid kita sa inyo.”

“Bakit?”

“Anong bakit?? Girlfriend kita diba?! Edi malamang normal lang yung ihatid kita sa inyo! Ano ka ba!” Galit na agad siya niyan? OA ah. “Galingan mo naman ng konti yung pagpapanggap. Dapat realistic tayo.” Bulong niya. “Mula ngayon, ‘Dj’ na ang itatawag mo sakin. Lalo na kapag nasa harap tayo ng ibang tao.”

Tumango lang ako.

Ilang araw na ang nakalipas mula nang huli kong makita si Enrique. Nakakapagtaka. Parang hindi ko na siya nakikita kahit saan sa campus. Hindi ko naman siya pwedeng itext dahil pinagbabawal ni Daniel. Ay mali, Dj pala. Ugh. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay na tawagin siyang ‘Dj’. At hindi pa rin ako makapaniwalang for the nth time..

I’M BATMAN’S PROPERTY  -_____________-’

Pagdating ng lunch break, naglakad na kami ni Bea papuntang Cafe Iana. Pinagpaalam ko na ‘to kay Dj at pumayag naman siya. Oo, lahat ng bagay pinapaalam ko pa sa kanya. Parang totoong boyfriend talaga. Nakakaloka!

Nasa may Elden pa lang kami nang bigla kaming sinalubong ni Barbie.

“Kath!” Tumakbo siya papunta samin.

“O, Barbie. Anong meron?”

“Nabalitaan mo na ba?” Hinihingal niyang sinabi.

“Ang alin?”

“Wala na si Enrique.”

“HA?!” Sabay naming sigaw ni Bea.

“Nag-dropout siya sa school.”

“Ano?!” Si Bea na lang yung naka-react ngayon.

“Nabalitaan ko sa classmate kong orgmate ni Enrique. Nag-file daw siya ng dismissal last week.”

Last week? Yun yung week na sinabi ko kay Enrique na may gusto na akong iba.

“Bakit daw?” Tanong ni Bea.

“Hindi rin niya alam eh. Biglaan daw yung nangyari. Hindi na rin nga nakapagpaalam si Enrique sa kanila.”

Teka lang. Hindi ko ma-absorb yung naririnig ko. Umalis si Enrique? Umalis siya ng hindi man lang nagpapaalam??

“Kath, may nasabi ba sa’yo si Enrique tungkol dito?” -Bea

“Oo nga, Kath. Hindi ba siya nagpaalam sa’yo?” -Barbie

“H-hindi eh.” Mahina kong sagot. “Mula nung araw na sinabi ko sa kanyang may gusto na akong iba, hindi na ulit kami nakapag-usap.”

“Grabe. Ano kayang nangyari kay Enrique?” Tanong ni Bea.

Yun din ang gusto kong malaman. Anong nangyari sa’yo, Enrique? Bakit ka umalis nang hindi man lang nagpapaalam? Ganun ba kalaki ang galit mo sakin?

Bakit, Enrique? Bakit?

I'm BATMAN's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon