Chapter 28

2.9K 50 19
                                    

Daniel’s POV

Hindi pwedeng may mangyaring masama kay Kathryn. Hindi pwede. Hindi ako papayag!

Tumakbo ako palabas ng condo. Habang tumatakbo, si Kathryn lang yung iniisip ko. Tumakbo ako ng mabilis na mabilis hanggang sa natanaw ko na sila sa malayo. Parang nag-uusap. Pero napansin kong may hawak si Kats. Hindi maganda ‘to. Kailangan ko pang magmadali.

Nung medyo malapit na ako, nakita kong papaluin na ni Kats si Kathryn gamit yung lead pipe na hawak niya. Sht.

Hindi ako aabot.

Yun ang akala ko.

I made it just in time. Napigilan ko si Kats. Kinuha ko yung hawak niyang pipe tapos binato ko sa tabi. Binigyan ko siya ng isang malakas na suntok sa mukha. Napadapa siya sa lapag. Hinarap ko siya sakin tapos kinwelyuhan ko siya.

“Gago ka ba?! Kung may galit ka sakin, ako yung puntiryahin mo! ‘Wag mong idamay si Kathryn!”

“Mas gago ka! Mahal ka ni Julia pero anong nakukuha niya sa’yo, ha?! Wala! Suklian mo naman yun!”

“Anong gusto mo?! I-date ko siya out of pity?! Ganun ba?!”

“Ikaw lang nagpapasaya sa kanya, Dj! Bakit hindi mo siya magawang mahalin?!”

“Wala kang karapatang mamili ng taong mamahalin ko! Wala kang alam sa pagmamahal!”

“Anong ako?? Ikaw!” Tumayo kami pareho. “Ikaw yung walang alam!” Sinuntok niya ako sa tiyan. “Hindi mo alam yung pakiramdam na yung mahal mo, sinasaktan lang ng iba!” Tapos sa mukha. “Dj, wala kang alam! Ni hindi ka pa nga nagmamahal eh!”

Tiningnan ko siya sa mata.

“Ano naman kung ganun?! Ganito ka ba magmahal?? Eh mas malala ka pa sakin!” Ginantihan ko rin siya ng suntok sa mukha.

Sinuntok niya ako. Sinuntok ko siya. Gumanti siya. Gumanti ako. Paulit-ulit lang. Hanggang sa nabigyan ko siya ng isang malakas na suntok na kinabagsak niya.

“Tama na yan!! ‘Wag na kayong mag-away!” Sigaw ni Kathryn sa gilid. Pero hindi ko siya pinansin.

Hindi ko na napigilan yung sarili ko kaya kinuha ko yung pipe.

“AAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!”

Papaluin ko na sana si Kats nang biglang humarang si Kathryn. Napahinto ako. Sobrang lapit lang nung pipe sa ulo ni Kathryn. Buti napigilan ko.

Tumingin siya sakin.

“Dj, tama na. Kapag tinuloy mo ‘to, magagalit ka lang sa sarili mo. Ayokong makita ka in regret.”

Dahil sa sinabi niya, binitawan ko yung pipe. Kinuha ko yung kamay niya tapos itinayo ko siya sa tabi ko. Hawak hawak ko pa rin yung kamay niya.

“Kapag sinubukan mong saktan ulit si Kathryn, hinding hindi kita mapapatawad. Kalimutan mo nang magkaibigan tayo kapag nangyari yun.”

Tumalikod ako’t hinila si Kathryn palayo kay Kats. Hindi ko binitawan yung kamay niya. Sinabi ko sa sarili kong hindi ko siya bibitawan hangga’t hindi ko nasisigurong malayo na siya sa panganib. Hinding hindi ko hahayaang masaktan siya nang dahil sakin.

Kathryn’s POV

Binitawan na ni Dj yung kamay ko tapos bigla niya akong inakbayan habang naglalakad. Nanginginig pa rin yung tuhod ko dahil sa nangyari.

I'm BATMAN's PropertyWhere stories live. Discover now