Chapter 19

2.9K 55 11
                                    

Daniel’s POV

Pumunta akong ospital para mapa-checkup yung na-sprain kong ankle. Sabi kasi ng doctor, bumalik daw ako after one month para ma-assess kung fully recovered na ba ako.

Pagdating ko dun, nakita ko si Kathryn sa cashier.

“Ma’am, kailangan niyo po munang bayaran yung medical expenses bago namin ma-release yung nanay niyo sa ospital.” Sabi nung kahera.

“Sige po, gagawan ko po ng paraan. Susubukan ko pong magbayad bukas.” -Kathryn

“Ipapaalala ko lang po sa inyo, habang tumatagal yung pag-stay ng nanay niyo dito sa ospital, palaki rin po ng palaki yung babayaran niyo.” -cashier

Tumango lang siya tapos umalis na.

Sinundan ko siya papuntang lobby pero nagdahan-dahan lang ako para hindi niya ako makita. May tinawagan siya.

“Hello? Tita Rose, si Kathryn po ito... Opo.. Ano po kasi eh, baka po pwedeng makahiram ng pera sa inyo? Si Mama po kasi hindi ma-discharge sa ospital... Ah, ganun po ba?... Sige po, salamat na lang.”

Mukhang may financial problem siya ngayon ah. Hindi niya nabanggit sakin na nasa ospital pala yung nanay niya.

Pumunta siya dun sa may ATM machine sa lobby. Sinubukan niya yatang mag-withdraw pero wala naman akong nakitang lumabas na pera galing sa machine. Malungkot siyang umalis ng ospital pagkatapos nun.

Kathryn’s POV

Ano nang gagawin ko? Wala akong mahiraman ng pera. Haaaay. Kahit si Kuya walang magawa.

Kinabukasan, bumalik ako sa ospital pero wala pa rin akong pambayad. Kinausap ko yung kaherang kausap ko kahapon.

“Ate, baka po pwedeng sa makalawa na lang ako magbayad? Wala pa rin po kasi akong pera ngayon eh.” Sabi ko.

“Ay Ma’am, nabayaran na yung bill ng nanay niya. Pwede na siyang umuwi ngayon.” -cashier

“Ha?” Nagulat ako sa sinabi niya. Pano nangyaring nabayaran na yung medical expenses ni Mama? “S-sino pong nagbayad?”

“Naku, hindi ko alam eh. Walang nakalagay na pangalan sa receipt.”

“Ahh, sige po. Salamat.”

Hindi pa rin ako makapaniwala. Binayaran kaya ni Kuya? Saan naman siya nakakuha ng pera? Haaay. Bayaan ko na nga. Ang mahalaga, makakalabas na si Mama. Makakauwi na siya sa bahay. Kung sinuman yung nagbayad, nagpapasalamat ako. Haay. Ang swerte ko naman! Thank you, Lord.

Pag-uwi ko sa boarding house, nakita ko yung mga gamit ko na nakakalat lang sa labas. Nagtaka ako. Anong meron? Pumasok ako sa loob at nakita ko si ate Vicky.

“Ate Vicky, bakit po nasa labas yung mga gamit ko?” Tanong ko.

“Pasensya ka na Kathryn ah, napag-utusan lang ako. Nalaman kasi ng may-ari na hindi ka nakapagbayad ng rent nitong nakaraang buwan. Naging mahigpit na kasi sila ngayon eh. Hindi na sila pumapayag na may tumira ditong hindi nagbabayad.”

“Pero magbabayad naman po ako. Na-delay lang dahil naospital si Mama.”

“Sinabi ko rin yun sa kanila pero hindi sila pumayag eh. Pasensya ka na talaga Kathryn. Baka mawalan ako ng trabaho kapag hindi ko sila sinunod.”

Wtf. Pinalayas ako sa boarding house. Binabawi ko na yung sinabi ko kaninang swerte ako. Ito siguro yung kapalit ng pagbayad ng bill ni Mama sa ospital, ang pagkawalan ko ng tirahan. Huhuhu. Saan ako matutulog nito? T___________T

I'm BATMAN's PropertyWhere stories live. Discover now