Chapter 41

2.5K 40 11
                                    

Palabas na sana ng pintuan si Dj nang tawagin ko siya.

“Dj!” Tumigil siya saglit at lumingon sakin. “May class ka ba?”

“Wala. Pupunta akong tambayan.”

“Tara, sabay na tayo!” Sabi ko tapos lumapit ako sa kanya at sinabayan siyang maglakad.

“Kamusta ka na?” Tanong ko habang patuloy lang kami sa paglalakad.

“Ok lang. Parati akong nasa labas. Nakakabagot kasi sa condo, mag-isa lang ako dun.”

Naalala ko yung araw na nagpaalam ako sa kanya. Yung araw na umalis ako sa poder niya. Naalala ko pati yung sakit. Yung sakit na naramdaman ko dahil ang hirap niyang iwan.

“Bakit hindi ka man lang dumalaw samin?”

“I had a feeling I wasn’t welcome there.”

“Bakit naman?”

“Nagka-amnesia ka ba, Kath?” Sarcastic na tanong niya sakin. “Nakalimutan mo na ba kung paano ka nagpumilit na umalis sa condo kahit na nagmakaawa ako sa’yong ‘wag mo kong iwan? Anong gusto mong gawin ko? Puntahan kita sa bahay nina Julia at ipagpilitan na naman yung sarili ko sa’yo?”

“Dj, hindi naman 

“May pride din naman ako, Kathryn.”

Natahimik na lang ako. Naramdaman ko yung sakit sa sinabi ni Dj. For the first time ever, alam kong nasaktan ko siya — and I felt bad for that.

Pagdating sa tambayan, naabutan namin dun sina Katsumi at Julia.

“Uy! Nag-lunch na ba kayo?” Tanong samin ni Julia.

“Hindi pa.” -Dj

“Tara kain tayo! Sakto papunta kami ni Juls sa canteen.” -Kats

“Uhm, sige kayo na lang. Hintayin ko na muna si Seth dito.”

“Sumabay-sabay ka pa sakin papunta rito tapos hihintayin mo lang pala si Seth??” Iritableng sinabi ni Dj.

“Tsaka wala bang klase si Seth? Diba may FA 11 siya ngayon?” -Julia

“Oo nga pala, nawala sa isip ko.”

Haaay. Ayoko lang kasi talagang makasabay silang kumain sa canteen kasi parang ang awkward namin ni Dj kaya gumawa na lang ako ng dahilan. Kaya lang ‘di ako nakalusot.

So ayun, sabay-sabay kaming apat na kumain sa canteen. Tinginan na naman yung mga tao kasi magkasama kami ni Dj. Magkatabi nga kami kumain pero ‘di naman kami nagpapansinan.

Pagkatapos kumain, bumalik kami sa tambayan at ayun, kinausap niya ako ng seryoso.

“Ano bang meron sa inyo ni Seth?” Tanong niya habang nakaupo kami sa sofa. “Kayo na ba?”

“Ha?? Hindi ah! Hindi kami ni Seth.” Defensive kong sagot. Malayo sina Kats at Julia samin kaya nakakapag-usap kami ng ganito.

“Nililigawan ka ba niya?”

“H-hindi ko alam.”

Sa totoo lang, tanong ko rin yan sa sarili ko eh. Nililigawan nga ba ako ni Seth? Ano bang meron sa aming dalawa? Ang alam ko lang, mahal niya ako at pinapakita niya yun araw-araw. Eh ako ba? Mahal ko na rin ba siya?

I'm BATMAN's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon