Chapter 1

5.4K 71 14
                                    

“Kathryn, gusto kita.” Yun ang mga katagang narinig ko galing kay Enrique. Hinawakan niya ang mga kamay ko, tila naghihintay ng sagot mula sakin.

Dahan dahan kong binuksan ang aking mga labi at sinabing “Gusto rin kita, Enrique.”

Pagkasabi ko nun, bigla niya akong niyakap. Haaay. Ang sarap ng yakap ni Enrique! Niyakap ko rin siya pabalik. Amoy na amoy ko na yung pabango niyang lagi kong napapanaginipan. Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin, hinawakan niya ang mukha ko at mistulang hahalikan na niya ako ng biglang...

 “KATH!”Sigaw sakin ni Bea sabay kalabit sa balikat ko.

Bumalik ako sa real world. Bv naman! Bakit ba iniistorbo nitong si Bea yung pagde-daydream ko?! Kung kailan nandun na sa magandang part, tsaka pa nawala! Nakakainis naman oh!

“Huy, Kath! Ano ka ba! Kanina ka pa tinatawag ni sir.” -Bea

“Miss Maralit, kung magde-daydream ka lang dito sa klase ko, you better go outside!” Galit na sabi ni Professor Manuel sakin.

“S-sorry po, sir.” Mahina kong sinabi.

“Now back to my question! Who is the Father of Modern Philosophy, Miss Maralit?” Tanong sakin ni Professor Manuel. Buti na lang nag-aral ako beforehand!

“Rene Descartes po, sir.”

“May alam ka naman pala. Pero first week pa lang ng class, puro pagde-daydream na ang inaatupag mo. You better change your attitude, Miss Maralit, if you want to survive college.”Haaay. Bakit ba laging galit siyang galit?

“Opo, sir. Sorry.” Sabi ko.

After a few minutes, dinismiss na kami ni sir. Habang palabas pa lang kami ng classroom, inintriga na agad ako ni Bea tungkol sa daydream ko.

“Tungkol san ba kasi yung daydream mo kanina at parang ayaw mo nang bumalik sa real world?” Excited niyang tanong sakin.

“Hay nako, Bea, the best yung kanina!” Sabi ko sa kanya habang abong tenga yung ngiti ko. “Umamin sakin si Enrique na gusto niya ko! Tapos, tapos, parang hahalikan na niya ko. Omg talaga!!!” Hindi ko na mapigilan yung kilig ko. Kahit hindi totoo yung nangyari kanina, nakakakilig pa rin.

“Grabe ka girl! Kung anu-ano na kasi yang iniisip mo.” Biro sakin ni Bea.

Bestfriends kami ni Bea since highschool. Actually, trio kami. Yung isa pa naming bestfriend na si Barbie, BFA Industrial Design ang kinuha niya kaya hindi namin siya kasama. Oo nga pala, BA Film ang course namin ni Bea. Blocmates pa nga kami eh! Astig diba? Schoolmate namin si Enrique nung highschool pero two batches higher siya. Ultimate crush ko na siya noon pa man. Isa rin sa mga dahilan kung bakit dito ako nag-college ay para makita ko pa rin siya.

Naglakad kami ni Bea papunta sa Cafe Iana. Dun kasi namin imi-meet si Barbie for lunch. Pagdating namin dun, naabutan naming nakaupo na si Barbie at naghihintay.

“Hey girls! Anong balita?” Bati samin ni Barbie.

“Ay nako, girl! Itong si Kath, nag-daydream na naman tungkol kay Enrique.” Biglang nagkwento agad si Bea kay Barbie tungkol sa nangyari kanina. Si Barbie naman, puro tawa lang. Sanay na sanay na talaga silang dalawa sakin. Hahaha!

“Kath, what if aminin mo na kaya kay Enrique na crush mo siya?” Nagulat ako sa out-of-the-blue suggestion ni Barbie sakin.

“Oo nga naman, girl! Ang tagal mo na rin kaya siyang crush. Hindi ka ba gagawa ng paraan? Ni hindi nga kayo halos nag-uusap eh.”

“Ano ba kayo! Alam niyo namang hindi ko kayang gawin yun eh.”

“Eh ano? Ganyan ka na lang forever? Tingin tingin sa malayo? Walang mangyayari sa’yo niyan!” Sabi ni Barbie.

“Nagkausap naman kami dati nung Youth Camp nung second year tayo.”

“Ang tagal na kaya nun! Matandaan ka pa kaya niya?” -Barbie

“Try mo kayang magbigay ng letter sa kanya kung hindi mo kayang sabihin. At least ma-express mo man lang yung feelings mo for him.” Suggest ni Bea.

Wild nung idea pero napaisip ako sa sinabi niya. Oo nga naman. Bakit hindi ko kaya subukan?

Kinabukasan, tinulungan ako nina Bea at Barbie na gumawa ng letter para kay Enrique. Plano namin is ibibigay ko yun sa kanya after ng class niya sa Archi. Yup! You heard that right. BS Architecture ang course niya. Sobrang cool niya noh? He’s got the looks and the brains!

Pumunta na kami sa Archi para maghanda. Nag-abang kami sa labas sa tapat ng steps. Dun daw kasi siya usually lumalabas. Maya-maya, may naglalabasan nang students from the gate. Ilang sandali pa ay lumabas na rin si Enrique. Pumwesto na ko sa may gilid para sakto pagbaba niya, ibibigay ko sa kanya yung letter.

Eto na. Kathryn, ito na talaga! Kaya mo yan girl! Believe in yourself. Hinga lang. Whew! Pinaghandaan mo na ‘to diba? Nothing will go wrong!

Ayan na, palapit na ng palapit si Enrique sa baba ng steps kung saan ako nag-aabang. Konti na lang talaga. Five, four, three, two, one...

“Hi! Sana tanggapin mo itong sulat ko para sa’yo.” Sinabi ko ng nakayuko at nakapikit. Shucks. Para akong nawala sa sarili ko. Nakaganung pwesto lang ako, hinihintay kong kunin niya yung letter pero hindi niya kinuha. Kaya minulat ko na lang yung mata ko at inangat ko yung ulo ko. Laking gulat ko nang hindi si Enrique ang nakita ko sa harap ko! OMG. What kind of sorcery is this?! Kanina lang si Enrique yung padaan dito tapos biglang..

TEKA SINO BA ‘TO?!

Shucks nakakahiya! Hindi ko siya kilala tapos ganun yung ginawa ko! Tiningnan ko ulit yung lalaking nasa harap ko tapos nakita kong nakangiti lang siya sakin. Hindi ko gusto yung ngiti niya. Parang evil smile. Parang anytime handang handa na siyang tumawa.

Hindi ko na kinaya yung kahihiyan kaya nagmamadali akong tumakbo palayo. Binalikan ko sina Bea at Barbie tapos dun ako nag-rant ng nangyari sakin.

“Grabe! Nakakahiya talaga yung ginawa ko!!” Sabi ko sa kanila.

“Bakit? Anong nangyari?” Tanong ni Barbie.

“Nabigay mo ba kay Enrique yung letter?” Pahabol ni Bea.

“H-hindi eh. Ibang lalaki yung tumambad sa harap ko nung sumugod ako para ibigay yung letter.” Nahihiya kong sagot sa kanila.

“HA?!” They shouted in unision. Obvious namang na-shock sila pareho.

“Ibig mo bang sabihin, you confessed to the wrong guy?!” -Bea

“H-hindi ah! Wala akong sinabi sa kanya. Tumakbo na lang ako palayo.”Sagot ko.

“Buti naman. O, asan na yung letter?” -Barbie

Kinapa ko yung letter sa bulsa ko pero wala. Chineck ko na lahat ng pwede kong ipitan ng letter sa katawan ko pero wala pa rin. O-M-G. Could it be?!

“Ano, nasan na?” -Barbie

“T-teka. Hindi ko mahanap.” Natataranta na ko. Hindi ko alam kung san napunta yung letter! Posible kayang...

“OH NO. Naiwan ko yata sa steps!!” -______-

I'm BATMAN's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon